39

17.6K 412 14
                                    

A/N: tanggap ko nang hindi niyo ako mahal. Hahaha. Puro 'update please' ang nakikita ko, wala man lang, 'we miss you miss.' haha. 😂😂 pangarap ko na lang.

ETO NA OH! HALA SIGE, BASA!!

---------------

I'm fine

Kamila

I was not able to do anything para mag-initiate ng contact sa kanilang nasa empire. Ni hindi ko masabi ang balita at kung ano ang mga natutunan ko mula sa pagiging espiya. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwentang kakampi.

Sinipat ko ang biniling damit ni Patrick sa akin.

Kulay puti iyon at hakab ang katawan ko kapag isinusuot. Abot kalingkingan nga ngunit may mahaba namang hiwa na mula sa gilid ng singit patungo sa baba habang ang likod naman ay halos umabot na sa pwetan ang pagkakaluwa.

Mistula akong mamahaling pokpok sa itsura ko ngayon pero wala din naman akong magagawa lalo't tau-tauhan ako ni Patrick sa mga sandaling ito. Hawak niya ang leeg ko.

Isang marahang katok ang narinig kong nagmumula sa labas ng pintuan.

"Sino yan?" tanong ko.

"It's Patrick. Are you ready now?"

Muli kong sinipat ang sariling repleksyon sa salamin at pinasadahan ng matingkad na kulay pula ang aking labi bago tuluyang lumabas.

Binuksan ko ang pinto saka dahan-dahang naglakad papunta sa gawi niya. His back was on me kaya mas minabuti kong magdahan-dahan.

"Patrick." tawag ko nang makalapit na ako sa sapat na distansiya ang layo mula sa kanya.

Lumingin siya at bahagyang napako sa kinatatayuan. Habang naglalakbay ang malilikot niyang mata sa kabuuan ng aking katawan, sinusubukan kong basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Umikot pa ako para mas makita niya ang kabuuan ng damit at nang magtama ang mga mata namin, hindi maikakaila ang namumuong pagnanasa na mababasa doon. Palikero. May Misty na, nagnanasa pa sa iba.

"I'm ready." I breathed.

Nakatayo pa rin siya kaya ako na ang kumuha sa kamay niya at humila sa kanya para diretso na kaming makalabas. Mahirap nang tuksuhin ang isang to, baka ano pang maisip at dalhin ako sa pinakamalapit na kwarto.

Sa halip na gumulong ulit pataas doon sa makitid na tunnel na binagsakan namin noong una, dinala niya ako sa isang tagong lagusan na hindi makikita ng kung sinu-sino lang. Pinasadya nga siguro talaga na puro tago ang lagusan sa lugar na ito para kung may kaaway man na makapasok, paniguradong walang kalaban-laban.

Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong ito ang unang pagkakataon na makakahinga ako ng sariwang hangin matapos nung gabi na unang dumating ako dito. Ngayon din ay susubukan kong makakonekta sa mga kasama ko na naiwan sa empire.

Kahit hindi ko tinitingnan si Patrick ay pinapakiramdaman ko pa rin siya. Ito ang tipo ng tao na tumalikod ka lang, paniguradong may mga kutsilyo nang nakaturok sa likod mo.

Ang lugar na pinagdadalhan niya sa akin ay mukhang ang pinakapusod ng buong building. Dinala niya ako sa isang elevator na kasinglaki na siguro ng kwarto ko sa bahay ni ate Skye.

Pinindot niya iyon at sa kabutihang palad ay agad namang bumukas, ibig sabihin lang ay wala talagang gumagamit nito.

Papasok na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Napahinto ako sa gulat habang ang nagtatanong na mga mata ang ibinaling ko sa gawi niya.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Onde as histórias ganham vida. Descobre agora