Kabanata 21

98 3 3
                                    

| Blake's POV |

Noong nalaman ko kay Lily na nagkabalikan na sina Scott at Heather ay kusa akong dumistansya. Sa totoo lang, nagulat ako dahil akala ko hindi na talaga sila magkakaayos but I guess I'm wrong...

"Tunaw na tunaw na si Heather." Bulong ni Dylan na isa sa mga kaibigan ko.

"Tigilan mo ko." Iritado kong sabi at itinuon ang pansin sa paligid. Second day na ng field trip ngayon at kasalukuyan kaming nasa beach para magswimming.

Sa beach... Sa beach kung saan ko unang nahalikan si Heather.

Just the thought of it makes my heart beat faster. I can't believe na nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Napahilot ako sa sentido ko nang maalala ang kalokohang ginawa ko rin kagabi. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko nung mapatitig ako sa labi niya. Ugh, goddamn it!

Nagsisisi tuloy ako na baka lalo siyang lumayo sa akin. What a stupid move, Blake!

"Why don't you just tell her the truth? C'mon man, we both know you like her." Komento na naman ni Dylan. Maliban kina Apollo, isa rin siya sa mga matalik na kaibigan ko at alam niya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Heather. Ewan ko ba dito, hindi ko naman sinabi sa kanya pero nalaman pa rin niya. Ganoon ba ako ka-obvious?!?

"You know I can't." Sabi ko at tinapunan siya ng masamang tingin. "Hindi ako yung klase ng tao na naninira ng relasyon. Tsaka... mawawala rin tong nararamdaman ko." Sabi ko na lang kahit di ako sigurado.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.. "Seriously, bro?! Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mong pagsunod kay Heather?! Alam kong nakaparada ang sasakyan mo sa labas ng bahay nila para antayin siyang umuwi araw-araw. Alam ko rin na ikaw ang may kagagawan ng promotion ng mama niya sa pinagtatrabahuhan nitong kumpanya.. tapos sasabihin mo sa akin na 'mawawala rin tong nararamdaman ko'?! Ulol! Don't me, bro! Wag ako! Iba na ang tama mo kay Heather."

Halos manlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. "How the fuck did you know that?!"

"Connections." Sabi nito habang itinataas baba ang kilay niya. Tss.

"Ewan ko sa'yo! Humanap ka nga ng sarili mong lovelife para may magawa ka naman sa buhay mo!" Iritado kong sabi.

"Di ko kailangan nun! Masaya na ko sa DOTA! Tsaka mabuti nang walang lovelife kesa meron pero sawi!" Pagpaparinig nito.

Aba! Gago rin 'to ah! Akma ko na sana siyang susuntukin pero agad itong umalma. "Uy! Joke lang, bro!! Di ka naman mabiro eh!"

"Tss." Asik ko sa kanya at tinawanan lang ako ng loko.

"B-Blake." Bigla akong napalingon nang marinig ang boses niya. Heather..

"What?" Matipid kong tanong. I was caught off guard. Hindi ko inaasahan ang paglapit niya sa akin and holy shit! Nakaswimsuit lang siya, balak niya ba akong patayin sa heart attack?!

"Uhm--n-naglalaro kasi kami nila Tamara ng truth or dare at...at isa tong dare. Kailangan ko makipag-usap sa'yo for one minute." Ouch, kinausap lang ako para sa dare.

Habang nakatayo siya sa harap ko kapansin pansin na hindi siya mapakali. Bahagya ring namumula ang pisngi niya at hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Iniisip ko tuloy baka dahil to sa ginawa ko kagabi. Tsk.

"Uhm... Magsalita ka, Blake! Baka mapansin nilang hindi tayo nag-uusap. Kahit ano, sabihin mo!"

"I like you, Heather." Bulong ko sa sarili ko. Mahina ang pagkakasabi ko at hindi ako siguro kung narinig niya ito.

"Ha?! Anong sabi mo?" Tanong niya sabay tingin sa timer na hawak niya.

"Ang sabi ko... I like--"

"Times up! Okay na, tapos na yung dare! Thanks!" Sabi nito at nagtatatakbo na papunta sa mga kaibigan niya. Argh!!! Bwisit!!! Just when I'm about to tell her, saka naman may humahadlang!! Damn it!

Sinundan ko siya ng tingin habang masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. I honestly never thought that I'll fall in love with someone like her. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga madaldal na babae but she was an exception.

Hindi ko alam kung anong nangyari, love really has its own ways. Bigla na lang darating when you least expect it. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil ilang beses kong binalewala, ilang beses ko iniwasan pero wala na talaga akong nagawa. I am now deeply and irrevocably in love with my fake girlfriend, Heather Gilmore.

- - -

Day after the Field Trip..

"Bro naman! Ano na namang kadramahan yan ah? Tangina! Parang gago naman 'to eh! Bakit hindi mo na lang kasi sabihin kay Heather na mahal mo siya?!" Iritadong sabi ni Apollo.

Tss. Pumunta nga ako dito sa condo niya para may makausap tapos eto naman siya, kanina pa ako minumura at pinagagalitan.

"Nagkabalikan na nga sila ni Scott! Bro, ayoko manira ng relasyon."

"Muntanga! Maninira agad ng relasyon?! Hindi ba pwedeng sasabihin mo lang yung nararamdaman mo sa kanya? Atleast diba nailabas mo yung feelings mo!"

"Do you think magagalit siya kapag umamin ako sa kanya?"

"Bakit naman siya magagalit?! Nako, bro! Tigilan mo na nga yang pagiging torpe mo! Hindi bagay sa mga gwapong tulad natin!"

"Damn it, Apollo! Seryoso ako!"

"At sa tingin mo hindi ako seryoso ha?! Sabihin mo na sa kanya yung nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat! Because I swear to God, Blake, that if you dont do this now, you'll regret it." Sabi nito at tumingin ng diretso sa akin.

"Fine. I'm going to tell her bago ako umalis." Sabi ko at nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Umalis?"

"Dad called me yesterday, he wanted me to continue my studies in London. I don't know, pinag-iisipan ko pa."

"WHAT?! Seriously?!"

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now