15

20.7K 483 16
                                    

Mahirap Intindihin

Kamila

"Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na dahil sa Barcelona, the love untold kaya't nagkaganyan ang mata mo Kamila." inis na bati sa akin ni Giana nang magkita kami pagkababa ko ng suite.

"Hindi naman talaga. May sinabi ba akong ganun?" sagot ko agad.

Umirap lang siya saka inilapag sa harap ko ang root beer na binili niya.

"Wag kang mag-alala, beer pero hindi beer as we know it. Hindi ka niyan malalasing."

Ngumiti ako, nagpasalamat at sabay sumimsim sa binuksan kong easy open can.

"Pwee.. Ugh." inilabas ko ang dila ko dahil sa pandidiri. Ang pangit ng lasa, tae.

Tumawa siya sabay inom din sa hawak niya.

"Ahh, grabe ang sarap talaga." panloloko niya pa.

"Anong masarap dito?" asar kong turan. Tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil mukhang naeenjoy niya ang pag-inom nung sa kanya.

"Alam mo Kami, acquired taste ang tawag diyan. Sa una pangit, next time sasarap at sasarap din." paunawa niya sa akin.

Pinandilatan ko siya kaya itinaas niya ang dalawa niyang kamay at tumawang muli.

"Walang berde dun! Ikaw lang ang nag-iisip!" saad niya pa.

Biglang dumating si Kier nung mga sandaling iyon. Hinatak niya ang upuan na malapit kay Giana, binitbit ito hanggang sa magkadikit ang dalawang upuan saka naupo.

Sabay na dumako ang tingin namin sa bagong dating. Kakaiba ang itsura nito, may kaunting shadow ng bigote sa mukha at halatang medyo hindi maganda ang araw.

"Kung hindi ka lang bakla, iisipin ko na tinatsansingan mo ako." sinapian na naman si Giana ng espirito ng mga alaskador. Ngumiti ito na para bang tuwang-tuwa sa tsansing na sinabi niya.

"Kung hindi ka lang babae, kanina pa kita ni-wrestling." ganti naman ni Kier.

Nagpang-awat na ako bago pa magsimula ang totoong gulo. Kinuha ko ang root beer na sinipsipan ko ng konti saka ibinigay iyon dito.

"Oh, inumin mo na lang yung root beer ko." saad ko sabay turo sa ngayon ay nasa harap niya nang lata. Namamawis na ang labas nun dahil sa lamig na meron sa loob at sa init na nagmumula sa labas.

Nakita kong tumingin siya sa gawi ni Giana, sabay baba ng tingin sa root beer na hawak din nito. Nagulat ako nang bigla niyang pagpalitin ang dalawang lata saka tumungga dun sa root beer ni Giana.

Parehong nalaglag ang mga panga namin ni Giana. Natatawa ako sa itsura niyang namumula at halos hindi rin makapaniwala sa mga pangyayari. Nag bottoms up si Kier sabay baba sa lata na hawak niya.

Naayos ko na ang itsura ko pero ganun pa rin ang itsura nang katabi ko kaya kumunot ang noo nito.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Kier.

"H-huh? Wala naman." pangwawala ni Giana sa usapan. Inilibot nito ang paningin sa palagid na parang hindi mapakali sa upuan niya. Maya-maya pa, sinipat nito ang cellphone na hawak at parang may hininhintay mula doon.

Bigla itong kinuha ni Kier nang walang paalam saka sinipat din.

"Hey! Ang kapal mong kumag ka, ibalik mo ang phone ko!" sigaw nito sabay akmang hahablutin ang cellphone sa kamay ng isa.

"Stop obsessing over that prick Giana." matigas na saad nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Weeehhh? Straight english? Anong nangyari? Dati nakakatawa ang english ng loko tapos ngayon, parang american citizen kung makapagsalita? May american accent pang nalalaman?!

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now