PROLOGUE

301 10 1
                                    

"Kailan pa?" Mahinang tanong ko kay Scott. Pumunta pa man din ako dito sa condo niya para i-surprise siya pero mukhang ako ang na-wow mali.

"2 months ago." Nakayukong sagot nito sa akin. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko at halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Dalawang buwan na niya akong niloloko at pinagmumukhang tanga.

"Bakit?! Kulang pa ba lahat ng pagmamahal na binigay ko sayo?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko pati na ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.

"I-I'm sorry, Heather..." Hinawakan pa niya ang kamay ko pero agad ko itong tinapik palayo.

"I'm sorry?! Sa tingin mo ba matatanggal ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko? Gago ka, Scott! Napakagago mo!" I'm literally shouting at the top of my lungs at wala akong pake sa sasabihin ng mga nasa katabing unit.

"Alam kong mali ako, Heather--"

"Aba! Buti alam mo!"

"Pero I've already decided..." Nagtama ang tingin namin at pakiramdam ko alam ko na ang susunod na sasabihin niya. I felt the pain suddenly make its way through my chest at for the second time, nanlambot na naman ako. "I'm breaking up with you." He finally said at ilang beses iyon nag-echo sa utak ko.

2 fucking years and he ended it in 5 fucking words.

Ang sakit sakit.

At katulad nga ng kasabihan na...

"Kung nagmahal ka ng dalawa, piliin mo yung pangalawa kasi kung mahal mo yung una hindi ka maghahanap ng iba."

Yun nga ang ginawa ni Scott. Hiniwalayan niya ako para sa bagong babae niya at ito rin ang dahilan kung bakit nabansagan akong "HUGOT QUEEN" sa school namin.

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now