Kabanata 3

155 6 0
                                    

"Sabi niya sa akin, dalawang buwan palang nagiging sila ni Brittany." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Tumigil ka nga sa pag-iyak! Tanga ka ba o manhid? Hindi mo man lang ba naramdaman na niloloko ka lang ni Scott? At tsaka hindi ba kalat na kalat naman sa buong campus na babaero siya?" Sabi ni Blake.

Totoo naman ang sinabi niya pero dati yun! Alam kong nagbago na si Scott!

"Pero... Pero sabi niya nung naging kami ay magbabago na siya. Sabi niya hindi na siya manbabae." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at confused lang akong tinititigan ni Blake.

"Bakit ba may mga taong tulad mo na tanga sa pag-ibig?" Iritadong sabi nito sa akin.

"Gago ka ah! Kanina mo pa ako tinatawag na tanga! Palibhasa hindi ka pa na-iinlove!" Marahas kong pinunasan ang luha ko. In the first place, bakit ba ako nakikipag-usap sa lalaking to?! Eh malamang kakampihan lang nito ang tropa niyang bakulaw!

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Sigaw ko at nagmamadaling lumakad palayo sa kanya.

Saka lang nag-sink in sa akin na late na ako sa next class namin kaya naman bigla akong nagtatatakbo sa hallway. Shit! Patay ako kay Ma'am Gonzales! Napaka-terror pa naman nun!

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng classroom namin ay sumilip ako sa maliit na awang nito at nakita ko na nandoon na nga si Ma'am. Damn it!

"Open the goddamn door." malamig na sabi ni Blake na ikinagulat ko. Ano bang ginagawa niya dito?!

"Bakit nandito ka pa?!"

"Baka nakakalimutan mong magkaklase tayo?" Ay, oo nga pala.

"Baka pagalitan tayo ni---" I was about to say something pero agad na hinigit ni Blake ang kamay ko at hinila ako papasok sa classroom.

Halos buong klase namin ay agad napalingon sa likurang pinto ng room kung saan kami pumasok at pati si Ma'am Gonzales ay napatigil din sa pagtuturo.

"Shit." Mahina na lang akong napamura at napatingin kay Blake na cool na cool pang nakatayo sa gilid ko at hawak ang kaliwang kamay ko.

"Sorry we're late." Sabi ni Blake at nakita ko kung paano nagsalubong ang makapal na kilay ni Ma'am.

"Mr. Henson and Ms. Gilmore! Where have you been and why are you late?!?" Sigaw ni Ma'am.

"Uhm.. Ano po--" Anong sasabihin ko?!

"We just talked about important things ma'am." Sagot ni Blake at agad akong napatingin sa kanya. Nakapa-lame naman ng excuse niya! Tss. Lalo kaming mayayari sa ginagawa niya!

"Oh really, Mr. Henson? More important than my class?" Tinaas ni Ma'am ang kilay niya at tinapunan kami ng masamang tingin. "Tutal naman mukhang alam na alam niyo na ang lesson natin for today, would you mind explaining to us what theory of relativity is?"

Patay.

"Theory of Relativity states that the laws of physics are the same for all observers in uniform motion relative to one another. The speed of light in a vacuum is the same for all observers, regardless of their relative motion or of the motion of the light source...."

Halos nakakanganga lang ako kay Blake habang nage-explain siya at para siyang walking encyclopedia sa lahat ng terms na sinasabi niya. Hindi ako makapaniwalang alam niya ang sagot sa tanong ni ma'am! Kahit mga kaklase ko ay nagulat din sa naging sagot niya at matapos ang matabang litanya niya ay agad na nag-walk out si ma'am. Beastmode na beastmode siya sa ginawa ni Blake.

"P-Paano mo.." Ni hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. I was too shocked to even speak.

Hindi ako pinansin nito at agad na umupo sa upuan niya. I can't believe what just happened.

* * *

Noong uwian ay pinatawag kami ni Blake sa principal's office para sa verbal warning ng offense namin. Pfft. Kasalanan niya kung bakit kami na-late sa klase!

Paglabas namin sa office ay agad akong sinalubong ni Mia.

"Besh! Kinausap ako ni Scott!" Excited na balita niya sa akin.

"Anong sabi niya?!" Nagmamadali kong tanong.

"Tinatanong niya kung bakit daw kayo magkasama ni Blake eh. Alam mo besh, sa itsura niya mukha siyang affected at tsaka nagseselos. Parang nasaktan talaga yung ego niya nung makitang magkasama kayo ng tropa niya  kanina."

"Talaga?" Taas kilay kong tanong.

"Oo! Alam mo may idea ako, besh!" Tuwang tuwang sabi ni Mia habang naglalakad kami palabas ng school.

"Ano namang kalokohan yan?"

"Mukhang alam ko na kung paano ka makakaganti kay Scott at Brittany."

"Paano?"

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now