Chapter 14: Their Plans

3.2K 104 22
                                    

"A goal without a plan is just a wish"

****


Eiffel's PoV

"Oh! Ayaw mo yun?! This is a great chance Eiffel!" Nakangiting sambit ni Mharya. Kakatapos ko lamang sabihin sa kanya ang demands ng lalaking iyon kapalit ng pagpirma niya sa divorce papers namin.

"Chance for what? Alam mo namang kaya nga ako nagpunta dito para putulin na ang lahat ng koneksyon ko sa kanya" I reminded her.

She chuckled and took a sip from her drink "Ano ba yan best friend, naturingan kang Goddess of Wisdom sa Business world pero di mo maisip ang simpleng bagay na ito"

"Ano ngang pinupunto mo Mharya Xavier?" Pangungulit ko.

"Revenge" she bluntly answered that made me stop.

"Don't tell me never sumagi sa isip mo ang salitang iyon?"

Of course it did! For nine years that I hated him I always wanted to give him a payback.

"He's already giving you an opportunity to strike back dear. I mean if I were you, I'll grab that fucking opportunity and make him feel all the pain he caused me"

She's right.

But...

"I-I can't Mharya" amin ko at napayuko.

"At bakit naman?"

"Ayokong makasama siya ulit sa lugar na iyon. The mere idea of it makes me uneasy"

"Eh ano namang plano mo ngayong ayaw niyang pirmahan yang papeles niyo?"

"Babalik na lang ako sa Britain kasama nila Mama at Livi. Since wala na din naman akong planong magasawa ay hindi ko naman kailangang ipilit ito. Pwede ko parin naman gamiting ang maiden name ko at hindi ang apelyedo niya just like how it used to be. Walang makakaalam na kasal ako sa kanya" I pointed out and she nodded.

"Eiffel, nakakalimutan mo atang isa kang Kondesa ng maharlikang pamilya. Everyone in your circle of society will pressure you to take a partner to continue your family's legacy. After being the Countess ay andami mo nang natatangap engagement proposals hindi ba? Kung hindi lamang dahil sa de Sevilles ay hindi mababawasan ang mga lumuluhod sa iyo" paalala niya. Kaya nga malaki ang utang na loob ko sa nga magulang ni Silva dahil tinulungan nila ako noon.

"I already have Livi, he'll be the next Count of the Sinclaires"

Napahilot ng noo si Mharya. "I won't let you do that Eiffel. You can't make Livi a Count. Isipin mo ang mga sasabihin ng publiko pag nalaman nilang wala siyang dugong bughaw. Kakawawain lang nila ang anak mo"

I clenched my dress and looked so troubled. Tama siya, lumaki ako sa mundong iyon at alam ko kung paano umikot ikot ang mga bagay bagay sa aming mga maharlika.

Noong una kong salta Britanya ay nahirapan akong ibuild ang pangalan ko. I was only a half noble, in short, born lowly. Kung hindi lamang sa pagkilos at pagsasalita ko sa kakaibang paraan ay hindi ko pa makukuha ang loob ng ibang maharlika. Specially the elders.

Tumaas ang kilay niya at tinitigan ako "Are you scared?" She implied which made me speechless.

"N-No! Of course not" tangi ko.

"Then show it to him. Ipakita mo sa kanya na hindi ikaw ang labing isang taong gulang na batang sinaktan niya! Make him regret leaving you! Make him feel the same pain of being hurt by the one you love!" Saad ni Mharya at napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang siya narinig na ganito.

Divorce Me Kuya! (Book 2) Watty Award 2021 NomineeWhere stories live. Discover now