Prologue

57.1K 848 25
                                    

           RIO GABRIEL MONTEREAL

----

Kamila

5 years ago..

"Sinabi ko naman sayong ayoko na!?" hinigit ko ang kamay ko mula sa kanyang malakas na pagkakahawak at tumalikod muli.

Pigil na pigil ang mga luha upang hindi kumawala at nang hindi niya makita  ang sakit na dulot ng ginagawa ko. Pakiramdam ko ay sagad na ang sakit, parang bibitaw na ang puso ko sa pagbomba ng dugo sa buo kong katawan dahil sa sakit na nararamdaman nito.

"Please Kamila, don't go. Kung ano man ang nagawa ko, I'm so sorry. We can work things out." nagmamakaawa siya habang hinihila ako para tumigil sa paglakad. Pero hindi pwede, hindi ako pwedeng tumigil kasi oras na gawin ko iyon, baka hindi ko na magawa pang umalis. At pag hindi ako umalis...

Umiling na lang ako, hindi makapaniwala na naiisip ang manatili sa lugar na iyon, ang lugar na isinumpa ko. Since I've been a child, namulat na ako sa gagawin ko. Iyon na ang tumatak sa isip ko. Iyon ang pagpapalaki sa akin ni mama. I live to see the Montereal's destruction. At ako ang kanyang pain. Ako ang kanyang armas.

"Let me go Rio! I don't love you anymore, naiintindihan mo!? Ituktok mo sa kokote mo na wala na akong nararamdaman sayo!"

"No!" mariin ang kanyang pagtanggi. Dalawang kamay na ngayon ang nakahawak sa dalawa kong braso at pilit akong inihaharap para makausap siya ng maayos.

Napasinghap ako nang higitin niya ako palapit, sobrang lapit na halos nagtatama na ang aming mga ilong.

"Hindi totoo yan, you just said yesterday how much you love me. You swore on your mother's grave that you will love me forever!" matalim ang titig niya sa mga mata ko at kahit gustuhin ko man ay hindi ko mabali ang titig na iyon. Nanunuot.

Nagpumiglas akong muli. Yes, I did. I swore. Kasi ang buhay pala ng tao, kahit nakadetalye na at nakaplano, maaari at maaari pa ring magbago. I thought I was protected because I knew all about the family's dirty secret pero hindi pala.

Because as I was doing my revenge, I was also falling.

Hard.

It was actually a free-fall.

Talab na talab ang theory na, in every action, there's an equal and opposite reaction. Kaya ayun, dahil masama ang naging dahilan ko sa paglapit sa pamilyang ito, ang naging ganti sa akin ng kapalaran ay ang mahalin ang tao na lolokohin ko. Ang tao na paghihigantihan ko.

"I lied! Okay? I lied! Nagsinungaling ako kahapon! Now, let me go!" sigaw ko.

Kahit anong pagpipigil ay nagpumiglas pa ring makawala ang mga luha. My tears betrayed me in front of him. Hindi ko mapigilan ang paghikbi dahil sa sakit na dinadala ko at dadalhin pa.

I am not worthy of this person and it would be better for him to let me go.

Tumalim ang titig niya sa akin at sa unang pagkakataon ay natakot ako. Ito ang unang beses na nakita ko na galit siya. Sa akin.

"Yesterday you were screaming my name while I was fucking you senseless!"

Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Rio is not like this. God what have I done to him?

"Stop." nanghihina kong saad.

"Bakit, mali ba Kamila? Was I dreaming your moans and your screams? Kailangan bang ipakita ko sayo ang bakas ng kuko mo sa likod ko habang ibinabaon ko ang sarili--"

Hindi niya natapos ang nais niyang sabihin sapagkat kusang umigkas ang isa kong kamay upang dumapo sa pisngi niya.

"How dare you! Alam mong hindi ako kaladkaring babae Rio." tiim-bagang ang pagkakasabi ko niyon dahil sa galit. Nanginginig ang dalawa kong kamay ngunit ikinuyom ko iyon upang hindi na makasakit pa.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now