Kabanata 23

131 3 2
                                    

"Besh, ano kakain na ba tayo?" Tanong ni Mia sa akin. Lunch namin ngayon at gutom na gutom na ako! Nakakagutom mag-aral! Kaloka!

"Oo, wait kukuha lang ako ng pera." Sabi ko at agad na kinalkal ang bag ko para kunin ang wallet ko nang mahagip ng mata ko yung box na binigay ni Blake kahapon.

Shocks! Nakalimutan kong buksan to ah! Tignan ko nga muna..

Kinuha ko yung box at saka tinanggal ang ribbon nito. Pagbukas ko, may nakatuping papel sa ibabaw tapos sa ilalim nito ay nakita ko na yung sinasabi ni Blake na necklace.

Oh my gosh! Ang gandaaaaa!!!! Syempre, kinilig na naman ang lola niyo! Hihihi! At ano naman kayang nandito sa papel?

In-unfold ko yung papel, halos kasinlaki ito ng bond paper at saka binasa ang nakasulat dito.

Heather,

If you're reading this, I'm probably at the airport right now or maybe... I'm already in London. I'm sorry at hindi ko masabi sa'yo ang tungkol dito ng personal. I tried but I really can't...

I will surely miss you. Your craziness, your smile, your laugh, your attitude. I'll miss everything about you, Heather and it honestly breaks my heart na iwan ka.

I just also wanted to tell you that I like you.. No omit that! I love you, Heather. I'm sure pinagtatawanan mo na ako ngayon but who cares?

I'd never thought ma-iinlove ako sa'yo. At first, it was just a game for me but eventually, unti-unti na akong nagkakagusto sa'yo. I am now deeply and madly in love you.

Pasensya na kung natorpe ako at hindi ko agad nasabi sa'yo. Sa totoo lang, hindi ko na rin talaga sinabi sa'yo kasi alam kong masaya ka na kay Scott.

Kapag sinaktan ka ni Scott, sabihin mo agad sa akin ha and I swear, I will travel the distance para sapakin siya. Hindi kita pinaubaya sa kanya para masaktan lang.

You will always be my inspiration, Heather. When I become a better version of myself, babalik ako at sa pagbalik ko, hinding hindi na kita pakakawalan.

Love,
Blake

"Besh, ano na?! Tara na--Oh?! Bakit ka umiiyak?!" Rinig kong sabi ni Mia pero hindi pa rin nawala ang tingin ko sa papel na hawak ko.

BAKIIIIIIIT?!?! BAKIT HINDI NIYA SINABI SA AKIN?!?! ARGHHH!! BLAAAAAAKE!!!

Patuloy sa pagtulo ang luha ko, hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko. Damn it!! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil gusto niya rin ako, maiinis dahil hindi niya sinabi agad o malulungkot dahil iniwan niya ako ng di man lang nagsasabi.

"Anong nangyari?! Bakit?! Besh, kinakabahan ako! Bakit bigla bigla kang umiiyak?!" Naghi-hysterical na sabi ni Mia. Nakita ko rin na nagsilapitan sina Tamara sa akin at pinalibutan ako kasama ang iba kong kaklase.

"U-Umalis na siya, besh." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Sino?!?!"

"Si B-Blake." Bulong ko.

"WHAAAAAT?!?!" Sabay sabay na sigaw nila. Agad na kinuha ni Mia sa kamay ko yung letter at mabilisang binasa ito.

"What the hell?!?!? Pupunta ng London si Blake?!?! At b-besh...sabi niya mahal ka daw niya?! OH MY GOD!!!!" Halos matawa ako sa itsura ni Mia dahil sobrang gulat na gulat din siya.

Nagsimula ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko. Habang ako nakatayo at nakatulala, hindi pa rin nagsisink in sa akin ang lahat. Nakaalis na kaya siya?! Kahapon ba siya umalis?! Kanina? Argh!!! Bwisit ka, Blake!!! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin kahapon?! Kaya pala yung ganon yung mga sinabi niya kahapon kasi aalis na pala siya!!!

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedWhere stories live. Discover now