His Lies

600 31 2
                                    


"One lie is enough to question all the truths..."

*****

"Eiffel! Ang aga mo naman pumunta dito!" masayang salubong sa akin nila Turquoise at niyakap ako.

"Of course, I want to hangout with you all lalo na at malapit na ang pagalis namin ulit" saad ko at malungkot na ngumiti. 

"Ok- cut the drama na ha! Don't worry kami na lang ang dadalaw sayo sa palasyo mo sa Britain. Daddy can't say no to us after all" aniya ni Diamond habang naglalakad kami sa hallway.

Every student was looking at us as we all walk together happily.

"Sayang talaga at hindi mo na maitutuloy ang pagaaral mo dito" Malungkot na ngumiti si Emerald sa akin. 

"I'm contented already Emerald, kahit papano naranasan ko ulit mabuhay na parang isang normal na estudyante kasama kayo at tama na iyon sa akin. I have my own position to handle after all"

"Nga pala eto yung Invitations. You all need to be there ok?"

Opal looked at the wedding invitation I gave them " Syempre naman! Nakita nga pala namin ang wedding gown mo na ginawa ni Emerald. Napakaganda so for sure bonga ang magiging kasal niyo no?" 

"Oo naman! Our friend deserves the best!" singit ni Topaz. 

"Eiffel? Is that you?" tawag sa akin ni Denver nang magkasalubungan kami sa hallway.

"Denver! It's so nice to see you again!" bati ko at niyakap siya. 

"You bet! Bakit ka andito? Are you gonna continue your study here in SU?"

Umiling ako at may kinuha sa bag ko.

"I'm just here to give out my Wedding Invitations. Here, I hope you can come, it's five days from now" I answered him as I hand him the envelope. 

"Really? Ikakasal ka ulit? Wow, I'm glad to hear that" 

"Thank you, sana makapunta ka talaga" 

"Oo naman, ikaw pa. Congrats di ka magiging deborsyadang babae" 

 "Baliw ka talga! Sige Denver, I'll see you at my Wedding, bibigyan ko pa kasi ang Dean natin ng Invitation e" paalam ko at umalis nakasama nila Turquoise pero napatigil ako nang maalala ko ang sinabi ni Denver kanina. I believe I never mentioned to him about me wanting to divorce Clyde right..? 

"Girls punta lang ako sa washroom ok?" paalam ko. 

"Samahan na kita neng" Alexandrite offer "No need, babalik din naman ako agad" kako at nagtungo na sa pinakamalapit na CR. Pagkatapos ko ay babalik na sana ako sa mga kaibigan ko nang may biglang may humablot sa kamay ko "So ikakasal ka na pala" 

"Dominic?" gulat na tawag ko sa lalaking nasa harapan ko at inis na binawi ko ang kamay ko.

"Buhay ka pa pala"

"Ouch, ang sakit non baby doll" ngisi niya sa akin na mas ikinainis ko.

"Do you mind? Naghihintay sa akin ang mga kaibigan ko" gusto ko na sanang lagpasan siya pero hindi siya umalis "Be careful with the people you call your "friend" baby doll" he stated and walked away leaving me full of questions. 

"""""""

"So ano ang gusto mong gawin natin sa Bachelorette Party mo? Magcocontact na ba ako ng male stripper?" 

"Oh yes Turquoise! Make sure na may abs at nakasuot ng police uniform!" 

"Don't you dare do that girls! Ayokong magalit ang asawa ko!" namumulang sita ko sa kanila na itinawala lamang nila. 

Divorce Me Kuya! (Book 2) Watty Award 2021 NomineeWhere stories live. Discover now