29

18.8K 492 14
                                    

Kiss

Kamila

Nagising ako dahil sa malakas na ingay ng alarm clock mula sa kwarto ni ate. Pagtingin ko ay wala na si Kia sa kanyang higaan sa tabi ko at may mga nagkakalampugang mga kubyertos sa kusina. Naguguluhang tiningnan ko oras at lalong nangunot ang noo ko nang mapagtantong alas sais pa lang ng umaga at imposibleng gising na ang magaling kong kapatid.

"Mommy, eat!" sigaw ni Kia mula sa kusina dahilan para mapatayo ako ng wala sa oras. At dahil sa rin sa pag-aalala.

Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ng anak ko ngayon.

Dumungaw ang mala-anghel niyang mukha sa pinto ng aking kwarto saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Mas lalo akong kinabahan. Isa lang ang ibig sabihin ng ngiting iyon.

Trouble.

"Okay baby." mahina kong bulong. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa kusina saka pinaupo sa upuan.

"Stay put. I'll get mommy Ky." parang matandang utos niya sa akin.

Ngumiti ako ng peke at tumango. Titingnan ko na lang kung anong inihanda niya pagkaalis niya para hindi na kami parehong magulat ni ate.

Kaso akmang aalis na si Kia nang pupungas-pungas sa pumasok si ate sa dining room. Gamit niya ang paboritong pantulog niya. Iyong panda costume na regalo ko noong college kami.

Tumaas ang kilay niya ng mapansin ang set-up ng table. May something mysterious sa gitna ng mesa na natatakpan ng food cover. Nagkatinginan kaming magkapatid at sabay na bumuntong-hininga.

"I prepared something." proud na proud pa ang anak ko sa annoucement niya.

"Can't wait!" mahina kong bulong.

"This is gonna be edible, I hope." mahinang saad din ni ate.

Pagkatapos ay sabay ulit kaming humugot ng malalim na hininga.

Tumuntong si Kia sa taas ng upuan saka sa mesa pagkatapos ay hinawakan ang food cover. Ngumisi siya ulit.

"Okay, close your eyes." excited na turan niya. 

Pumikit kaming pareho ni ate kahit ang totoo ay may puwang pa rin iyon para makita namin ang nasa harap.

Humagikhik ang magaling kong anak saka binuksan ang coverlet.

Napasinghap ako.

Napamura ng marahan si ate.

Lalong humagikhik si Kia. Nakatakip pa ang maliit niyang kamay sa kanyang bibig para mapigilan ang kumakawakang tawa.

"Open eyes now!"

Parehong nanlalaki ang mga mata namin na bumaling sa pinggan. Sa loob kasi ng coverlet ay may mga buhay na nilalang. Maliliit at kulay brown. Medyo pahaba at mukhang kagagaling pa lang sa mamasa-masang lupa sa likod bahay. Nakita ko yung isa na nakawala sa pinggan at ngayon ay naglalakbay na sa mesa ni ate. May balak yatang mag-explore sa bago niyang tirahan.

Naduwal ako. Napaupo si ate. Naghahalakhak si Kia.

"Kiana Gabrielle!! How many times do I have to tell you to leave the earthworms alone?" saad ko na hindi namamalayang tumataas na ang boses.

"It's because you're all asleep, I already want my breakfast." bulong niya ngunit nakatingin na sa baba na ang mga mata.

"Edi sana--"

"Kami, dahan-dahan." paalala ni ate.

Napahawak ako sa sentido kong medyo nananakit na.

"Kia," mahina na ngayon ang boses ko. Lumapit ako sa kinatatayuan niya at lumuhod para magkapantay ang mga mata namin. "I'm sorry baby. Pero alam mo na yan diba? Tinuruan naman kita na pabayaan mo na yung mga bulate kasi may buhay din sila. And its not good table manners to put those slimy creatures on the plate. Hindi malinis tingnan." paliwanag ko ulit.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now