Kabanata 16

105 3 0
                                    

"I want to break the deal. Itigil na natin to. Itigil na natin ang pagpapanggap." Sabi ko kay Blake at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"WHAT?!"

"Tama na, Blake! Ayoko na." Mahinang sabi ko.

"Heather, baka naman nabibigla ka lang? Tsaka ano bang nangyari? Bakit bigla bigla ka nalang nagdidesisyon ng ganyan?"

"Anong bakit?! Hindi ka ba naiistress sa sitwasyon natin? For goodness' sake! Kaklase natin ang mga ex natin! Its so awkward!" I groaned.

Bahagya siyang tumawa at saka lumapit sa akin. "Ano naman ngayon kung kaklase natin sila? I dont fucking care." Sabi niya na ikinagulat ko.

Hinawakan ni Blake ang magkabila kong braso at saka nagpatuloy. "Heather, we only have one week left bago matapos ang deal tapos ngayon ka pa susuko? Can't you see that your plan is actually working? Nakakaganti ka na kay Scott."

"Alam ko naman yun its just that... things are really awkward now. Lalo na at nandito si.."

"Lily?" Sabi niya at tumango ako bilang sagot. "She's someone from my past. Kung ano man tayo ngayon, wala na siyang kinalaman don." He assured me at tila ba nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"C'mon! One week nalang oh. Wag ka na mag-inarte dyan." Sabi niya at tumawa ng bahagya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magloko sa mga panahong ganito.

"Tse! Ewan ko sayo!" Asik ko at saka kami nagkayayaan na umuwi na.

- - -

Kinabukasan...

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero ang ganda talaga ng gising ko ngayon.

"Besh, nababaliw ka na ata. Nakangiti ka mag-isa." Sabi ni Mia nang makarating kami sa classroom.

"Baliw agad? Hindi ba pwedeng good mood muna?" Sabi ko naman.

"At bakit ka naman good mood aber?"

"Wala lang! Maganda lang ang gising ko." Sabi ko at bahagyang natawa. Tinawanan lang din ako ng bruha at nilabas ang baon niyang brownies niya sa bag.

"Uy! Penge ako!" Sabi ko at agad na lumapit kay Mia. Tamang tama kasi hindi pa ko nagbebreakfast!

Dahil inilabas niya ang isang tupperware ng brownies, agad nagsilapitan ang mga kaklase ko para manghingi rin. Hahaha! Patay gutom lang ang peg naming magkaka-kaklase eh.

"Morning!" Bati ni Blake at saka umupo sa tabi ko. Aba! Mukhang maganda rin ang gising niya ah?

"Ano yan?" Tanong niya nang mapansin ang kinakain ko.

"Brownies, baon ni Mia." Sabat ni Tamara na nasa harapang upuan namin ni Blake.

"Ahhh." Saglit siyang tumigil habang nakatingin sa akin at biglang sumigaw ng... "Penge!" sabay mabilis na kumagat sa kabilang dulo ng brownies habang kagat kagat ko ang kabilang dulo nito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now