14

19K 488 10
                                    

Phone call

Kamila

Wala na ang nakatakip sa mata ko, wala na rin ang nakabuhol na panali sa kamay ko, nakaayos na din ang damit ko. I wonder how long I've lived in my memory.

Nagfetal position ako sa sofa at umiyak lang ng umiyak. Matagal na mula nang mangyari ang ganito. Dati sa panaginip lang, ngayon ni-live showing ko na kahit hindi tulog ang diwa ko. Ito na yata ang pinakamalala sa lahat ng mga eksena kong ganun.

Hindi ko na namalayan kung anong ginagawa ni Rio. I last saw him standing near the sofa watching me. Kunot na kunot ang noo niya at halos hindi maipinta ang mukha. He didn't bother me with questions and I am thankful for small blessings. Kasi hindi ko alam kung mapipigilan ko ang sarili ko na wag sabihin sa kanya ang mga nangyari.

Sa kakaiyak ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Mabigat ang dibdib ngunit mabuti na lang at walang masamang panaginip na nangyari.

I woke up feeling groggy and so alone. Mag-isa na lang ako sa suite at mukhang binuhat ako ni Rio para doon matulog sa kwarto niya. Malamang bumalik na iyon sa trabaho niya. My legs got all tangled up with the blanket so I took it off.

Kailangan kong makausap si Ate Skye. I also need my little baby's voice to calm my raging system. I need an anchor to my suddenly shaky world.

Lumabas ako para kunin ang cellphone sa aking barrel bag. I also took one of my pants para takpan ang kahubaran ko.

Nakatatlong ring bago nila sinagot ang tawag. Tumitili pa si Kia na parang kinikiliti ni ate kaya lalo akong napaluha. God, how I missed her.

"Hello mommy!" sigaw niya sa kabilang linya. Yung matinis niyang halakhak ang dahilan kung bakit kahit papano ay gumaan ng konti ang pakiramdam ko.

Napalis lahat ng alalahanin ko kaya't napangiti na rin ako habang pinapakinggan siya.

"Yes baby?" malambing kong saad. Hindi ko mapalis ang ngiti na ngayon ay mukhang nakadikit na sa mukha ko.

"Tita Skye is tickling me! I'm gonna die now!" sigaw niya pa rin.

Humalakhak ako. She's like a little girl who got an old soul. Parang matandang babae siya kung magsalita.

"You can't baby. I'll get lonely if you do." kahit hindi niya nakikita, ngumuso ako na parang nagpapaawa.

Tumawa siyang muli at nagsalita. "I won't die then, I promise."

"Are you being good?" tanong ko sa kanya nang magtahimik ang paligid.

"Yes! Tita said you are visiting my dad. She said I have to be good if I want to see him too." saad niya.

Nagtubig ang mga mata ko. Such innocence.

"Yes baby. Be good while I'm gone huh?"

"Yes mom. I love you."

"I love you too honey." Pinunasan ko ang luha na naglalandas sa mga pisngi ko at huminga ng malalim. Itinaas ko ang dalawa kong paa sa sofa saka itinakip ang mga kamay ko sa mga mata ko.

"Mom, when will I see him?" mahina niyang turan.

Napigil ko ang hininga ko. Ayoko na magsinungaling sa kanya but I also don't want to give her false hopes.

"I dont know. Hopefully soon. I want to come home to you." pag-iiba ko nang usapan.

"Well, okay. I love you. I'll call you next time huh? I know how to use the phone now." saad niya bago tuluyang nawala. Kahit old soul siya, bata pa rin ang ugali na mabilis magsawa sa isang gawain. She still has the attention span of a five year old.

Tumatawa si ate Skye habang inaayos ang telepono sa tenga. Sumigaw pa siya na mag-ingat ito at nang hindi madapa. I felt an unholy jealousy sear my soul. Ako dapat ang andun, ako dapat ang nakakasama ng anak ko.

"Hello Kami? How are you?" nang marinig ko ang sinabi niya ay nahiya ako sa sarili ko. Dapat nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa pag-aalaga niya kay Kia pero heto ako at nagseselos. Naiinggit.

"Ate.." tawag ko sa kabila. "Ate ang hirap." pagsusumbong ko. I'm crying out loud and I can't control it. Humahagulhol ako na parang bata habang nagsusumbong sa kanya.

"Hey, it's okay. Anong nangyari?" tanong niya.

Muli kong pinalis ang bagong yugto ng luha. "Kanina, inamin ko lahat ng kasalanan ko sa kanya. Ate alam mo naman lahat ng kasalanan ko sa kanya diba? Alam mo kung gano ako naging masama. Sinabi ko na sa sarili ko na magpapaubaya ako, kasi kasalanan ko naman talaga lahat, pero ate, ang hirap."

Hinawakan ko ang puso ko na para bang sa pamamagitan nun ay maaalis ang sakit.

"Shh, okay ka lang. Ano nga yung sabi ko sayo dati?"

Bumuntong hininga ako.

"Kapag sinabi mo na okay ka, okay ka pa rin." sabay naming saad.

Tumawa ako at ganun din ang ginawa niya.

Nang manahimik ako, nagsalita siyang muli.

"Kung hindi mo ba ginawa yung revenge mo na yun, makikilala mo si Rio?" tanong niya.

Umiling ako kahit di niya nakikita.

"Kung hindi mo nakilala si Rio, magkakaroon ka ba ng isang maliit at cute na cute na anghel?"

Isang hikbi ang kumawala mula sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay upang pigilin ang pag-iyak.

"Ngayon sabihin mo sa akin na pinagsisisihan mo na lahat ng kasalanan na nagawa mo noon." mariin niyang saad.

Umiling muli ako.

"Alam kong hindi ka nagsisisi Kamila. Yes, you are sorry for the pain you've caused the people you love but you are not sorry that you've done what you have. Appreciate life my dear sister. Lahat ng bagay ay nangyayari dahil may rason." paliwanag niya sa akin.

"Ate anong gagawin ko?"

"Listen to your heart and also your guts. Magtiwala ka sa kanila. Alam nila kung kailan ka susulong o kung kailan ka susuko."

Ngumiti ako nang banayad. Si ate Skye, para siyang si Kia. Ang dami nilang alam sa mundo.

"Salamat ate. Thanks for accepting me kahit marami akong naging sekreto sayo. Salamat na hindi mo ko iniwan."

Nagpalitan kami ng paalam at saka ibinaba ko ang tawag. Kahit papano ay naibsan ang iba sa mga dinaramdam ko. I can now go through my duties without crumbling on even the simplest stresses.
Inayos ko ang sarili ko sa CR. Bago ako lumabas, tinitigan ko ng matiim ang namumugto kong mata.

"Kaya pa Kamila. Okay ka pa." tinapik-tapik ko ang puso ko sabay buntong hininga. Kaya pa.

*****

---a/n: ang cool naman ni Ate Skye. 😭😭😭

don't we all need that someone who will always accept us without reservation? Kahit ano pang nagawa nating mali? I think that's why we have FAMILIES. Para pag hindi na tayo kayang tanggapin ng mundo, may mga tao na tatanggap sa atin kung ano at sino tayo. 😶😶😶

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon