Kabanata 2

166 9 1
                                    

"Hoy, Blake! Manang mana ka talaga sa ka-preskuhan ng kaibigan mong si Scott no?! Eh kung tinulungan mo nalang ako tumayo baka natuwa pa ako sayo!" Sabi ko habang pinapagpag ang likuran ng palda ko. Grabe! Ang sakit ng pwet ko.

"Why would I? Ikaw ang nakabangga sa akin no!" Masungit na sabi nito at di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Bwisit rin tong lalaking to!

"Alam mo, I already had enough bullshits for today. Wag ka na dumagdag." Ang yabang nito! Akala mo kung sino!

Sa totoo lang, noong naging kami ni Scott ipinakilala niya si Blake sa akin na isa daw sa mga tropa niya pero tuwing kasama naman namin tong lalaking to, tahimik lang naman at parang hindi interesado sa mga bagay bagay. Sabi ng iba, presko daw siya at ngayon napatunayan ko na na totoo pala ang chismis.

Naningkit ang mata niya at tinitigan ako. Problema neto? "Isa ka ba sa mga ex ni Scott? You look familiar." Nagtataka nitong tanong.

"Duh! Shunga ka ba talaga? Eh halos lagi niyo akong kasama tuwing recess at lunch break dati  tapos hindi mo pala ako kilala?! And to answer your question, yes. Ex ako ng manloloko mong kaibigan!" This guy is really testing my patience.

"Well, I don't pay attention to Scott's girlfriends. Masyado na siyang maraming naging girlfriend para maalala ko lahat ang itsura niyo but you know what, I'm good with names. Alam ko ang pangalan ng mga exes niya and I can tell you every story behind those names." Parang nakalabit ang curiosity ko sa sinabi niya. So ibig ba niyang sabihin kapag sinabi ko ang pangalan ko, maaalala niya ang kwento namin ni Scott?

"Interesting. Sige nga, let's try... My name's Heather."

Napatigil siya saglit na akala mo ay nag-iisip ng malalim, hinimas himas pa nga niya ang baba niya.

"Heather! I remember you. I believe you are Scott's longest relationship. 2 years right?" Parang umilaw lahat ng light bulb sa utak niya nang maalala ako.

Infairness! Tama siya dun ah! Ako nga ang pinakamahabang relationship ni Scott.

"But from what I heard, he broke up with you last last week, right?"

"Salamat sa pagpapaalala." Sarkastiko kong sabi.

"I'm sure you're already fully aware na niloloko ka lang niya." I felt a sharp pain in my chest nang marinig ang sinabi niya.

Niloloko ka lang niya.

Oo na! Ako na ang naloko! Ako na ang tanga!

"Yeah. He told me na two months na silang may tinatagong relasyon ni Brittany pagtapos niyang sabihin yun, nakipaghiwalay na siya sa akin."

"I'm sorry, you said two months?" Tila ba nagulat siya sa sinabi ko. Halatang halata iyon sa mata at mukha niya.

Tumango ako bilang sagot. "Halos isang taon at kalahati na sila ni Brittany." Sabi niya and he sounded so sure.

Ibig bang sabihin nun matagal na talaga akong niloloko ni Scott?! Hindi lang dalawang buwan kundi halos buong duration ng relationship namin?!

"Totoo ba yung sinasabi mo?" Mahina kong tanong at napayuko ako.

"Of course. In fact, they are currently celebrating their 18th monthsary. Ano bang sinabi sa'yo ni Scott?" Tanong nito.

Napatingin ako kay Blake at kitang kita ko ang ka-inosentehan sa mata niya. Hindi man lang niya naramdaman na nasaktan ako sa mga sinabi niya.

"You're painfully honest." Sabi ko at bigla nang nagunahan sa paglabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Damn you, Scott!!! Hindi mo lang ako dalawang buwan pinagmukhang tanga! Hayup ka!

Pakiramdam ko bumigat ang puso ko at nabasag ito into million pieces.

Kahit patuloy ang naging pag-iyak ko at nanlalabo na ang paningin ko, nakita ko pa rin ang pagkataranta sa itsura ni Blake.

"What the fuck?! Bakit ka umiiyak?!" Kahit sa boses nito halata ang pagkataranta. Ni hindi niya alam kung paano ako patatahanin.

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now