Chapter 63: TICK TOCK

1.5K 38 9
                                    

"Just found the reason why we say Tick Tock and not Tock Tick and I'll never be the same"

""""""

Eiffel's PoV

"Miss Eiffel, for sure napakaganda ng magiging wedding gown niyo, I can't wait to see it" saad ni Ana habang inaalalayan ako. 

"Syempre naman Ate Ana! Ilang lingo kaya akong magpupuyat para gawin ang gown na ito!"pagluluksa ni Emerald at  napangiti lang ako. 

We are currently in my mother's house because today is the schedule for my measurements to be taken by Emerald for my Wedding Gown. 

"I'm still shocked though, imagine umalis kayo ng bansa e magkaaway kayo ni Clyde  tapos paguwi niyo eto, kasalan na ang magaganap!" ngiti ni Mama habang hinihimas ang buhok ko 

"Oo nga Tita, pero parang nagmamadali naman ata kayo, imagine your wedding is set two weeks from now! Di pa nga naabsorb ng karamihan na totoong magasawa kayo ni Mr Fuentabella tapos eto, ikakasal kayo ulit. My gosh di ko talaga alam kung paano ko gagawin ang gown na to. Ang gusto ng asawa mo 3 times na bonga kesa dun sa sinuot mo sa commercial! I mean, papatayin ba ako ng asawa mo neng?!"  litanya ni Emerald.

"My son is just so excited to marry Eiffel girls, alam niyo naman paranoid lang at eh baka magbago pa ng isip ulit ang manugang ko" Mommy Sophie explained as she held my shoulders and smiled at me. 

"Oo nga Mommy, araw araw ngang tinatanong ako kung totoo bang itutuloy namin ang kasal na to" napapailing na kwento ko.

"He's so hopelessly in love with you my dear" tawa ni Mommy Sophie.

"You know what Eiffel? Your wedding is  more suited to be celebrated in Britain, specially now that you are already a Countess" sabi ni Turquoise habang tinitignan ang mga nakadisplay na mga alahas na pagpipilian ko mamaya. Silang dalawa lang na magkapatid ang nakapunta dahil may ibang nakaschedule na gagawin ang iba pa nilang mga kapatid. 

"Actually, this is not the wedding I want, gusto ko yung tulad ng una naming kasal, yung simple lang. Pero  ayaw ni Clyde, he wants to give the extravagant wedding I deserve he said" Kwento ko at napairap.

"Well, you can't blame him. Gusto lang niya sigurong bumawi" sabat ni Ana. 

"Still, mas maganda kung sa Britain. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ng lalaking iyon..."  pagpupumilit ni Turquoise na ikinapagtaka ko. Bago ko pa siya tanungin ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok sila Kathlene at Kathrene.

"Where is our beautiful bride to be?!"sabay nilang bati sa amin at ubod ng sayang niyakap ako.

"OMG! We're so happy couz-in-law! Imagine? Ikakasal kayo ulit!"naiiyak na sabi ni Kathrene.

"Indeed love is  sweeter in second time around" puna din ni Kathlene.

"Definitely" pagsangayon ko at napatingin sa nakasuot na singsing sa kamay ko. I never imagined na nasuot ko na ang singsing na ito sa kaliwang kamay ko... For the past nine years hindi ko inexpect na maikakasal ulit ako sa taong totoo kong minamahal.

"Alright pag usapan na natin ang venue ng kasal at kung ilang daang bisita ang imbitado! Dapat bonga ang kasal na to kahit madalian ang preparasyon!" 

"We need to choose the sponsors as well- the souvenirs! We almost forgotten about that!"

"I think magandang theme is gold and blue" nawala ang atensyon ko sa pinaguusapan nila nang mapansin ko muli si Turquoise na nakatingin lamang sa bintana ng kuwarto.

Divorce Me Kuya! (Book 2) Watty Award 2021 NomineeWhere stories live. Discover now