Chapter 24 - SPG

437K 9.1K 1.7K
                                    

Chapter 24 - SPG 

Nagising ako na pagod na pagod. Paano ba naman kung anu ano ang pinaractice namin ni Monster. Kesyo dapat daw magpractice mag smile, kumaway, magpose at project. At ayun nga, sya yung mentor ko.

Nakailang round kami ng practice at inabot kami ng 6. Ipinahatid nya ako sa bahay. Hindi sya yung naghatid kasi pupuntahan nya daw yung daddy nya.

Ako eto, kagigising lang.

Hay nako, panibagong araw na naman. Palapit ng palapit ang contest. Bukas na pala yung pageant na yun. Kinakabahan ako na medyo excited. Ewan ko ba, parang halo halo ang feelings na nararamdaman ko. Hindi ko masasabi na ang saya saya ko, kasi naman syempre kakabahan ka pa rin kahit papaano. Kahit naman super taas ng confidence level ko. Tao din ako at nakakaramdaman ng nginig sa katawan.

Speakin of Terrence, gulat kayo? Terrence yung tawag ko. Nakakabwisit sya nung gabi. Nagalit na naman sa akin eh hindi ko namam alam kung bakit. Basta after ng phone call nya sa akin around 9pm. Nag-berserk na naman sya. As in galit.

Ganito ang nangyari.

"Hoy panget! Bakit ngayon ka lang?!" tanong ng magaling kong kapatid pagkapasok ko kwarto ko.

Nakita ko naman sya na prenteng nakadapa sa kama KO. Walang hiya talaga yung tukmol na 'to. May kwarto naman sya pero tingnan mo ang ginagawa nya ngayon dito. Nakadapa at nakatutok sa laptop nya at nanonood ng videos. Porn videos to be exact. Joke lang!

"Hey why you're here! Umalis ka nga sa bed ko, baka hindi na ako makatulog nyan kasi sa duming naiwan ng katawan mo sa kama ko?!" pagpababanta ko sa kanya. Nginisian nya lang ako at ibinaling ulit ang tingin sa laptop nya.

"Hoy kanina pa kita hinihintay... ang tagal mo.." sabi nya. Asan na ang sagot na gusto kong marinig?Wala! Wala syang kwentang kausap.

"Eh ano ngayon? Sa pagkakatanda ko hanggang 8 ang curfew ko, 7pm pa lang. Look there.." sabay turo ko ng wall clock. Tumingin naman sya dun.

"Umorder ka daw sabi ni Papa.." sabi nya. Umupo na sya sa kama ko. Ako din ay umupo. At magkaharap kami ngayon.

"Eh bakit ako? Ikaw aang lalaki! Kaya ikaw ang umorder! Gentleman ka talaga noh?!" protesta ko. Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.

"I'm not gentleman and I admit it.. so Trish.. We are starving already so mag-order ka na.." sabi nya. Tinaasko na ang magaganda kong kilay.

"Wala kang karapatan para utusan ako. Ok ikaw ang panganay dahil pinanganak ka ni Mama na mas matanda sa akin ng trenta segundos. Wow Tristan! Nakakahiya naman sa mala-ginto mong buhok" sabay flip ko ng magaganda kong buhok.

"So hindi ka talaga oorder?!" tinaasan nya pa ako ng boses. Wow lang!

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon