Chapter 6: Homecoming

3.4K 107 49
                                    

Its funny thing coming home. Everything looks the same, feels the same, even smells the same. You realize what changed is you"

*****

Eiffel's PoV

Pagbaba ko mula sa taxi na sinakyan ko ay napatitig ako sa magarbong gate na nasa harap ko.

It's been nine years nang huli akong nakatapak sa lugar na ito kung saan ako lumaki.

Gosh, I felt so excited and nervous.

I buzzed the doorbell na dati ay hindi ko pa maabot pero ngayon ay walang kahirap hirap ko ng napipindot.

Lumabas mula sa gate ang isang pamilyar na lalaki.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa kanila?" nakangiting tanong noong lalaki.

"Mang Berto? Comment allez-vous?" (How areyou?) excited na tanong ko at di ko namalayang french word pala ang nasabi ako!

"P-Po?"

Natatawang inalis ko ang shades ko at ngumiti sa kanya showing my blue eyes.

"Mang Berto! Ako po ito!"

Naningkit ang mga mata niyang tinitigan ako ng mabuti na parang hirap na hirap akong kilalanin pero lumipas ang ilang segundo ay gulat na gulat ito at di makapaniwalang tinitigan ako.

"M-Ma'am Eiffel?" tanong niya and I nodded excitedly.

"Ikaw po ba talaga yan ma'am? Di po kita nakilala ah! Ang laki laki niyo na tapos ang ganda ganda niyo po! Akala ko nawawalang modelo ang kaharap ko" hindi maitago ang tuwang nararamdaman ng mabait na guard ng aming pamilya.

"Maraming salamat po"

Binuksan niya ang gate at agad niyang kinuha ang maleta ko "ma'am Eiffel tutulungan ko napo kayo"

"Naku maraming salamat po mang Berto" at naglakad na kami papasok ng mansion.

Siya na rin mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin at pagpasok ko ay nakabusangot na itsura ng isang kasambahay ang nadatnan namin sa sala

"Hoy Berto! Dalawang taaong gulang na anak-anakan natin pero heto ka at nagpapacute sa ibang babae! Di ka na nahiya't sa mismong pinagtratrabahuhan pa natin ikaw lumalandi!" sermon ng babae.

"S-Sandali lang Cora my labs! Nakakahiya" sita naman ni mang Berto at napangiti ako.

"Abat- Ako pa talaga ang kinahihiya mo! Halika nga rito!" nangingigil na piningot ni manang Cora ang tenga ng asawa nitong umaaray naman sa sakit!

"Wala po kayong dapat ipagselos manang Cora, kayo lang po ang mahal ni Mang Berto" pagtatangol ko sa kawawang guard.

Kunot noong napalingon naman ito sa akin "mawalang galang na po, sino po ba kayo at anong sadya niyo dito?"

Nakangiting hinawakan ko ang kamay ng kusinera ng aming pamilya.

"Ako po ito manang, si Eiffel po"

Nanlaki ang mga matang tinitigan niya ako "L-Lady Eiffel?! Ikaw po ba talaga yan?!"

"Opo. Ako po ito, yung batang pinagluluto niyo ng pancakes dati" magiliw na kwento ko.

"T-Teka! Tatawagin ko ang seyora at ang iba pa" singit ni mang Berto at tumakbo sa kusina.

Agad akong niyakap ni manang Cora "Naku! Salamat sa panginoon ko at nakauwi na po kayo!" maluha luhang sabi niya at hindi ko mapigilang hindi matawa.

"Ano bang pinagsasasabi mo Berto? Sandali lang at masakit ang tuhod ko!" saad ni yaya Rosy na hinihila ni mang Berto.

"Naku manang! Matutuwa po kayo sa makikita niyo!" excited na kwento ni mang Berto.

Divorce Me Kuya! (Book 2) Watty Award 2021 NomineeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon