21

19.6K 521 11
                                    

My Life


Kamila

"Let me in!"

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng boses na nagsisisigaw. May iba pang mga boses sa labas pero mahina lang ang tenor nila kaya hindi ko iyon maintindihan.

"I said let me in you motherfucker!" hiyaw ulit nung boses.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, nagtataka kung bakit punong-puno ng ilaw ang kwarto at sobrang maluwang. Hindi ko maalala kung nasaan ako at medyo malabo din ang memorya ko noong nagdaang gabi.

Sa taas ng kama na hinihigaan ko ah may isang digital clock na nagsasabing alas tres na. Hindi ko lang sigurado kung alas tres ng madaling araw o alas tres ng hapon.

"Calm down Rio, mabuti na ang kalagayan niya sabi ng doctor." anas ng boses na pamilyar din pero hindi ko mapagwari kung sino.

"If she's fine then why aren't we allowed to enter?" bulalas nito sa kausap.

Pumikit ako para alalahanin ang nangyari kagabi.

Kier and Giana's date. Meeting Ruzz. Rio's dance with Misty and then there's the elevator.

Pagkatapos ng elevator at blanko na ang memorya ko.

"Let her rest bro. Hindi siya aalis dun."

"Hindi ko nga siya gagambalain! What the hell's wrong with you people?" saad niya.

And then I heard a very loud bang resonated without. Parang tunog ng tumilapon na upuan or something metallic. Nanghihinang napaupo ako sabay kalas sa swero na nakalagay sa kamay ko.

Ibinaba ko ang mga paa ko hanggang sa dumaiti ito sa sahig saka unti-unting binaybay ang daan patungo sa pinto. Naiiling ako habang pinakikinggan ang mga usapan nila sa labas.

"Seriously, you're acting like a raving lunatic. Ayusin mo nga ang sarili mo." anang bagong dating na boses.

"Bakit, ano bang reaksyon mo nung maospital si Niki, you hypocrite?!"

Katahimikan.

Ibig sabihin pala, andito din si Mexico. Nandito ang mga kapatid niya.

"Niki is a different matter man. Mahal ko siya, asawa ko siya. That girl, she's the reason why we almost lost the company. Isa siyang trahidor, a gold-digger." halos ipagduldulan na nito kay Rio ang sinabi.

Parang gusto ko na lang bumalik sa higaan at magkunwari na hindi ko narinig ang mga sinabi nila. Akmang tatalikod na ako nang biglang magsalita si Rio.

"That girl--" sigaw nito. "That girl is my life! Naiintindihan mo!? She is the reason why I'm still here. At kahit kunin niya pa sa akin ang buong kompanya, wala akong pakialam."

Napasinghap ako sa narinig. Anong sinasabi niya? Totoo ba?

Nanghihinang napakapit ako sa pinakamalapit na muebles pero sa kasamaang palad, ang nakapitan ko ay yung tray ng pagkain na inirarasyon sa ospital.

Napakurap na lang ako habang nahuhulog iyon sa sahig. Isang malakas na kalabog ang ginawa niyon na dumagundong sa buong kwarto. Napangiwi ako sabay dukwang para ayusin ang kalat pero narinig din yata ng mga nasa labas yung ingay kasi nagsidatingan din sila.

"Kami?" bungad ni Rio sa akin. "What the hell are you doing out of bed woman!?"

Napaigtad ako sa lakas ng sigaw niya kaya pumihit ako para tumingin sa likod. Sinuri ko ang pamilyar na mukhang iyon para makakita ng kahit kaunting katibayan na totoo ang narinig kong sinabi niya kanina pero wala akong makita. Blanko lang iyon at walang bahid ng emosyon maliban sa galit.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Место, где живут истории. Откройте их для себя