Kabanata 8

145 5 0
                                    

Late na ako nagising kanina halos 6 na nga ata pero for some reason nakisama sa akin ang universe dahil hindi ako nalate! In fact, quarter to 7 ako nakarating sa school.

Hay! Mas maaga sana ako makakarating ng school pero ginawan ko pa ng baon si Blake. Sa sobrang pagmamadali ko kanina, kumuha lang ako ng apat na slice bread at pinalamanan iyon ng nutella. Okay na siguro yun sa kanya.

Aantok antok akong pumasok sa classroom at agad na umupo sa upuan ko. Inaayos ko ng kaunti ang mga gamit ko at nilabas ang notebook at ballpen para sa first subject.

"Besh--" Humarap ako sa kanan ko para kausapin si Mia pero nagulat ako nung mukha ni Blake ang bumungad sa akin.

"Anong ginagawa mo dyan?!" Gulat na tanong ko.

"Magsisimula na ang pagpapanggap." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Inismiran ko lang siya at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"What do you think you're doing?!" Mahina pero nangigigil kong tanong.

"Getting our classmates' attention." Sabi niya habang patuloy pa rin ang paglapit sa akin. Sa inis ko ay agad ko siyang pinalo sa kaliwang balikat para matigil na ang paglapit niya sa akin.

"Aray! Ang sakit ah!" Bulalas ni Blake na naging dahilan para pagtinginan kami ng mga kaklase namin.

"Yiiiieeeee!" Rinig kong asar ng bespren ko na kasalukuyang nakaupo sa dating pwesto ni Blake. So nag-usap na pala sila na magpapalit sila ng upuan?! Wow, di ako nainform.

Nagsimula ang bulungan sa loob ng room at mas lalo kaming pinagtinginan ng mga kaklase namin.

"Bakit magkatabi sina Blake at Heather?"

"Oo nga eh, inaasar din ni Mia si Heather kay Blake? Does that mean may something?"

"Ngayon ko lang nakitang nagkainteres si Blake sa babae ah? At kay Heather pa?"

Magbubulungan na nga lang sila, yung naririnig ko pa. Tch!

Naramdaman ko bigla ang paghawak ni Blake sa kamay ko. Ano namang pakulo 'to?!

"Scott's looking at out direction." Sabi niya. Ahh, so kaya pala may pa-holding hands effect.

Mabilis kong inilibot ang mata ko at nakita ko nga si Scott na nakaupo sa second row at nakatingin sa gawi namin.

"Smile, Heather. Show him you're happy." Sabi ni Blake at ngumiting aso ako sa kanya. Ugh. This is kind of awkward.

Ngumiti rin si Blake ng matamis at bumulong.. "Mukha kang tanga."

Mas lalo kong tinamisan ang ngiti kay Blake. "Hayup ka talaga eh no?" Mahinang asik ko sa kanya.

Siguro sa harap ng ibang tao eh sweet na sweet kaming nagngingitian pero wala silang idea na nagta-trashtalk-an kami. Natawa na lang tuloy ako.

Natapos ang munting palabas namin ni Blake nang dumating ang Homeroom Teacher namin na si Miss Foster.

Sinabi niya sa amin na simula sa araw na ito ay wala nang klase dahil kailangan na naming magprepare para sa nalalapit na foundation week. Kailangan na daw planuhin ang gagawing booth ng section namin.

Pinangunahan naman ng president naming si Snow ang discussion.

"So guys, anong balak niyong booth para sa foundation week?" Tanong niya.

"Marriage Booth!"

"Jail Booth!"

"Kissing Booth!"

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now