20

20.9K 525 16
                                    

The Elevator Incident


Kamila

Ilang minuto din akong nakatayo sa parking lot. Wala na siya sa paningin ko pero hindi ko pa rin magawang maglakad para sumunod sa kanya.

Ibinaba ko ang tingin sa semento saka naupo sa hump na naghihiwalay sa bawat sasakyan. Nanlulumo ako sa takbo ng buhay ko. Gusto ko nang umuwi sa anak ko at kay ate Skye. I just want to forget this phase in my life and move-on.

Lulugo-lugong pumasok ako sa building pagkatapos ng ilang sandali. Luminga muna ako sa paligid para siguraduhin na pumanhik na si Rio sa suite bago nagpatuloy. Sa lounge muna ako matutulog ngayon, kaso kelangan ko na din munang magpalit ng damit.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang button na para sa suite niya. Magsasara na sana ang pinto nang biglang may sumigaw.

"Wait!"

Nagkumahog akong hawakan ang pinto ng elevator para hindi iyon magsara.

Isang pawisan at humihingal na Rio ang tumambad sa akin. Yumuko siya at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang hita habang hinahabol ang paghinga.

"San ka galing?" tanong ko. Humalukipkip ako para pigilin ang kamay kong nangangati na upang hawiin ang buhok niya sa mukha.

"H-hinah-hanap k-ka. S-san ka bah nagpunta?" tanong niya sa pagitan ng paghinga.

"Sa parking lot lang." sagot ko. Kumunot ang noo niya.

"Sinuyod ko ang buong parking lot pero hindi kita mahanap. I even went out of the square thinking na baka umalis ka or something."

Nagkibit-balikat na lang ako sa kawalan ng sasabihin.

"Will you please--" ibinitin niya ang salita na aktong may sasabihin pero hindi masabi, "--next time, don't disappear on me?" mahina niyang bulong.

Tumaas ang kilay ko. Sino ba ang nang-iwan? Ang bipolar talaga ng lalaking ito.

Nanatili akong walang imik kaya pinagmasdan niya akong mabuti. Umalis ako sa pagkakadagan sa pinto saka muling pinindot ang up button.

"Are you coming or not?"

Agad siyang pumasok at tumabi sa akin. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Samantalang ako naman, tinanggal ko ang takong na pinahiram sa akin ni Giana dahil nananakit na ang mga paa ko. Hinilot ko ang kanang paa gamit ang kaliwa at yun din naman ang ginawa ko sa kabila.

I was so focused with doing that kaya nagulat ako nang pagtunghay ko, nakita kong titig na titig siya sa mga paa ko. Nakagat ko ang labi ko sa di malamang dahilan.

Hindi ko alam kung saan itatago ang mga paa ko kaya hindi iyon mapakali. Nagpapalit-palit ang timbang ko sa dalawa kong paa at palipat-lipat ang apak ko sa sahig ng elevator.

"Masakit ba?" tanong niya pagdaka.

"H-huh?"

"Masakit ba yung paa mo? Do you want me to carry you?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya,hindi makapaniwala. Pagkatapos niya akong saktan ng paulit-ulit sa araw na ito, may lakas ng loob pa siyang mag-aya na kakargahin niya ako?

"What are you crazy?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Nalukot ang mukha niya bago ako tiningnan sa salamin. Pagdaka ay nagkibit balikat na lang siya as if saying na, 'kung ayaw mo di wag.'

Ibinalik ko ang tingin sa mga paa ko, kinikilatis kung pangit ba siyang tingnan pero hindi pa rin matanggal sa isip ko yung tanong niya kanina kaya palihim akong sumulyap sa gawi niya.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now