Chapter 40 - Sexy

387K 9.3K 2.2K
                                    

Chapter 40 - Sexy

 

Niyakap ako bigla ni Liam. "Thanks God! You're safe!" binuhat n'ya pa ako at itinaas sa ere. "My God! Ibaba mo na ko!" nakakahiya grabe. Nakatingin yung mga kagrupo n'ya sa akin. Nakita ko naman si Monster na papalayo na sa pwesto namin. Nakalagay lang yung dalawang kamay n'ta sa bulsa ng shorts n'ya.

"Master! Hindi ka naman sinaktan ni boss Terrence?" tanong ni Carl sa akin. Walanghiyang Carlito na 'to. Nakuha pang akbayan ako. Dahil good mood ako pinabayaan ko na lang. Kung tutuusin masayang maging kaibigan si Carl. S'ya na siguro ang gagawin kong bestfriend na lalake. S'yempre walang tatalo sa girl bestfriend ko na si Steph. Nakakamiss yung bruhang 'yun.

"OA mo Carlito! Mukha ba akong pagpapadehado sa halimaw na 'yon?" kasabay pala ni Monster si Dominique. Edi sila na nang-iiwan. Badtrip talaga 'tong si Monster. Kanina ang bait bait tapos ngayon ewan ko. Ang hirap n'yang initindihin. "Malay mo naman Master. Nako kahit anak s'ya ni manager kapag inaway ka n'yan. Nako, masasampolan ko s'ya.." pagmamayabang n'ya.

"Talaga?" tanong ko. "Talagang talaga! Hehe!" sagot n'ya habang nagpapacute. Leche! Mukhang babae yung panget na 'to.

"Oist! Monsteeeer!" pagsigaw ko. Lumingon naman s'ya, nakataas pa ang kilay. "Hindi daw takot sayo si Carl sabi n'ya haha!" paglingon ko naman kay Carl. Napalunok s'ya.

"Ah ganon? Sige mamaya usap tayo Carl. Papatanggal na kita!" naglakad ulit s'ya. Bipolar talaga, akala ko naman makakapanood na naman ako ng away. Bad! 

"Master naman ehhhh! Bakit mo sinabi? Tss! Kakainis ka naman. Hayst!" pagbubuntong hininga ni Carlito. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay ko, "Diba sabi mo hindi ka takot?! Sus!" 

Mabilis kaming nakarating sa base camp namin. Actually, mag stay pa kami dito ng isang gabi pa. Medyo kumukulo na din ang t'yan ko, grabe. Tanging isda lang ang kinain namin kahapon, no rice. So what will you expect? Na hindi ako magugutom? Diet lang ang peg? Hindi uso sa akin ang diet. Hindi naman ako tabain. Psh!

Madalas kong katabi si Liam. Ewan ko ba dito, lagi na lang nakadikit sa akin. Si Monster naman ay ayun nasa malayo at kausap si Dominique. Tanging si Carl at Liam lang ang kumakausap sa akin. Kung paminsan minsan ay sumisingit si Letlet. 

"Nakabalik na pala ang feeling prinsesa...sana nalunod na lang! hahaha" may dumaan na impaktan sa harap namin. Nag-flip pa s'ya ng hair, sino pa ba? Si Tiara. 

"Taray! Feeling maganda na naman!" pagpaparinig ko din. Wala na akong pakialam kung sino man ang makakarinig. For sure, hindi naman ako mag matatalo. Diba nga? Si Trish Lua 'to? Psh!

Nakita ko si Tiara na humarap sa direksyon namin nila Liam. "So feeling mo ikakaganda mo 'yan?" mataray na tanong n'ya. 

"Paki-erase ang feeling. Dahil maganda talaga ako." I smirked. Iniscan n'ya ako mula ulo hanggang paa, "Wala kang malalait sa akin. Maganda kasi ako! Haha!" nag-fake laugh pa ako para mas lalo s'yang mainis. 

"Oh? Bakit hindi ko ramdam na maganda ka?" tanong n'ya. "Kasi manhid ka? Insecure ba? Mga ganon? Hahaha!" balewala kong sagot. Umusok na s'ya sa galit at pinagtitinginan na kaming dalawa. Mapaggawa kasi ng eksena, sa sobrang frustration n'ya, ginulo n'ya ang buhok n'ya at nagwala. "Ugh! Nakakainis ka talagang panget ka!" sigaw n'ya sabay punta sa dagat.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon