Kabanata 7

142 8 0
                                    

"Nagpapatawa ka ba?" Nakakunot ang noo ni Blake nang sabihin yun.

"Seryoso ako! Kasi sabi sa akin ni Mia na nakita daw niyang affected si Scott nung magkasama tayo kahapon... Iniisip niya na masasaktan lalo yung ego ni Scott kapag nakita niya tayong laging magkasama. In that case, makakaganti ako sa kanya!" Paliwanag ko.

"You're out of your fucking mind, Heather. Diba kakasabi ko lang ng tungkol sa bro code? Hindi ko na gugustuhing madagdagan yung pasa sa mukha ko. So the answer is no!"

"Ihhhh! Sige na, Blake!!! Kahit ilang araw lang. Gusto ko lang siya bwisitin!"

"Okay, for example, pumayag ako at nakaganti ka na. Ano namang mapapala ko?! Anong benefit nun sa akin?"

"Eh di ililibre kita ng pagkain!"

"I can buy my own food." Masungit na tugon niya.

"Oh eh di i-level up natin! Ililibre kita ng lunch for the whole week."

"I can buy my own food for the whole year and even for the following years." Ugh, yabang! Tss. Palibhasa rich kid eh.

"Eh di ako gagawa ng homework mo sa duration ng pagpapanggap natin!"

Napatigil siya at tila nag-isip. It looks like he's weighing his options. "Pwede... What else?"

"Anong what else?! Di pa ba sapat yun?!"

"Hindi pa. Kung magpapanggap ako bilang boyfriend mo, sasayangin mo ang oras ko, ang effort ko at ilalagay ko ang friendship namin ni Scott at risk. So hindi sapat na gagawin mo lang ang homework ko." Damn it! Ang daming alam ng lalaking to!

"Fine! Hmmm... Alam ko na! Ilalakad na rin kita sa babaeng gusto mo! Oh effort yun ah!"

"Okay! Sounds good to me. We'll talk about the terms and conditions of this deal after class. Ipapasundo ko kayo ng bestfriend mo sa driver ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. Napapayag ko siya!!! Oh my gosh!! I can't believe it!

- - -

"Wag ka muna magrereact, wag ka muna magugulat." Sabi ko kay Mia. Uwian na namin at nandito kami ngayon sa gate sa labas ng school.

"Oo na! Ano ba kasi yun?! Tsaka saan tayo pupunta?" Nagtataka nitong tanong.

"Nakausap ko na si Blake kanina at pumayag na siya na magpanggap bilang boyfriend ko. Makakaganti na ako kay Scott!" Excited na balita ko sa kanya at nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya at napahalukipkip pa siya.

"Oh my goodness grace!!" Hindi na niya napigilan ang mapasigaw at natawa na lang ako. "Buti napapayag mo siya! Anong--"

"Excuse me, Miss Gilmore? Miss Madrigal?" Sabay kaming napalingon ni Mia sa nagsalita. Isang lalaki ang lumapit sa amin na nakasuot ng parang uniform.

"Yes po, kami nga po." Sagot ko.

"Tara na po, pinapasundo po kayo sa akin." Sabi niya. Siya na ata yung driver ni Blake. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat sa nakaparadang black na sasakyan at pinapasok kami ni Mia.

"Sosyal." Bulong ni Mia at sabay kaming natawa. Nang makasakay kami ay agad ding nagmaneho si Kuyang driver. Teka, saan pala kami pupunta?!

"Kuyang driver, saan daw po ba namin kikitain si Blake?" Tanong ko.

"Sabi po ni Young Master Blake sa mansion ko daw po kayo dalhin." Sabi nito.

Young Master?! Mansion?!

Siniko ako ni Mia at bumulong ng "Rich Kid." tapos nagtawanan na naman kami. Ganoon ba sila kayaman para tawagin pang young master si Blake?!

Halos 30 minutes din ang naging byahe at pumasok ang sasakyan sa isang exclusive village. Halos mapanganga kami ni Mia sa mga nadadaanang naglalakihang bahay.

Ilang saglit lang ay tumigil rin ang sasakyan sa harap ng isang malaking black gate na may gold accent tapos automatic itong bumukas para sa amin.

"Wow." Di makapaniwalang bulong ko sa sarili nang makita ang kabuuan ng mansion ni Blake.

"Holy shit." Rinig kong bulong rin ni Mia. Sobrang laki ng bahay nila!!! Akala ko sa movies lang may ganito pero meron din pala sa totoong buhay.

Lumabas kami sasakyan at sinundan ang isa sa mga maid nila.

Halos lumuwa ang mata namin Mia sa ganda ng interior ng bahay nila! Pagpasok palang namin ay gumulat na sa amin ang grand staircase nila.

"Hindi ko kinakaya, besh. Halos fifteen times ang laki nito sa bahay namin." Komento ni Mia.

Sa dami ng nilikuan at pinasukan naming pinto, malamang eh maligaw kami nito mamaya. Muli kaming pumasok sa isang kwarto. Para itong maliit na conference room. May mahabang mahogany desk na may anim na swivel chairs, sa kabilang gilid ay mga bookshelves at may mga painting sa dingding.

"Upo po muna kayo, Miss Gilmore and Miss Madrigal. Susunod na rin daw po si Young master Blake dito." Sabi nung maid at yumuko pa ito bago umalis.

Naiwan kaming nakaupo ni Mia doon habang inaantay si Blake.

"Besh, grabe na to! Never in my entire life have I imagined na makakapasok ako sa mansion ni Blake Henson! This is crazy!" Sabi ni Mia at natawa lang ako. Who would have thought na makakapasok kami dito?!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Blake na naka-black chino shorts at white v-neck shirt. Umupo siya sa isang swivel chair na nasa tapat namin ni Mia.

"Shall we start with our business?" Sabi nito at bahagyang ngumiti.

"Go ahead." Sagot ko.

"Okay so magpapanggap ako bilang boyfriend mo but in return, I have five rules." Hayag niya. "Una, magpapanggap lang tayo sa loob ng isang buwan. Siguro naman sapat na yun para makaganti ka kay Scott?"

"Oo, sapat na yun." Sang-ayon ko.

"Pangalawa, tulad ng napagkasunduan kanina, ikaw ang gagawa ng lahat ng homeworks ko sa lahat ng subjects sa buong duration ng pagpapanggap."

"Agreed." Sagot ko.

"Pangatlo, ilalakad mo ako sa babaeng gusto ko pero gagawin mo lang yun kapag tapos na tayong magpanggap."

"Okay pero may tanong lang ako."

"What is it?"

"Sino ba yung crush mo? Kanino kita ilalakad? Kilala ko ba? Taga-section ba natin?" Tanong ko.

"For now, hindi ko muna sasabihin sayo." Malamig na sabi niya then he smirked. Tss. Ang arte!

"Okay, fine! Oh ano na yung pang-apat na rule?!"

"Fourth, gusto ko gagawan mo ako ng baon everyday." Ha?! Ano daw?! Baon?!

"Baon as in packed lunch?" Nagtataka kong tanong.

"Oo, packed lunch o snacks."

"Akala ko ba kaya mong bumili ng sarili mong pagkain?!" Taas kilay kong sabi. Ang hassle ng gusto niya ah! Gigising pa ako ng maaga para gawan siya ng baon?! Kaloka!

"Ayaw mo? Okay, itigil na na--"

"Joke lang! Oo na! Oo na!" Iritado kong sabi. Ang dami niyang alam! Psh.

"Good. Last rule, we'll start on Monday." Sabi niya at ngumiti siya ng nakakaloko. "So I guess it's a deal."

"Deal."

Okay, fine! Gagawin ko to para sa...

Operation: Ang ganti ni Hugot Queen! Humanda ka, Scott! Ganito gumanti ang pusong nasaktan!

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt