Kabanata 10

127 3 0
                                    

Pumayag ako na mag-usap kami ni Scott at sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa vacant na science laboratory. Talaga bang dito niya gustong makipag-usap?!

Nang makapasok kami sa loob ay umupo siya sa isang upuan sa pinakamalapit na table at ganon din ang ginawa ko. Magkaharap na kami sa isa't isa ngayon.

Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na mag-uusap kami pagkatapos naming maghiwalay.

"What do you want?" I started. Ano bang pag-uusapan namin?

"Hiwalayan mo na si Blake." Utos niya at bahagya akong natawa. Sino naman siya para utusan ako?!

"Excuse me? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Scott?! Bakit naman ako makikipaghiwalay kay Blake?"

"Hindi ka niya gusto." Seryosong sabi niya. Alam ko yun! Hindi niya talaga ako gusto dahil nagpapanggap lang kami.

"Gusto niya ako! Mahal niya ako at hindi niya ako lolokohin!" I said every word with emphasis para maramdaman ng gagong 'to!

"Heather, listen to me--"

"You know what, hindi ko maintindihan kung bakit nangengealam ka pa sa akin?! Eh diba isa lang naman ako sa mga babaeng niloko mo? Why do you care?!" Iritado kong sabi.

"Ayoko lang masaktan ka pa." Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Wow, coming from him?!

"Are you fucking serious, Scott?! Ayaw mong masaktan ako?! Eh ano bang ginawa mo sa akin?! Hindi ba ikaw ang dahilan kung bakit ako nasaktan? Gago ka ba talaga o gago ka?!" Sorry for cursing too much pero hindi ko na talaga napigilan ang galit na naramdaman ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Damn it! I have a bad habit of crying kapag sobra akong naiinis. I bit my lower lip  para pigilan ang nagbabadyang luha.

Nakayuko lang si Scott na tila ba nagsisi sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng mukha niya!

"I'm so sorry, Heather." Mahinang sabi nito.

"Sorry, my ass! Pwede ba, could you please stop acting as if you care about me?! Kung sa tingin mo, maloloko mo ako ulit then nagkakamali ka!" Galit na sabi ko at saka tuluyang lumabas sa laboratory. There's no point in talking to him! Lalo lang akong naiinis at nababadtrip sa kanya.

- - -

Day 5 of Operation: Ganti ni Hugot Queen

Lumipas ang mga araw pagkatapos ng naging usapan namin ni Scott. Noong araw na yun walang nagtangkang magtanong kung anong nangyari sa pag-uusap namin. Kahit si Mia hindi ako pinilit na magkwento dahil sa itsura ko daw ay mukhang hindi maganda ang kinalabasan.

Friday na ngayon at next week na ang umpisa ng Foundation week. Natapos na rin namin ang pag-aayos ng Horror House ng section namin, ready na ang mga make-up at susuoting costume. Sa totoo lang, excited na nga ako dahil isa ako sa mga white lady sa horror house. Hahaha!

"Sumakit ang ulo ko." Sabi ni Blake habang naglalakad kami papunta sa rooftop. Ayaw niya daw kasi maglunch sa canteen dahil maingay kaya heto, doon na lang kami kakain sa rooftop.

"Ang kapal ng mukha mo ah! Sumakit pa ulo mo sa lagay na yun? Eh hindi ka naman tumulong! Nakaupo ka lang kaya habang inaayos namin yung mga props!"

"Bakit ba?! Ako kaya ang nagtanggal sa plastik nung pekeng spider web. Ang dami nun no!" Reklamo niya.

"Ewan ko sayo! Sarap mong sapakin!" Sabi ko at umarte na sasapakin ko na siya pero di ko naman tinuloy.

Umupo kami sa isang parte ng rooftop, mabuti na lang at tiled ang sahig kaya naglatag lang kami ng manila paper at doon pumwesto.

Inilabas ko sa bag ang baon na ginawa ko para sa sarili ko at para kay Blake. Medyo maaga kasi akong nagising kanina kaya sinipag akong magluto.

"Sana naman matinong baon na tong ibibigay mo sa akin." Reklamo ni Blake. Natawa tuloy ako. Simula kasi nung monday hanggang wednesday ay puro nutella sandwich ang dala ko para sa kanya tapos kahapon naubusan na kami ng tinapay na stock sa bahay kaya ang ginawa ko, nagbukas ako ng chichirya at inilagay yun sa tupperware. Noong binigay ko sa kanya yung tupperware nung lunch time ay sobrang tawang tawa ako sa reaksyon niya. Hahaha! Hanggang ngayon natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung itsura niya kahapon.

"Aba! Mukhang mabigat ah? Baka naman isang kilong chichirya 'to ah!" Sabi ni Blake habang pinapakiramdaman ang bigat nung tupperware.

"Buksan mo na! Healthy yan!" Natatawa kong sabi at dahan dahang naman niyang binuksan ito.

Packed lunch ang ginawa ko, rice sa ilalim at sa ibabaw ay may spam na teddy bear ang shape.

"Pinaghirapan kong gawing teddy bear ang shape niyang spam ah!" Pagyayabang ko. "Oh ayan, may effort na yang baon ko sayo kaya wala kang karapatan magreklamo!" Natatawa kong sabi.

Parang nagslow motion ang lahat noong tumingin siya sakin at unti-unting naningkit ang mga mata niya tapos ngumiti siya ng matamis. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdaman ang pagkabog ng puso ko. It was a genuine smile.

"Thank you." Sabi niya habang nakangiti pa rin. "Nakakatuwa."

"Y-You're welcome." God, what's happening to me?

Kinuha niya ang kutsara't tinidor at saka sinimulan ang pagkain. I was just staring at him dahil para siyang bata na tuwang tuwa sa baon niya.

"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Kakain na din." Sabi ko at sinimulang kainin ang baon ko. "Blake, pwede magtanong?"

"About what?"

"Bakit kasama sa deal natin 'tong gagawan kita ng baon? Wala lang, parang medyo weird lang o baka naman gusto mo lang talaga ako pahirapan?" Tanong ko.

"Oo, gusto lang kita pahirapan." Natatawa niyang sabi at inismiran ko lang siya. "Tsaka... I have never experienced having a packed lunch at school.

"Never ever?! Kahit noong elementary ka?!"

Natigilan siya sa pagkain at nang magtama ang tingin namin, I saw sudden pain in his eyes. "Yeah. My mom and dad are always busy with our business. They are always out of town for business meetings. Usually, bibigyan lang nila ako ng pera pambili ng pagkain ko. Sa bahay may mga maid nga kami pero hindi rin naman nila ako ginagawan ng baon."

Now, I understand. Kaya pala ganoon na lang ang kagustuhan niyang dalhan ko siya ng baon. Medyo naawa naman ako sa kanya kasi parang hindi niya naranasan ang maging bata.

Nagpatuloy ang pagkain namin pagkatapos ay tinuloy na namin ang paglalagay ng final touch ng Horror House. Excited na ako sa Foundation week! Yay! Masaya din ako dahil tapos na ang week one ng pagpapanggap namin. I survived 5 days na kasama ko si Blake! Hahaha!

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now