Kabanata 11

150 3 0
                                    

Day 7 of Operation: Ganti ni Hugot Queen

"Ayan besh! Ang ganda ganda mo na!" Sabi ni Mia pagkatapos niya akong ayusan.

Napatingin ako sa full body sized mirror na nasa tabi ko at napangiti ako. Sobrang puti ng mukha ko, napakagulo ng buhok ko at ang itim itim ng dark circles sa mata ko. Panalong panalo rin ang prostetics na sugat na ginawa ni Mia sa mukha at braso ko. Isa na akong full pledged white lady for today.

Naghahanda na ang buong klase namin dahil dalawang oras na lang ay magbubukas na ang horror house namin. Hindi pa man kami nagbubukas ay sobrang haba na daw ng pila sa labas! Mukhang blockbuster ang booth namin this year!

"Excited na akong manakot!" Masayang sabi ko kay Mia.

"Sus! Excited ka pa eh lagi ka namang nananakot sa itsura mo." Asar nito at agad ko siyang bintukan. Loko 'to ah!

"Joke lang, besh! Galingan mo mamaya ah!" Sabi niya at inasikaso naman ang isa pa naming kaklase. Ang grupo kasi nila Mia ang nakatoka sa mga make-up at costumes kaya sila ang nag-aayos sa aming mga magpapanggap na multo at maligno.

Inilibot ko ang tingin sa room, hati hati ang klase namin sa bawat grupo. Sa isang sulok ay nakita ko ang Props committee kung saan kabilang sina Scott at Brittany tapos sa isang sulok naman ay ang Registration committee kung saan kabilang si Blake, mukhang busy sila sa pag-uusap.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa likuran ni Blake at mahina pa akong humahagikgik. Gugulatin ko siya.

Nang nasa likod na ako ni Blake at sinenyasan ko ang mga kausap niya na wag maingay at nginitian lang nila ako. Hahaha!

"Raaaaaaaaawr!!!" Sigaw ko sa likuran ni Blake and he literally jumped out of his seat sa sobrang gulat noong makita ang itsura ko. Tawa ako ng tawa sa itsura niya. Hahaha! Pati mga kaklase namin, tawa ng tawa!

Napahawak siya sa dibdib niya at gulat na tumingin sa akin. "Babe! You scared the shit out of me!" Sigaw nito sa akin at natigilan ako...

BABE?!

At kailan pa kami nagkaroon ng endearment?!

Awkward akong tumawa at hindi ko pinahalata na nagulat ako nung tawagin niya akong 'babe' dahil baka mapansin ng mga kaklase namin.

"Ang sweet niyo naman!" Sabi ng kaklase naming si Fiona.

"Oo nga! Nakakainggit!" Sabi naman ni Jessy.

Natawanan lang kami at nagkatinginan kami ni Blake. Effective na naman ang pakulo niya! Infairness!

- - -

All set na ang lahat at pinatay na ang ilaw sa loob ng room. Tanging mga red, orange and blue lights na lang ang nakabukas. Binuksan na rin ang sound system sa loob at rinig na rinig namin ang nakakatakot na mga ungol at tunog.

Wow! I still can't believe that we're able to pull off this horror house! Pagnapapatingin ako sa paligid, pakiramdam ko nasa isang legit na horror house kami.

"Alright, guys! Listen! Sampung estudyante ang papasok per batch ha. Galingan niyong manakot! Sobrang haba na ng pila sa labas! Goodluck sa atin!" Sabi ni Snow bago tuluyang lumabas. In character na kaming lahat at nakapwesto na ako sa tabi ng isang pekeng kabaong kung saan nasa loob si Gian na nagpapanggap bilang bampira.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang unang batch. Nakakatawa dahil nasa bukana palang sila ng entrance ay takot na takot na sila at nagsisigawan na. Gumapang papunta sa direksyon nila si Sabrina na nagpapanggap bilang zombie at halos hindi sila magkanda-ugaga sa kakatakbo.

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang