Kabanata 12

120 4 0
                                    

Naalala ko, kahapon ay inihatid ako ni Blake sa bahay matapos ang insidente sa horror house pero nakatulog ako sa byahe. Nagising na lang ako kanina na nasa sariling kwarto ko na ako.

9am na rin nang magising ako at hindi na nga talaga ako nakapasok sa school. Sa ngayon ay medyo okay naman ang pakiramdam ko. Medyo mahapdi lang ang mga kalmot sa akin.

Nang bumaba ako sa living room ay nakita ko si mama na naglilinis.

"Ma, hindi ka pumasok sa office?" Tanong ko.

"Oh anak! Gising ka na pala. Hindi ako pumasok kasi walang mag-aalaga sayo. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalala siyang tumingin sa akin at napangiti lang ako. Sobrang swerte ko talaga kay mama.

"Okay naman po. Thank you mama ha?" Sabi ko at bahagyang yumakap sa kanya. Kahit na lumaki ako ng walang tatay, never kong naramdaman na may kulang sa buhay ko. Thanks to my super mom.

"Ikaw talaga. Halika na dito! Kumain ka na." Sabi niya at inakay ako papunta sa dining room.

"Oo nga pala, anak. Ikaw ha! Hindi mo sinabi sa akin na may bago ka nang boyfriend! Mabuti na lang at nagstay ng kaunti si Blake kagabi at nakilatis ko siya. Mukhang namang okay siya." Nang sabihin iyon ni mama ay gulat akong napatingin sa kanya.

Ibig sabihin nagpakilala si Blake kay mama bilang boyfriend ko?! What the?!

By the looks of it, hindi naman siya mukhang galit. Noon kasing nalaman niya na naging kami ni Scott ay nagalit siya.

"Uhm--ano kasi ma... L-Last week lang naging kami." Palusot ko.

"Kahit na! Dapat sinabi mo pa rin sa akin. Isa pa, hindi ba't halos isang buwan pa lang noong maghiwalay kayo ni Scott? Baka naman ginagawa mong rebound si Blake?" Grabe! Ang lakas talaga ng pakiramdam ng mga nanay!

"Nako, hindi ma! Gusto ko si Blake!" Eugh! Ano ba tong sinasabi ko kay mama?! Pft, ayaw ko kasi na malaman niyang nagpapanggap kami ni Blake para makaganti kay Scott dahil sure akong pagagalitan niya ako.

"Hay nako, ayaw lang naman kita masaktan ulit anak. Gusto ko ingatan mo yung puso mo, ayokong matulad ka sa akin." Sabi ni mama at nagtama ang tingin namin. I saw sudden pain in her eyes...

"Ma, I promise... Mag-iingat ako sa mga pinapasok kong relasyon." Hinawakan ko ang kamay ni mama na nakapatong sa mesa at isang ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

**********************************************

Day 9 of Operation: Ganti ni Hugot Queen

Pang-apat na araw na ng foundation week at napagdesisyunan kong pumasok na dahil okay naman na ang pakiramdam ko, pagaling na rin ang iilang sugat ko.

Nang pumasok ako sa classroom, agad akong sinalubong ng mga kaklase ko. Na-touch nga ako dahil halata ang pag-aalala nila sa akin. Yung iba nga ay pinagpapahinga pa ako eh sabi ko, okay naman na ako. Sinabi rin ni Snow sa akin na ililipat niya ako sa registration committee at hindi na ako magpapanggap bilang isang white lady sa loob ng horror house. Noong una ay umalma ako pero sinabi niya na para rin daw yun sa akin. Baka kasi bumalik yung mga warfreak bitches.

"Grabe, besh! Alam mo nag-alala kami sayo! Hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung sino ang may gawa non sa'yo sa dami ba naman ng pumasok sa horror house natin. Hindi mo ba talaga nakita ang mga mukha nila?" Tanong ni Mia.

"Hindi eh. Basta yung isa sa kanila maikli ang buhok. Mga hanggang balikat. Everything happened so fast, besh. Hindi ko naaninag ang mga mukha nila." Sabi ko naman.

"Hay nako! Wag ka mag-alala! Lagot sa school admin ang mga yun kapag nahuli sila! Oo nga pala, besh. Maiba tayo! Ano? Sabay ba tayo bukas sa socialization ball?" Excited na tanong nito.

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat