30

19.4K 468 43
                                    

Importante!!!

Kung ayaw mong mabitin ngayong gabi, wag mong basahin. Isang chapter lang kasi to. Pahabol update.

Binalaan kita, wag kang manisi. Haha

-----------------------------------------------------------

Misty-rious

Kamila

Kinabukasan, inihanda ko si Kia para sa unang byahe niya sa himpapawid. Karga-karga niya ang kanyang rag doll na gawa ko noong pinagbubuntis ko pa lang siya. Medyo kinakabahan pero halata sa mukha ang excitement dahil ngayon ang araw na makikita niya ang ama.

Lumapit si ate Skye sa gawi namin saka kinausap si Kia.

"Excited kang makita yung dad mo?" tanong ni ate.

Ngumiti si Kia saka umiling. Natatawang nagkatinginan kami ni ate.

"Then what are you excited about?" takang tanong ni ate.

"I'm excited to ride the big dragonfly!" saad niya sabay ikot-ikot habang kunyari ay ginawang pakpak ang dalawang kamay.

"Hmp! Akala ko pa naman excited na makita ang ama. Niloloko yata ako nito nung nag-eemote pa to kung kelan niya makikita si daddy." sumbong ko kay ate.

Natigil ang pag-uusap namin nang maulinigan namin ang tunog ng chopper. Lahat kami ay nabaling ang tingin sa langit habang hinihintay na magpakita ang sasakyan. Ngumisi ako sa gawi ni ate.

"Sperm donor mo, parating na." pang-aasar ko.

Umirap lang siya pero hindi na ako pinansin. Nakatingin lang siya sa taas na parang kapag hindi niya pinakatitigan iyong sasakyan ay bigla na lang itong mawawala.

"Mommy what is a sperm donor?" biglang singit ni Kia.

Bumunghalit ng tawa si ate.

"Ayan, bunganga mo kasi. Hala sige, ipaliwanag mo. Diyan ka magaling diba?" saad niya.

Napangiwi ako dahil sa kinalagpakang sitwasyon. Paano nga ba? Di bale, si Rio na lang ang pag-eexplain ko mamaya. Total, siya naman itong may sperm. Egg kaya ang sa akin.

"Si daddy ang tanungin mo mamaya baby ah?" turan ko kay Kia. Sa kabutihang palad ay nagpaubaya naman ito. Tumango na lang din saka nilaro-laro ang daliri sa buhanginan.

Bumaba ang chopper at lumabas si Ashton sabay bukas ng pinto para sa aming dalawa ng anak ko. Nakita kong bumaba ang tingin niya kay Kia sabay baling sa akin.

"Would you like to tour the island before we come back?" tanong niya.

"Hindi, okay lang. Naeexcite na si Kia na makita ang daddy niya e." saad ko.

"Si Kia nga ba?" singit ni ate sa likod ko.

"Wag ka na lang maingay." tiim-bagang kong turan nang hindi tumitingin sa gawi niya. "Kung hindi, isasabotahe ko ang plano mo."

"Tss."

Ngumiti ako kay Ashton saka naglakad papasok sa chopper habang hawak-hawak si Kia.

Kumaway kami kay ate na noon ay nakatingin na lang sa amin at wala na namang emosyon ang mukha.

"Babalik kami." pangako ko para kahit papano ay maibsan ang dinaramdam niyang lungkot.

Sumimangot na lang siya sabay sigaw, "Wag kang magkakamaling bumalik hangga't hindi ko sinasabing may laman na."

Napatingin si Ashton sa gawi ni ate habang nakapasak ang cellphone sa tainga. Mukhang may kinakausap ito ngunit nawala sa konsentrasyon nang marinig ang sinabi ni ate.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now