Chapter 32: Missing Wives

1.6K 69 15
                                    

It's the smallest adventures that leads you to the greatest happiness

****

"Uy girl! Nakita mo na ba yung bagong advertisement sa TV?"

"Alin yung sa isang banko ba? Oo! Grabe ang ganda nung bride no?"

"Yeah! Pati yung groom ubod ng gwapo! Match made in heaven nga ata sila eh!"

"Wait, di mo ba alam? Natural lang na pogi yung groom dahil siya lang naman ang CEO ng FFG Unibank no! Usap-usapan na nga sa social media ang paglabas niya doon sa commercial dahilan ng pagkagulat ng lahat"

"No way! Ang swerte naman nung bride!"

"Oo nga! Ingit lahat ng kababaihan pati mga kabaklaan sa buong Pilipinas!"

Napahigpit ang yakap ko sa libro ko habang naglalakad sa may hallway.

"Pst! Hot topic kayo ng asawa mo neng ah!" biglang sumulpot sa tabi ko si Turquoise.

Agad kong tinakpan ang bibig niya at lumingon lingon sa paligid.

"Wag ka ngang maingay diyan Turquoise! Baka may makarinig!" sita ko.

Muntik na akong napatili ng may mga kamay na yumakap sa balikat ko.

"You don't have to worry Eiffel, walang makakakilala sa iyo dun dahil sa tinde ng make up transformation mo no" sabat ni Topaz na kasabay na naming naglalakad.

"Oo nga, kinulit kong maigi yung make-up artist na kung maaari ay gawin kang mukhang late twenties para hindi ka na magkaroon pa ng mas madaming admirers at mabawasan ang inis ng asawa mo" segunda ni Emerald.

Teka, kelan pa namin kasama ang isang ito?

"Bakit ba bigla bigla kayong parang kabute na sumusulpot na magkakapatid ha?!" sigaw ko sa kanila at binilisan ang lakad.

"Sinong kabute?" sabay na tanong nila Opal, Diamond at Alexandrite na nakatayo na sa harapan namin.

"AAAAHHHH!"

''''

"Wag ka nang magalit Eiffel"

"Oo nga, bati na tayo"

"Ililibre ka raw ni Emerald ng movie dahil sa pagtulong mo sa kanya"

"Bakit ako? Wala na akong pera no! Sa takaw niyo palang ngayon ubos na pera ko!"

"Ikaw na nga ang mangagamit ng kaibigan diyan, ikaw pa ang may ganang maging kuripot!"

Natatawang napailing naman ako, magkakasama kaming pito para sa late celebration ng pagkapanalo ni Emerald sa competition na nilaunch ng kompanya nila Clyde.

We're currently eating in an open café near the Salvador University and enjoying our time.

"But hey, mabalik tayo sa topic, nagviral ang commercial ng kompanya ni Mr. Fuentabella dahil sa appearance mo Eiffel" kwento ni Opal habang nilalantakan ang chocolate chips frappe niya.

"Yup, balita ko nagkakaroon nga ng mga search party ang ibang kompanya para sa iyo dahil walang nilabas na information ang Fuentabella Financial Group patungkol sa iyo, ang sabi nila ay exclusively for their company ka lang daw" dagdag ni Diamond.

"Nagulat nga din ang lahat dahil pumayag na umappear ang big boss ng FFG Unibank just for a commercial e ilag na ilag nga ang young bachelor na iyon sa lime lights remember?" tanong ni Topaz.

"Well, pang commercial nga naman ang kapogian ni Mr Fuentebella diba? All women should rejoice seeing him in a national TV"

Tumawa naman si Alexandrite "Only if they know na totoong magasawa ang nasa commercial na iyon"

Divorce Me Kuya! (Book 2) Watty Award 2021 NomineeWhere stories live. Discover now