Kabanata 14

116 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. In fact, isang linggo na ang nakakalilipas simula noong Socialization Ball.

Naging malaking usap-usapan sa buong school ang nangyaring transformation ko pati na ang "sweet" daw naming pagsayaw ni Blake sa dance floor. Syempre ang iba'y natuwa at kinilig pero ang iba naman ay negative ang reaction. Lalo na yung mga fan girls ni Blake.

Ngayon ay nasa loob na ako ng classroom, 6:30am palang at mukhang napaaga kami ng dating ni Mia. Nakapangulumbaba lang ako habang pinapanuod ang mga kaklase kong may iba't ibang ginagawa.

"Morning!" Napalingon ako kay Blake at saka siya umupo sa upuan sa tabi ko.

"Morning." Matamlay kong sagot at saka tumayo sa kinauupuan ko. Pupunta sana ako sa pwesto ni Mia para makipagdaldalan pero biglang hinigit ni Blake ang kamay ko.

Napalingon ako sa kanya at nagtataka siyang nakatingin sa akin. "Do we have a problem, Heather?"

"No, everything's fine." Sagot ko at saka umalis.

I admit it.

Medyo umiiwas ako kay Blake lately. Hindi ako galit sa kanya dahil sa ginawa niya noong Socialization Ball. Natatakot lang ako sa magiging epekto non.

Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako kinilig sa mga ginawa niya. Kinilig ako at yun... yun ang kinakatakot ko.

We're in a big complicated situation. Ayoko lang na mas maging komplikado ito para sa amin.

- - -

Lunch Break.

Buong morning period kaming hindi nag-usap ni Blake. Mukhang nabadtrip rin siya sa inaasta ko lately.

Inaya ko na lang si Mia na sabay kaming maglunch dahil nauna nang lumabas si Blake ng room.

"Anong nangyari? LQ?" Nagtatakang tanong nito habang papunta kami sa canteen.

"Ewan ko, besh. Naguguluhan na kasi ako." Sabi ko tapos bigla siyang napatigil sa paglalakad. Nanlalaki ang mata niyang nakatitig sa akin.

"Oh my god, Heather Gilmore!!! Don't tell me... Don't tell me.... you're already falling for him?!?!" Sigaw nito na ikinagulat ko kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Shhh!! Wag ka maingay!!"

"Sorry na! Kasi naman ehh! Ano ba?! Naiinlove ka na sa kanya?!" Bulong ni Mia.

"Hindi pa." Nakanguso kong sagot.

"Hindi PA?! pero malapit na?!"

"Ewan ko... Parang ganon... Ihhh!!! Ayoko! Hanggat maaga pa, iniiwasan ko na nga eh!" Sabi ko at saka napabuntong hininga.

"Bakit kailangan mo pa umiwas?! Hindi ba pwedeng totohanin na ang lahat?!"

"Besh, naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Hindi ako gusto ni Blake. He's doing all of these dahil gusto niya lang ng thrill sa buhay. Kapag ako tuluyang nahulog, for sure... walang sasalo sa akin. Ayoko nang masaktan, besh. Alam mo yan." Sabi ko at mukhang satisfied naman siya sa sagot ko kaya hindi na ulit siya nangulit sa akin.

Pagpasok namin sa canteen ay nagpunta muna si Mia sa bilihan ng sandwich at ako naman pumunta sa bilihan ng fries pero noong mapatingin ako sa back door na papunta sa gym ay nahagip ng mata ko sina Scott at Blake.

Teka, sila ba talaga yun?! Bakit sila magkasama?!

Out of curiosity, sinundan ko silang dalawa papunta sa gym. Si Blake at Scott nga talaga ang nakita ko pero nakakapagtakang magkasama sila?! Hindi ba mainit ang dugo ni Scott kay Blake?! At ano namang gagawin nila sa gym?!

Pagpasok nila sa gym ay agad akong sumunod at nagtago sa isang pader kung saan hindi nila ako kita. Mula dito sa pinagtataguan ko ay nakatayo sila sa di kalayuan.

"What do you want, Scott?" Tanong ni Blake. Mukha namang hindi galit ang boses niya.

"I want you to break up with Heather." Mariing sabi ni Scott. Talaga bang ipinipilit niya pa rin ang bagay na yan?! Kung ganon, talagang nagseselos at affected pa rin siya!

Bahagyang natawa si Blake sa sinabi ni Scott at nagpatuloy.. "Nagpapatawa ka ba?! Bakit ko naman gagawin yun?! Sino ka ba para utusan ako?!" Medyo nagtataas na ng boses si Blake na ikinakaba ko. Baka mamaya ay magsuntukan sila.

"I'm warning you, Blake! Kung ayaw mong magkagulo tayo, hiwalayan mo na siya!" Maangas na sabi ni Scott.

"You are fucking ridiculous! Sana kasi hindi mo sinaktan at hiniwalayan yung tao kung ayaw mong makitang hawak siya ng iba. Tapos ngayon, akala mo kung sino kang makapag-utos na hiwalayan ko siya? Asa! Manigas ka!" Sigaw ni Blake at akma na sana siyang aalis pero hinabol siya ni Scott at marahas na kwinelyuhan.

Sa sobrang gulat ko sa ginawa ni Scott ay kamuntik na akong lumabas sa pinagtataguan ko pero bigla itong nagsalita.

"Wag mo akong ginagago, Blake! Alam kong hindi mo mahal si Heather. Alam kong sasaktan mo lang siya dahil hanggang ngayon you're still not over Lily!" Sabi ni Scott at saka tinanggal ang pagkakakwelyo niya kay Blake.

Lily? Sino si Lily?

Hindi na nagsalita si Blake at saka tuluyan umalis mabuti nalang sa west wing exit siya dumaan kaya hindi niya ako nakita.

Wala sa sarili akong bumalik sa canteen. Iniisip ko pa rin ang naging usapan nina Blake at Scott. Sino si Lily? Bakit siya nabanggit ni Scott?

Nang makarating ako sa canteen, naabutan ko si Mia na kumakain na at nang makita ako ay halos maghysterical siya.

"Besh!!! Saan ka ba galing?!?! Ang tagal mo naman bumili ng pagkain!!! Tsaka may sasabihin ako sayo na ikagugulat mo!!!" Mabilis na sabi niya.

Umupo ako sa tabi niya.. "Ano ba yun?"

"Dumating na yung ex!!!"

"Ex?? Nino??"

"EX NI BLAKE!"

"Ha?! Ex ni Blake?? Sino?"

"Ay! Grabe! Nakakaloka ka! Hindi mo kilala?? Si Lily Sanders! Exchange student siya sa Korea for the past two years at ngayong senior year ay dito na niya tatapusin ang last term ng school year kasi syempre kasabay natin siyang gagraduate." Paliwanag ni Mia.

Holy Shit! So ex pala ni Blake si Lily?!

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now