25

19.3K 582 24
                                    

Can't live without you

Kamila

Pumasok siya sa kotse nang hindi ako kinikibo. Nakita kong itinakip niya ang braso sa mga mata niya at nanatiling ganun hanggang sa makapasok ako sa passenger seat.

Sinundan ko ng tingin ang manggas ng kanyang damit at nakita ko ang bakas ng mga luha doon ngunit nang tingalain ko ang kanyang mukha, wala akong makitang emosyon.

Pinaandar niya ang kotse at walang pasabing pinaharurot iyon hanggang sa makarating kami ng building. Ni hindi ko na nagawang isara ang seatbelt dahil sa pagmamadali niya.

"Out." matigas niyang saad matapos na maipark ang sasakyan sa parking lot. Hanggang ngayon ayaw niyang tumingin sa gawi ko at habang tumatagal na ganun nga ang nangyayari, lalong napagtitibay ang kutob ko na nalaman niya na ang tungkol kay Kia.

"Rio.."

"Wag. Wag kang magsasalita. I will give you time to talk later." iyon lang at umibis na siya papunta sa building.

Sumunod lang ako at hindi na rin umimik. Kahit medyo kinakabahan, wala na din naman akong magagawa. Gaya ng una kong naisip, mas ligtas si Kia kay Rio kaysa sa akin. Kung kailangan na kuhanin niya si Kia mula sa akin, gagawa na lang ako ng paraan na makita ang anak ko.

Inisip ko kung anong posibleng gawin para kahit papano ay makasama ko pa si Kia. Knowing the Montereals, I know na gagawin nila ang lahat para makuha ang anak ko. This time, it will just be a matter of when.

Dumiretso kami sa kinalalagakan ng elevator. Kahit medyo kinakabahan, hindi na ako umimik. Ayokong mas lalo lang siyang mairita.

Bago pa siya pumasok, bumaling siya sa akin at nagsabi, "I already installed lights, yung kahit walang power umiilaw pa rin so hindi mo kailangang matakot."

Tumango ako at itinago ang nanginginig na kamay. Ipiniling niya ang ulo papunta sa elevator at hinintay akong maunang pumasok. Humakbang ako palapit pero natigil iyon nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

Nagtatanong ang mga matang binalingan ko siya ng tingin.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita pero hinawi niya ang buhok na natanggal na pala sa pagkakapulupot sa leeg ko. Sinubukan kong ibalik ang buhok pero huli na ang lahat. Nakita niya na ang bakas ng kamay ni Patrick.

"Saan ka talaga galing kanina Kamila?" tiim-bagang na tanong niya. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit dahilan kung bakit mapaatras ako sa takot. Meron pang kaunting natitirang trauma sa nangyari sa akin kanina.

"Damn it! You knew I won't hurt you!" singhal niya kaya mas lalong namilog ang mata ko.

"A-alam ko naman Rio." mahina kong saad.

Sinubukan kong pumasok pero hinawakan niyang muli ang braso ko. This time, hindi niya na pinakawalan iyon.

"Tell me who did that to you Kami. And don't tell me na andyan yan kasi nadapa ka."

Umiling-iling ako at sinubukan muling pumasok.

Hindi nga pwede ngayon Rio. Wala si Kia sa kamay ko kaya alam ko na oras na gumalaw ka laban kay Patrick, mapapahamak ang anak natin. Sasabihin ko, pero wag ngayon.

"Kamila!" frustrated niyang sigaw.

"I said no!" tumaas na din ang boses ko. "Gaya ng sinabi mo sa akin noon, I know what I'm doing. This is my life and whatever I do, I ensure na hindi kayo maaapektuhan. Kayo ng pamilya mo!"

At si Kia. Dugtong ng isip ko.

Binaklas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tuluyan na pumasok sa loob ng elevator. Gaya ng sinabi niya, mas madaming ilaw na nga ngayon, lahat yata ay battery operated pero maliwanag pa rin.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang