Epilogue

24.6K 529 49
                                    

A/N: The Third Installment of the Montereal Bastards Series is now available. Ruzzia Montereal's story. Salamat po!

****

Rio

(5 years ago..)

"Pare, umiiyak ka?" nagtatakang tanong ni Ruzz ng madatnan ako sa bahay limang taon na ang nakararaan.

Agad kong pinunasan ang luha na kanina pang nag-aalsa mula sa mga mata ko. Ipinilig ko ang ulo ko upang hindi niya makita kung gaano ako naghihirap.

"Di, uh, masakit lang ang ulo ko." hinawakan ko ang tulay ng aking ilong at pumikit.

Damn, the pain is so real. Pakiramdam ko, totohanang nabasag ang puso ko dahil sa sakit na nadarama doon.

"Bakit masakit ang ulo mo?" pagdaka'y tanong niya.

"Just leave me alone please. Gusto kong mapag-isa." saad ko sabay baling muli sa alak na siyang kausap at kakampi ko mula nang iwanan ako ni Kamila.

Nagkibit balikat siya at umalis na rin namang muli. Isang pinagpalang katahimikan ang dumating at tinanggap ko iyon. 

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at binuksan iyon upang titigan ang tanging larawan ni Kamila na hindi ko binura.

Kuha ko ito habang natutulog siya kinaumagahan ng una at huling gabi namin. Halos hindi siya mapagkit sa akin noon, konting galaw ko lang ay sumisimangot na siya at nagsisimulang maalimpungatan.

Ni hindi ko akalain na darating ang panahon na masasabi niyang hindi niya na ako mahal.

Hinaplos ko ang mukha niya mula sa aparato at nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko.

Tinipa ko ang pangalan niya hanggang sa lumabas ang kanyang numero. Pinindot ko ang telepono doon at hinintay ang pagsagot niya ng tawag.

"H-hello?" nanginginig ang boses na narinig ko at pinagkasya ko na lang ang sarili sa ideya na namimiss niya din ako.

"Kami.."

Wala akong narinig na sagot mula sa kabila kaya tiningnan ko kung ibinaba niya ba ang tawag. Andun pa rin naman siya.

"Bakit?" panimula ko. "Ano ba kasi ang nagawa ko?" pakiusap ko sa kanya. Paulit-ulit, ito ang katanungan sa aking isipan. Kung bakit niya ako iniwan at anong nagawa ko sa kanya.

"Nothing Rio, please let me go." mariin niyang saad. 

I held my breath in hopes that the pain would slide away but it was all the same. Tagos pa rin sa puso.

"Kami, please.. promise, I'll be very good. I'll be--" hindi ko mapigilan ang paghagulgol kaya natigil ang sasabihin ko.

Oh God the pain. I can't bear this kind of pain.

"--please take me back. Papaibigin ulit kita, kahit hindi mo na ako mahal, gagawin ko ang lahat para mahalin mo din ako. Just please, maawa ka Kami, hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko."

Wala siyang imik sa kabilang linya kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa mga sinasabi ko.

"Hello? Are you there?"

Katahimikan.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mumunting singhot.

"May sipon ka ba? Uminom ka ba ng gamot? Wag mong pababayaan ang sarili mo, ha?" untag ko sa kanya.

"Let me go!!" singhal niya sa telepono. "Sinabi ko na nga na wala na diba!?"

"Hindi kasi Kamila. We made a commitment, see? Hindi dahil ayaw mo na ay wala na yun. Pano na lang ako?"

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now