Chapter 9 - Announcement

542K 10.9K 2.1K
                                    

Chapter 9

Stop flirting with my friends..

                 

Stop flirting with my friends..

                    

Stop flirting with my friends..

 

Talagang nagpantig ang tainga ko sa pesteng line n’ya na ‘yan. Seriously, bakit nga ba ako nagpaapekto sa sinabi n’ya. Mahirap pala talaga kapag red days, ang sensitive ko. Kainis! Ang kinagagalit ko pa ay umiyak ako sa harapan ng isang halimaw! Ughhh! Nakakaaasar talaga!  

Asa sya! Yung kaibigan nya lalandiin ko? Wow lang! Mandiri namana s’ya sa sinabi n’ya.

Tinanggal ko yung kamay ko na hawak hawak ni Liam. Kanina pa din nakasunod sa akin si Liam. Ugh, why he is so gentleman? Mas lalo tuloy akong na-aattract sa katulad n’ya, wala ka ng hihilingin pa, "Eto na yung pinabibili mo.." sabay abot n’ya ng frappe.

"Ay thank you.." nahihiyang sabi ko pero naregain ko na ang poise ko. Duh, itsurang pag-iyak na ‘yun ay pagluluksuan ko? No way, dapat marunong tayong mag move on ng mabilisan. Huwag mong gawing kawawa ang sarili mo at hindi naman nakakabawas ng pagkacool ‘yung pagsasabi ng thank you.

"M-marunong ka palang mag thank you?" nauutal n’ya pang sabi at sabay nag-iwas ng tingin sa akin. Ah I mean, sa kagandahan ko.

"Ay joke lang ‘yung narinig mo! Baka bag ko ang nagsalita!" sarkastiko kong sabi at inirapan s’ya.

"Adik ka talaga.." sabay ginulo n’ya yung buhok ko. Inis naman akong tumingin sa kan’ya. Don’t messed up with my hair, ugh, I hate this!

"A-ano ba! Feeling close ka! Ginulo mo pa ang buhok ko!" tinampal ko ‘yung kamay n’ya. Ohmyghad, tumawa s’ya at ang gwapo n’ya doon! Ugh, I hate to say that pero ang gwapo n’ya talaga eh!

"Sinabihan mo pa ako ng adik! Muk’a ba akong adik? Hah!"

***

Nandito kami ngayon sa isang bakanteng room. Walang tao, malamang bakante nga e. Bobo nyo. Hays!

"I thought we're friends already?" tanong n’ya. Ohmyghad,  huwag mo nga akong titigan.

"Alam mo ‘yung joke? Try mong bumili nun!" dinaan ko na lang sa pambabara. Makatingin kasi eh..

"Oo alam kong maganda ako.. huwag mo naman akong pakatitigan.." dagdag ko pa. Natawa naman s’ya sa sinabi ko. Hawak hawak nya pa ‘yung tiyan n’ya. Sige lang, mamatay ka d’yan kakatawa. Bwisit na lalaki na ‘to, pagtawanan ba naman ang isang dyosa?

"Hahahahahahaha-Hahahahaha-Hahaha! Ang dami kong tawa mga labing lima!" sabi n’ya. Puti ng ngipin, kainis!

"Ows? Nabilang mo?" pambabara ko.

"Oo e, hahahaha mga apat na tawa ngayon!" sinukbit ko ‘yung bag ko at iwanan s’ya dun. Bakit ba ang daming nasisiraan ng bait ngayon? Bakit ba ang daming baliw ngayon? Bilangin ba naman ang tawa? Sinong hindi kikilabutan doon?

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon