Chapter 45: A Minute

2.1K 88 24
                                    

"In life you can absolutely count on one thing- everything can turn in one day, in one minute sometimes"

***

Eiffel's PoV

"Clyde! Livi! Dahan dahan lang!" sigaw ko sa dalawang lalaking naguunahang tumakbo palabas ng Hotel patakbo sa karagatan.

Parehas silang tumatawang lumusong sa dagat at nagwisikan ng tubig.

Napailing naman ako sabay napangiti, ang mga ito talaga.

"M-Miss Eiffel" nilingon ko ang sekretarya ni Clyde na may hawak ng payong.

"Ate Briana, bakit ang layo mo?" tanong ko sa kanya at agad siyang umiling, nilapitan ako saka pinayungan.

"W-Wag niyo na akong tawaging 'Ate' Miss Eiffel. Kayo na ang Presidente ng kompanya kaya dapat niyo lang akong tratuhin na normal na empleyado"

Natawa naman ako at napatingin sa maaliwalas na kalangitan at karagatan ng Batangas.

"Sige na, pagbigyan mo na ako, I want someone I can call Ate again" malambing na tugon ko sa kanya.

"P-Pero kasi M-Miss Eiffel..."

"Miss Eiffel wag mo nang stressin si Briana, hindi yan lalaban sayo" singit ni Lovely Ana at hinawakan ang bewang ko.

Natatawang umupo ako sa hinanda nitong beach bench at tinabihan ako.

"Isa ka pa, sabi ko nang wag mo na akong tawaging 'Miss'"

"Pasensya na kayo, dahil hangat ikaw ang namamahala ng kompanya ay kailangan ka parin naming iaddress ng ganito"

Napatirik na lamang ako ng aking mga mata.

"Ang ganda ng napili mong lugar for the Company's Retreat Miss Eiffel" puna ni Ana.

"Yes, aside from that ay malapit lang naman ang Manila dito at may Hotel branch din dito si Mama kaya ito ang pinili ko"

Nakangiting nilibot ko ang panigin ko sa tabing dagat kung saan ay nagsasaya ang mga empleyado ng asawa ko.

Some are swimming, surfing, ridding a banana boat and jetski, ang iba ang nagpapara sailing and para glidding. Some women are sun bathing or playing beach volleyball.

Pinareserve ko ang buong Hotel para maaccommodate ang lahat ng empleyado at excecutives ng FGG Unibank Main and Second Branch. Suma total ay dalawan daang employado ang sasama sa kasiyahan ng dalawang araw.

"Your Drinks Madame" biglang sumulpot sa tabi namin si Carlo na may dalang tray ng Raspberry Frappes.

"Ay anak ni Petrang Kabayo! A-Ano ba yan Sir Carlo! Wag ka namang mangulat diyan!"

Nagtawanan kami sa reaksyon ni Briana.

"Briana, kalma ka lang, di ka naman gagalawin niyan" sabi ni Ana at kinuha ang juice sa tray saka inabot sa akin.

"Carlo, di ba sabi ko magenjoy ka lang, take it as your rest day"

Carlo remained expressionless which made me chuckle.

"Hay, kung hindi lang nagsasalita minsan si Sir Carlo mapagkakamalan ko na siyang Robot Miss Eiffel!" sumbong ni Briana. Tinignan lamang siya ni Carlo at inabot ang huling baso ng juice.

"A-Ah, hindi salamat na lang, May allergy kasi ako sa raspberry-"

"It's Strawberry Frapp"

"Wow! Talaga? Akala ko hindi sila nagseserve nito! Thank you Sir Carlo! Favorite ko to eh!" malawak ang ngiting pasalamat niya kay Carlo at masayang sinimsim ang laman.

Divorce Me Kuya! (Book 2) Watty Award 2021 NomineeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt