Chapter 51 - Heartbreak

350K 9.3K 1.6K
                                    

Hi admirers! Natagal yung Chapter na 'to. Mahirap isulat 'to. Masyadong mabigat not like the usual update. Enjoy reading! 

Read before you vote!

-

Chapter 51 - Heartbreak

"Tell me! T-totoo ba ang lahat ng 'yon?" tanong ni Trish. Nakatingin s'ya kay Terrence, hindi ito nakasagot. Makikita mo kung gaano nagpipigil ng luha yung binata.

Hinawakan ni Terrence ang mga kamay nito, sari saring emosyon ang bumabalot kay Trish, "Bitawan mo ko! Ano sumagot ka? Totoo ba?!" pahayag niyo. Malapit ng bumagsak ang mga luhang pilit na pinipigil ni Terrence. "Ano totoo ba?!" tanong ulit nito. Nagpalit-palit ng tingin si Trish sa dalawa.

"Totoo 'yon.." mahinang sabi ni Terrence at tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito. Kasabay non ang muling pagsampal ni Trish sa kanya, "O-okay lang.. S-sige sampalin mo pa ako kung 'yan lang din ang makakapagpagaan ng l-loob mo.. O-okay lang.." nanginginig ang mga tuhod nito. Halos basag na din ang boses nito dahil sa pag-iyak.

Nakaramdam si Quencess ng 'guilt'. "Iwanan ko muna kayo..You need to talk ata?" painosente nitong sabi at umalis sa eksena. Gusto sanang hablutin ni Trish ang buhok nito ngunit mabilis itong nakaaalis. Silang dalawa na lang ang naiwan.

(Please play the multimedia at the side or listen at "I'll Never Go by David Archuleta)

Trish' PoV

"P-paano nangyari 'yon? B-bakit hindi mo kaagad sa akin sinabi?!" naghahalo ang emosyon na nararamdaman ko, galit. Galit ang nararamdaman ko.

"Ano?! Hindi ka ba magsasalita jan?!" inis na sigaw ko sa kanya. Gusto ko s'yang pagsasaktan. Kita ko pa din ang bakat ng kamay ko sa dalawang pisngi n'ya.

"I'm so sorry.." lumuhod s'ya sa harap ko. Umiiyak s'ya. "Sorry freak kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo..n-natatakot ako." hinawakan n'ya ang mga kamay ko, tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng luha n'ya. Tinabig ko ang mga kamay n'ya.

"Y-yun lang?! Damn! Magpapasalamat ba ako dahil nagsorry ka?! Hanggang kailan mo pa balak patagalin 'to?! Hanggang kailan mo pa balak itago 'to?" inis na inis ako sa sagot n'ya. "Sorry lang?! Ayun na 'yon? Terrence, buhay ng mom ko ang pinag-uusapan dito. Siguro may karapatan naman ako na malaman diba?" tanong ko sa kanya. Tumayo s'ya sa pagkakaluhod n'ya. "Natatakot ka? Bakit ka natatakot?! Wala akong ideya na ikaw ang dahilan sa pagkamatay ng mom ko." unti unti akong nanghihina.

"Natatakot ako na malaman mo. Dahil takot ako na mawala ka sa akin.." tiningnan n'ya ako sa mga mata ko, "Mahal kita freak.." huminto ang mundo ko sa sinabi n'ya.

"Ano na naman bang kasinungalingan 'yan?! Sa tingin mo ba mawawala ang galit ko sa'yo kapag sinabi mo 'yan?! Hah?!" never na akong maniniwala sa kanya. Pinaniwala n'ya ako sa lahat, ginamit n'ya lang ako.

"I don't care if you'll believe or not but at least sinabi ko na.." inis akong napasabunot sa buhok ko. Gulong gulo ako!

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon