Chapter 46 - Chase

328K 8.1K 1.5K
                                    

Chapter 46 - Chase

Assuming ba talaga ako? Kasi naman bakit ko pa binigyan ng kahulugan yung kabaitan n'ya? Eto ang mahirap eh, walang aasa kung walang paasa.

Kakagising ko lang at parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. After that news, nag-ring ang phone ko. Pagkakita ko sa screen, si Steph pala. Hindi ko na sinagot at pinatay ko na ang phone ko. Malamang, tungkol lang kay Terrence ang ibabalita n'ya.

Balak kong hindi pumasok ngayon, ewan. Natatamad ako na ewan. Para akong lalagnatin. Haay, nakarinig ako ng sunud sunod na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Bumangon ka na jan!" inis na sabi ni Tristan. Kaagad naman akong bumangon at binuksan ang pinto, nakakunot na naman ang noo n'ya at pinagmasdan ako.

"Tell me, did you cry?" I am stunned on his question. Hindi ko alam ang sasabihin ko, "I guess you are. You're my twin and don't deny the fact that you 've cried. What's your problem?" he asked.

"Nothing. Una ka na Tristan, a-ayaw kong pumasok." sabi ko sa kanya. Minsan lang talaga ako magpakita na ang hina ko.

"No, you'll go to school today. Hihintayin kitasa baba." sabi n'ya at naglakad papalayo. "Trish, hindi solusyon ang pagtakbo o pag-iwas. Hindi ganyan ang kapatid ko. You can do it, I'm always here." he gave me that smile.

He is right, bakit nga ba ako natatakot na harapin s'ya? Tama si Tristan, hindi ako 'to.

Nagbihis na ako at nakapag-breakfast na. Inip na naghihintay sa akin si Tristan sa kotse. Hindi ko na na-attendan yung first class ko. Inis na inis sa akin si Tristan. Bakit daw ba kasi ako nagdadrama?

Pagtapak ko pa lang school, maugong na maugong ang balita tungkol sa pagbabalikan ng dalawa. Lahat sila ay busy, alam mo 'yon. Parang napakabig deal sa kanila 'yon? Ano bang mapapala nila diba? Napakababaw nila.

Base sa mga narinig ko, maraming nagulat dahil daw may rule daw yung Elite5 na bawal mag girlfriend habang kasali sila sa grupo, like duh? Bakit naman? Meron na daw kasing issue dati na may girlfriend daw si Kurt na na-bash ng bongga, kaya simula noon ay itinatag na yung rule na 'yun.

May nagchichismisan sa hallway, sa hagdan, sa fire exit at kung saan saan pa. Puro iyon ang bukambibig nila.

"Oh gash! Sorry pooooo!" sabi sa akin ng isang babae. Kung mamalasin ka nga naman oh, natapon lahat ng books ko sa sahig dahil sa pagbangga n'ya sa akin, "Soooory po! Huhuhuhuhuhu!" inabot n'ya sa akin yung mga libro ko. Hindi ko ugali ang mangealam at magtanong sa buhay ng iba pero nakuha ng babae na 'to ang atensyon ko.

"Why you're crying?" I asked her. She gave me a look. As in magang maga ang mata n'ya sa pag-iyak, "Nagkabalikan na si Terrence Sy at si Quencess. Huhuhuhuhuhu! Wala na talaga akong pag-asa. Ang saket saket!" kinalabog n'ya pa ang dibdib n'ya.

"Alam mo simple lang ang solusyon jan." sabi ko sa kanya. Nagtanong naman s'ya ng 'Ano?' kaya buong puso ko s'yang sinagot.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon