Chapter 26 - Big Day

516K 10.7K 5.6K
                                    

Dedicated sa matalik kong kaibigan: mspuchoopuchoo

Pasensya, natagalan. Wala akong idea sa contest na 'to, buti pa quiz bee. :) 

Chapter 26 - Big Day

Halu halong kaba ang naramdaman ko. Sabayan mo pa ng napakaraming tao na nanonood sa labas. Nasa backstage kami ngayon. Kasama ko yung make-up artist ko. Hay grabe, nararamdaman ko na ngayon kung ano ang nararamdaman ng isang beauty pageant contestant. Nakakakaba na nakakaihi na nakakalambot ng tuhod. Nakahiwalay ang dressing room ng babae sa lalake. Kaya hindi ko din alam kung ano ang sasapitin namin ni Monster. Speaking of him, kanina ko lang sya nakita nung nagkasama sama kami ng Elite 5. Tapos ayun, nagbago ang mood nung sinabi ko na nag-wrestling lang kami. Anyare sa kanya? 

Naka-bihis kami ngayon para sa casual wear. Unang part kasi yung ng pageant.  Nakakakaba naman. Kakatapos lang din ng Production number. Natatandaan nyo ba yung pinractice namin? Yun yung ginawa namin. Ganito lang naman ang nangyari. 

Written in Third Person

Nanunuot ang kaba sa mga tuhod ni Trish nung nakaline up na yung mga babaeng contestant. Nasa harap nya si Kiti. Natodo postura. Si Jaz ang unang rarampa. Bagamat nasa backstage pa sila at lahat sila ay nakapila na suot suot ang casual wear nila. 

Unang nagpasiklab si Jaz na sinalubong na palakpakan at hiyawan. Suot suot nito ang isang Wardobe Debate Dress na binagayan ng isang red wedge shoes. Nagpose sya sa gitna ang nagsimula ng magpakilala ng sarili. 

"Jaz Min Trias, 18 years old. Representing Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering...." nagsigawan at mga estudyanteng sumosoporta sa kanya. Tumingin sya at nilibot ang tingin sa buong Auditorium "at naniniwala sa kasabihang...

'Hindi lahat ng kabayo ay nasa kwadro, ang iba ay nandyan lang sa likod ng entablado, kasunod ko! Thank you!" at nag-iwan sya ng masigabong palakpakan at hiyawan. 

Hindi naman napigilan ni Trish na tumaas ang kanyang kilay. Duh! Is she reffering to herself? sa isip isip nya. Panget ng kasabihan. Buwahaha!  Natapos na si Trish sa panglalait sa kasabihan at introduction ni Jaz. Sumunod naman dito si Helo na suot suot ang isang Kitty Crew Dress. Gawa sya sa black fabric at expose ang kanya likod. 

"Like hello. Ew! Backless pa.. ew... lamigin ka sana! Hahaha!" sabi ni Trish sa sarili. Para syang timang nanlalait. Hindi sya hard, nagsasabi lang sya ng totoo. 

Lumakad si Helo ng abot hanggang noo ang ngiti. 

"Yuck!!" sigaw ng mga manonood nung ngumiti ito. May naiwan pa kasing dahon ng lettuce sa ngipin nya at hindi nya yun napansin.  Si Helo naman ay nagpanic at tumalikod muna at tinanggal ang lettuce na nakaipit sa gitna ng ngipin nya.

"Ay kakaloka! Buti hindi yung brocolli ang naipit..gosh.. like o m g talaga"  sabi nya matapos tanggalin ang tinga nya. 

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon