Kabanata 18

109 1 0
                                    

"Oo nga pala,

Hindi nga pala tayo

Hanggang dito na lang ako

Nangangarap na mapasayo"

🎶🎶🎶

"Seriously besh?! Migraine by Moonstar 88 talaga ang pinapatugtog mo? Binabadtrip mo ba ako?!" Singhal ko kay Mia dahilan para itigil niya yung pagsa-soundtrip niya.

"Ay sorry naman, besh! Tinamaan ka ba nung lyrics? Masakit ba? Dapat umilag ka!" Natatawa nitong sabi.

"Aba! Bastos ka ah!" Sabi ko sabay batok sa kanya.

"Hahaha! Joke lang!!" Sabi nito at sabay lang kaming nagtawanan.

Everything seems back to normal. Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nagkasagutan kami ni Blake, simula nun hindi na kami nag-usap ulit.

Nagpalit na rin ulit sila ni Mia ng upuan. Bumalik na siya sa 2nd row na malapit sa bintana kung saan siya dati nakaupo. Nagsisilabasan na rin ang ibang chismis na may malaking away kami ni Blake at baka maghiwalay na kami.

Tamang tama dahil tatlong araw na lang naman ay matatapos na ang deal namin. Atleast nakokondisyon na sila na may posibilidad ngang maghiwalay kami.

"Besh, bakit ganon? Yung mga lalaking nagugustuhan ko, kung hindi ako sinasaktan, iniiwan naman ako..." Nakapangalumbabang sabi ko.

"Ganyan talaga ang pag-ibig, besh. Wala kasing forever eh." As usual, bitter na naman ang bespren ko.

"I still can't believe I cried over Blake. Mahirap ba akong paniwalaan? Nagsasabi naman ako ng totoo ehh." Sabi ko at nagulat ako nung biglang sumulpot si Scott sa kung saan.

Confused siyang nakatitig sa akin bago nagsalita. "Pinaiyak ka ni Blake?!" Asik nito sa akin.

Bigla talaga akong kinabahan sa tono ng boses niya. Hindi ko gusto iyon dahil mukhang galit siya at hindi nga ako nagkamali. He stormed out of our classroom at agad namin siyang sinundan ni Mia sa corridor. Recess namin ngayon at halos lahat ng estudyante ay nakatambay sa hallway.

"Scott!" Sigaw ko habang pilit namin siyang hinahabol ni Mia.

"Oh my god! This doesn't look good." Komento ni Mia.

Sa di kalayuan, natanaw ko na si Blake habang kausap ang iba naming kaklase.

"Hoy! Blake!" Matapang na sigaw ni Scott at nakuha niya ang atensyon ng buong 4th floor. Lahat napatingin sa gawi namin at nagtatakang pinapanuod kami.

Nang makalapit si Scott kay Blake ay walang sabi sabi nitong sinuntok si Blake. Nagulat ang lahat sa nangyari.

"Gago ka ah!" Sigaw ni Blake at gumanti rin ng suntok sa mukha ni Scott. Nagkagulo sa hallway, lumapit ang iba para pigilan silang dalawa.

"Tama na yan!" Sigaw ko pero patuloy pa rin silang dalawa sa pagpiglas sa mga pumipigil. Tila ba gigil na gigil silang suntukin ang isa't isa.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na wag mong sasaktan si Heather?! Tarantado ka! Bakit mo siya pinaiyak?!" Sigaw ni Scott habang pinipilit pa ring makawala sa mga pumipigil sa kanyang sumugod.

"Akala mo kung sino ka eh diba ginago mo si Heather?!" Galit na galit na sabi ni Blake. They were unstoppable.

"Parehas lang kayong dalawa!!!" Sigaw ko at napatigil silang lahat. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mata ko pero agad ko itong pinigilan. I saw a hint of guilt and sadness in Scott and Blake's eyes habang nakatingin sa akin.

"Parehas niyo lang naman akong sinaktan kaya tumigil na kayong dalawa! There's no point in fighting." Sabi ko sabay walk out. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating sa roof top. I can't believe ilang beses na akong na-involve sa mga away, issue at skandalo ngayong school year.

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now