Kabanata 17

93 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na paminsang tumatama sa mukha ko. Malamig sa loob ng kwarto kaya ang sarap matulog.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Mia na nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"Besh! Gising ka na pala!" She exclaimed at mukhang tuwang tuwa siya na nagising na ako.

"Nasaan tayo, besh?" Nagtatakang tanong ko.

"Nasa school clinic tayo, Heather. Kahapon ka pa nandito... Hindi mo ba maalala?" Sabi ni Mia and as if on cue, biglang bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyari kahapon.

Lahat ng kaba, takot at sakit ay bigla kong naalala.

"Sobrang nag-alala ako sayo, Besh. Kabang kaba ako noong nakita kitang nakalutang sa swimming pool na walang malay." Kwento nito at bakas sa mukha ni Mia ang takot at pag-alala.

"Nakita mo ako? Akala ko umuwi ka na non?"

"Kasi nung naglalakad ako papunta sa gate, naalala ko na hindi ko naibalik sayo yung physics notebook mo na hiniram ko kaya pumunta ako sa swimming area. Nagkasabay kami ni Blake sa daan, ang sabi niya... Aantayin daw niyang matapos ang try out mo para maihatid ka niya pauwi pero laking gulat namin noong naabutan ka naming walang malay na nakalutang sa pool." Tila ba naiiyak na si Mia habang nagkekwento. Halata sa mukha niya ang takot.

"On instinct, tinanggal ni Blake ang sapatos niya at agad na tumalon sa pool para i-ahon ka. Ako naman ay lumabas ng swimming area para humingi ng tulong. Tinawagan ko ang iba nating kaklase pati na si Miss Foster. Besh, tarantang taranta talaga ako kahapon. Akala ko mawawala ka sa amin." Namumuo na ang luha sa mga mata niya habang patuloy sa pagkekwento.

"Tapos ayun, nagsidagsaan yung mga estudyante sa loob ng swimming area. Pagbalik ko, nai-ahon ka na ni Blake at pilit ka niyang ginigising. Siya din ang nag-CPR sa'yo. Besh, hindi man niya sabihin sa akin, alam ko nung time na yun na sobra siyang nag-aalala at natataranta. Lumapit ako sa'yo nun at tinanong ko kung naririnig mo ako pero nakatulala ka lang. Nakapalibot ang mga estudyante sa atin non tapos bigla nang nagwala si Blake. Galit na galit siya sa may gawa sa'yo non. He was unstoppable. Kung nakita lang niya ang may gawa nun ay malamang nakipagsuntukan siya."

"Nasaan na siya ngayon, Besh?" Nanghihinang tanong ko.

"Pinagpahinga ko muna. Kagabi pa kasi yun nandito kasama si Tita Dulce. Babalik daw siya mamayang lunch. Teka, kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?"

"Medyo masakit lang ang ulo ko pero kaya ko naman." Sabi ko saka pinilit na umupo at sumandal sa headboard ng kama. Tinulungan naman ako ni Mia.

Hindi ko mapigilang mapaisip kung sino ang may gawa nito sa akin... Sila rin kaya ang may pakana ng nangyari sa horror house? Damn it! Ano bang kasalanan ko sa kanila?!?! Bakit nila 'to ginagawa sa akin?!

Nagpasya muna na lumabas si Mia para bumili ng makakain. Hindi pa rin daw kasi siya nag-aalmusal.

Naiwan ako sa room habang inaantay siyang bumalik. Mabuti talaga at saturday ngayon... Walang pasok sina Mia. Si mama ang alam ko half day lang sa office.

Habang nagmumuni-muni ako ay biglang may pumasok sa pinto. Akala ko si Mia na pero nagulat ako nang biglang pumasok si Lily.

"Holy shit." Napamura na lang ako ng mahina nang makita siya. Ano namang ginagawa niya dito?!

Marahan siyang naglakad papunta sa kama kung nasaan ako at saka ngumiti sa akin.

"I heard what happened." She started.

"What do you want?" Asik ko sa kanya. "Hindi mo kailangang magpanggap na sweet at mabait dahil tayong dalawa lang naman ang nandito." Diretsong sabi ko.

Hugot Queen | BOOK 1 | CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant