Chapter 21 - Ceasefire

490K 10.6K 878
                                    

Chapter 21 - Ceasefire

Third Person's POV

Maagang nagising si Trish dahil sa sunud sunod na malakas na katok sa pintuan ng kwarto nya.

Gulo gulo ang buhok at kinukusot nya ang mata nya. Pero yung malalakas na katok ay hindi pa rin tumitigil.

"Bumaba ka na daw!" sigaw ni Tristan sa labas ng pintuan nya, "Kapag hindi ka pa bumangon jan, gigibain ko na yung pinto na yan!" pagbabanta nya sa kapatid nya. Ngunit hindi nya alam na gising na 'to at nag-uumpisa ng mabwisit sa mga malalakas na katok na yun.

Binuksan nya ang pinto at galit na hinarap si Tristan, "Kanina pa ko gising! Letche! Maliligo lang ako! Shoopi!" pinagtutulak nya si Tristan papunta sa hagdanan kaya ito ay nalaglag at namatay. Pero biro lang yun!

Sa kabilang banda, sa condo ni Terrence. Kanina pa sya nakagayak para pumasok. Masyadong excited syang pumasok ngayon, balak nya kasing maghiganti kay Trish dahil sa hindi pagsagot ng tawag nya nung isang araw.

Ngumiti sya ng nakakaloko habang tinitingnan ang long sleeves nya na kasalukuyan nyang sinasarado ang butones sa dulong arm part nito.

"It's payback time." sabi nito matapos maayos maisarado ang mga butones ng sleeves nito.

Kinuha nya ang mamahalin nyang bag na kung saan nakalagay ang isang notebook, pabango at kung anu ano pa.

Isinuot nya ang isang rayban na kung saan nagpaangat ng kanyang kagwapuhan.

Noong nasigurado nya na ang lahat ng dadalhin nya. Pumunta na sya sa basement ng building, sumakay sa kotse at cool na nagdrive papuntang Guzman University.

Mabalik tayo sa mansion ng ng mga Lua. Inis na kinalabog ni Tristan ang pinto ng kapatid nya.

"We're going to be late!" sigaw nito. Si Trish naman ay kasalukuyang nakababad sa bathtub at naka-ear phones pa. Kaya hindi nya marinig ang sigaw ni Tristan sa labas.

Bumaba si Tristan at pinuntahan ang ama na nagbabasa ng dyaryo sa sala. Bakas pa din sa mukha nito ang pagka-inis. Naiinis sya dahil kanina pa sya ready pumasok kaso mukang malelate pa sya dahil sa kagagawan ng kapatid nyang busy sa paliligo.

"Pa. Alis na ko." sabi nya dito. Nag-angat ng tingin ang ama. At parang nagalit ito sa sinabi ng anak, "How about princess?" tanong ng ama dito.

Kahit na naiinis si Tristan, sumagot sya dito ng maayos. "I was knocking for one hundred times. Maybe she is still on her bathroom. For pete's sake Papa, I'm going to be late. So I'm going to leave.." paliwanag nito. Mukha naman naintindihan agad ng ama ang inis ni Tristan sa kapatid. Napansin nya kasi na kanina pa nakagayak si Tristan. At kanina pa sya pabalik balik sa kwarto ni Trish.

Sumakay na si Tristan sa kotse nya. at nag-drive patungong University.

Pagkaalis ni Tristan, pababa naman si Trish. Kakatapos lang nito maligo at naka-ready na 'to. Tuyo na rin ang buhok nito kasi tinapos nyang i-blower ang buhok nya. Dahilan upang lalo syang magtagal.

"Good morning Papa! Where's prince?" tanong nya dito. "Nauna na sya. Nainis sa'yo." sagot naman nito. Nalungkot naman si Trish. Nagmamadali pa syang maligo dahil sa demanding nyang kapatid pero ang nangyari, iniwan pa rin sya nito.

Humalik sya sa ama at nagpaalam na dito. Pagbukas nya pa lang ng gate, namataan nya na ang lalaking naka-sandal sa Lexus nitong kotse sa harap ng bahay.

Si Liam

Nilalaro nito ang dahon at pinupunit. Naramdaman ni Liam ang pagbukas ng gate at nakita nya ang isang babaeng, nakataas ang kilay at tinitingnan sya.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon