Chapter 34: Found and Rescued

1.6K 74 13
                                    

We are our own dragons as well as our own heroes, and we have to rescue ourselves from ourselves

****

Eiffel's PoV

"Miss Eiffel, hindi ko na po kaya... Gusto ko nang bumalik sa Pilipinas" pagmamakaawa ni Ana sa akin habang hinihimas ang masakit na balakang niya.

"As much as I would love to go back with you, hindi natin pwedeng iwan ang kambal, Ana"

"Hey couz-in-law! Are you enjoying our road trip?" nakangiting tanong ni Kathrene sa aming dalawa.

"This is not a road trip! Saan ka nakakita ng road trip na pupunta ng Thailand para lang magpamassage, magshopping sa Hongkong at magpasalon sa Singapore?! Pwede naman nating gawin ang mga ito sa Manila e!" naiinis na sagot ni Ana.

Napailing lamang ako, she has a point. Hindi lang ako nagpupumiglas dahil alam ko namang hindi kami makakatakas sa kambal na ito. Saka sanay na akong nagpupunta sa ibang bansa, yung nga lang for business purposes and not for leisure like this.

We're currently in Singapore right now and doing some mall hopping again.

Nagkatinginan ang kambal at natawa lamang saka hinatak si Ana paloob sa isang shoe boutique.

"Ang mamahal pa ng mga pinapamili niyo! Hindi ba kayo natatakot na maubusan ng pera?!" nagpatuloy sa panenermon si Ana.

"Matagal ka na naming kinukulit na lumabas pero tangi ka ng tangi. Saka you don't have to worry about money, galit kami sa pera dahil kaagaw namin ang mga ito sa asawa namin. Look at Eiffel, her husband is an owner of a bank, she can even buy this entire mall if she wants to!" turo sa akin ni Kathlene saka pinaupo si Ana.

"Hey, I never use that man's money. Malapit na kaming maghiwalay kaya wala akong karapatan gawin iyon" sagot ko habang tinitignan ang isang sapatos.

Nakapanlabing yumakap sa akin si Kathrene "So malapit ka narin palang maging ex couz-in-law namin?"

"We can still be friends, yes?" tanong ko pabalik.

"Sabagay, oh, that's a nice color! You're buying it?"

"Nope, not my taste"

Binigay ko kay Kathrene ang hawak kong sapatos saka naman niya inabot kay Ana "Ok, Ana try this!"

"Ha? Kanina niyo pa ako binibilhang ng mga kung ano ano. Tignan niyo nga hindi na madala ng mga body guards niyo sa dami" nginuso ni Ana ang tatlong PSG na madaming bitbit na malalaking boxes at paper bags.

"Hayaan mo sila, they already got used on doing those things for us since we were kids"

Walang nagawa si Ana ng palibutan siya ng mga sales agent at pinapasukat ng mga ibat ibang sapatos. Papuslit akong lumabas saglit at nilabas ang cellphone ko.

"Kamusta na kaya siya?" out of nowhere na tanong ko.

By this time, paniguradong alam niya nang nawawala ako at baka nagaalala na siya.

He's been calling and texting me pero hindi ko pwedeng saguting ang mga iyon dahil baka matrace nila kami sabi ng kambal.

But he's been too busy these past week kaya baka wala din siyang oras para hanapin ako.

"I wanna see him..." napakunot noo ako sa mga salitang kusang lumabas mula sa bibig ko.

What on earth are you saying Eiffel Earl Sinclaire?!

"Eiffel? You doin' something?" tawag sa akin ni Kathrene paglabas nila ng shoe boutique.

Mabilis akong umiling at sinilid ang phone sa loob ng bag ko. "W-Wala, shall we go to the next shop?" aya ko sa kanila na mas nagpasaya sa kanila.

Divorce Me Kuya! (Book 2) Watty Award 2021 NomineeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz