Kabanata 6

129 6 0
                                    

"What the fuck are doing here?" Iritadong sabi ni Blake sa akin. Ang ganda ng salubong niya sa akin diba?

"May itatanong ako." Diretsong sabi ko. Lalong kumunot ang noo niya at napaharap lalo sa akin. Mas pansin ko ang pasa sa itaas ng labi niya.

"What is it? Don't waste my fucking time." Galit na sabi nito sa akin. Aba! Ang init ng ulo niya ah!

"Ano bang problema mo?! Kinakausap kita ng maayos tapos pabalang ka sumagot!" Medyo nagpanting din kasi ang tenga ko sa way ng pagsagot niya.

"You're annoying." Malamig na sabi nito. Nagsisimula nang uminit ang ulo ko sa inaasta niya. He's really an arrogant jerk.

"Kaya ako nandito kasi gusto ko lang itanong kung anong kinalaman ko sa suntukan niyo ni Scott. Nabanggit sa akin ni Brittany na ako daw ang dahilan ng away niyo. Bakit ako? Anong kinalaman ko?!"

"Its none of your business." Iritado niyang sabi at akma na sanang aalis sa rooftop pero hinigit ko ang kamay niya.

Agad siyang napalingon sa akin at tinapunan ako ng masamang tingin. For the first time, nakaramdam ako ng takot. His stares were so cold and if looks could kill, baka patay na ako ngayon.

"I'm sure you're familiar with the Bro code. Thou shall not flirt with your friend's ex-girlfriend. Akala ni Scott pinopormahan kita that's why he was so pissed off at sinuntok niya ako." Iritado pa rin niyang sabi. Marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya at humarap ulit sa akin.

"Ewan ko ba sa gagong yun! I mean, ano bang pakialam niya sa mga babaeng popormahan ko? At bakit ba affected pa rin siya eh isa ka lang naman sa mga babaeng niloko niya--" Tila ba natigilan siya pagkasabi nun at kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla.

Automatic na nasampal ko si Blake sa sinabi niya. He's really painfully honest.

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko at nakagat ko ang lower lip ko para pigilan ang nababadyang luha.

"Hanggang kailan mo ba ipapaalala sa akin na niloko ako?! Na tanga ako kasi hindi ko man lang napansin?! Oo na nga! Alam ko na ngang tanga ako! You don't have to rub it in my face!" I heard my voice cracked nang sabihin yun at hindi ko na talaga napigilan ang maiyak.

Napayuko si Blake na tila ba nagsisi sa sinabi niya habang ako patuloy pa rin sa mahinang pag-iyak.

Nakakainis naman kasi! Bakit ba ang malas ko?! Nakakainis isipin na niloko lang ako ng first love ko, na lahat pala ng pinakita niya sa akin for the past two year ay kalokohan lang. Bakit ba ako naniwala na magbabago si Scott?! Sana nakinig ako kay Mia nung sinabi niyang wag kong sasagutin si Scott eh di sana hindi ako mukhang tanga na iniiyakan yung gunggong na yun!

"You're such a crybaby." Mahinang sabi ni Blake habang nakatingin sa school grounds.

"Palibhasa kasi hindi ka pa naiinlove! Hindi ka pa naloloko! Ang yabang yabang mo magsalita eh wala ka namang alam sa nararamdaman ko!" Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"I know exactly how you feel." Sabi niya at lumingon sa akin na may seryosong mukha.

"Weh?" Marahan kong pinunasan ang luha ko at humarap sa railings na pangharang sa rooftop at tinanaw ang school grounds mula dito sa taas.

Tahimik ang paligid dahil nasa gitna ng klase ang lahat. Ang payapa ng paligid at maganda ang panahon. Maulap at sumasayaw ang mga puno dahil sa hampas ng hangin.

"Blake... pwede ba akong humingi ng pabor?" Pagbasag ko sa sandaling katahimikan.

"What is it this time? Hindi ka pa ba babalik sa room? Baka hinahanap ka na ng bestfriend mo." Malamig na sagot niya.

"I know this will sound weird pero..." Ugh, sasabihin ko ba yung naisip na ideya ni Mia kahapon?

"Just spill it out, Heather. Ano ba yun?" May hint na ng pagkairita ang boses niya. Bakit ba ang hot tempered niya?!

"Ano--Uhm... Pwede ka bang magpanggap na boyfriend ko para makaganti ako kay Scott?"

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now