Kabanata 4

145 6 2
                                    

"Are you out of your mind?!" Gulat kong tanong kay Mia.

"Besh, ano ka ba! Isn't it a great idea?!" Tuwang tuwa pa siya sa ideya niya ha?!

"Nahihibang ka na, besh." Sabi ko. Aba! Sabihin ba naman sa akin na ang magandang paraan daw para makaganti kay Scott ay ang jowa-in si Blake.

Nakakaloka!

"Seryoso nga kasi! Kung nakita mo lang yung pain sa mga mata ni Scott kanina nung pumasok kayo ni Blake ng magkasama. Nako! Panalo! Halatang halata na nasaktan yung ego niya eh." Paliwanag ni Mia.

"At sa tingin mo kapag jinowa ko yung tropa niyang si Blake, makakaganti ako sa kanya?"

"Oo naman no!"

"Hoy, Mia Madrigal! Anong gusto mo? Ako ang manligaw kay Blake?! Paano ko naman jojowa-in yun mahangin na lalaking yun?!"

"Hindi naman kailangang totohanin eh! Pwedeng magpanggap lang kayo ganon!" Sabi niya sabay kagat sa kwek kwek na binili namin.

Nasa labas na kami ng school ngayon at kumakain ng street foods.

"Wow! Kung makapagsalita ka akala mo ganon kadali yun ah? Unang una sa lahat, mag-tropa yung dalawang yun! Malamang si Scott ang kakampihan nun. Pangalawa, alam mo ba kung gaano kayabang ang lalaki yun?! Sagad, besh! At pangatlo, hindi ko siya type at ni hindi ko siya kilala ng lubusan!"

"I-try mo muna siyang kausapin! Kung hindi mag-work, eh di mag-isip tayo ng ibang paraan para makaganti sa ex mong bakulaw!" Sabi niya at bahagya akong natawa.

Pagkatapos namin kumain ng street foods, agad rin kaming nag-abang ng masasakyan pauwi. Kapitbahay lang namin sila Mia kaya halos sabay rin kami pumasok sa school at umuwi.

Habang nag-aabang kami, biglang may lumapit sa amin na tatlong lalaki na sa palagay ko ay senior rin tulad namin at tiga-kabilang section.

"Hi, Heather! A-Ako nga pala si Greg." Sabi ng isang lalaki tapos tinutulak tulak siya nung dalawa niyang kasama. Mukhang inaasar siya ng mga ito.

"Uy, may admirer." Bulong ng lokaret kong bespren at inismiran ko lang siya.

"Hi? Magha-hi ka sa akin tapos ano? Mag-ge-getting to know each other tayo, tapos liligawan mo ako tapos sasagutin kita tapos pasasayahin mo ako pero lolokohin mo rin ako tulad ng ex ko? Wag ka mag-hi sa akin! Wag ako! Iba na lang!" Sunod sunod na sabi ko at naglakad papunta sa kabilang kanto. Doon na lang ako mag-aabang ng jeep.

"Hala? Uy, sorry ha!" Narinig kong sabi ni Mia at agad siyang humabol sa akin. "Besh! Wait lang!" Hingal na sabi nito at nang makarating kami sa kabilang kanto ay bigla niya akong binatukan.

"Aray! Ano ba, besh!" Reklamo ko.

"ANG DRAMA MO HA! Parang nag-hi lang yung tao kanina!"

"Doon nagsisimula yun, besh! Ayoko! Hindi! Hindi maaari!" Sabi ko at tinawanan lang ako ng bruha.

* * *

Kinabukasan...

"Besh, nandito na tayo." Kinalabit ko si Mia na mahimbing na natutulog sa jeep at nakabuka pa ang bibig.

Agad din naman siyang nagising nang mapansin na nasa tapat na kami ng school gate. Pagbaba namin, dumiretso agad kami papuntang classroom. Tahimik lang kami kasi parehas pa kaming inaantok ni Mia.

Haaaay! Ang tagal naman kasi mag-friday!

Nang makarating sa 4th floor, malayo pa kami sa mismong classroom ay nakita na namin ang kumpol ng mga estudyante na parang nanunuod ng kung ano.

"Anong meron?" Sabi ni Mia at para bang nagising ang katawang lupa niya dahil agad siyang tumakbo para maki-chismis. Kaloka!

"Ate, ate! Anong meron?" Rinig kong tanong ni Mia doon sa babaeng nakikiusyoso.

"Nagsusuntukan sina Blake at Scott." Sagot nito at para bang nagkaroon ako ng adrenaline rush at agad kong hinila si Mia papasok sa room. Pinilit talaga naming makasingit sa dami ng nagkukumpulang estudyante.

Nang nasa unahan na kami at bahagyang makapasok sa pintuan, kitang kita namin kung gaano kagulo ang room. Wala na sa ayos ang mga upuan at nasa gitna sina Scott kasama ang buong tropa niya.

Mukhang kakatapos lang ng suntukan.

Nasa bandang kanan si Scott, masama itong nakatingin kay Blake at hawak ni Brittany ang kamay niya na parang pinipigilan siyang sumugod. Nasa likuran din ni Scott sina Apollo at Frank na parang pinipigilan rin siya.

Samantalang si Blake ay nakaupo sa sahig at masama ring nakatingin kay Scott. May dugo na siya sa bibig pero cool pa rin itong tumayo at pinagpag ang pantalon niya.

"Tama na, mga bro." Sabi ni Prince na nasa tabi ni Blake. Si Prince ay isa sa mga tropa nila na tahimik, kalmado at mabait.

"Fuck, grade school pa rin ba ang utak niyong dalawa? Ha, Scott? Blake? Para kayong mga bata!" Iritado namang sabi ni Apollo. Siya naman ang pinaka-siga sa tropa nila, parang siya rin ang leader kasi siya ang laging promotor ng mga kalokohan.

"Tama na nga yan. Magpalamig muna kayo ng ulo. Lumabas muna tayo, Scott." Mahinahong sabi ni Frank. Siya naman ang pinaka-mabait at pinaka-kwela sa kanila.

"C'mon, babe." Sabi ni Brittany at marahan nilang hinila si Scott palabas ng room.

Agad na nagtama ang tingin namin ni Scott dahil saktong nasa bukana ako ng pintuan. Hindi ko mawari ang itsura niya, hindi naman siya mukhang galit...

"Hi, Heather the feather!" Mahinang sabi ni Frank. Yun pa rin ang tawag niya sa akin tulad ng dati. Nakakatawa talaga siya at napaka-kwela! Nginitian ko lang siya bilang pagbati.

Nang makalagpas sina Scott, Apollo at Frank ay tumigil si Brittany sa harap ko na mukhang nanggagalaiti sa galit. Hala siya? Hindi ko naman siya inaano!

"This is all your fault!" Mariing sabi nito at agad na nag-walk out.

What the fuck?! Bakit ako?!

Hugot Queen | BOOK 1 | Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن