40

17.9K 379 4
                                    

Party

Kamila

Pagdating namin sa lugar na pinagdadausan nila ng selebrasyon ay dumiretso ako agad sa powder room upang tingnan kung kumusta na ang kalagayan ng katawan ko. May mangilan-ngilan kasing masakit sa akin at hindi ko maalala kung saang parte ng pangyayari ko iyon nakuha. Masyado kasing mabilis at magulo na sinamahan pa nung kalagayan ko dahil sa panyo kaya parang isang malaking bangungot sa akin ang lahat. Iyong parang masamang panaginip na paggising mo, hindi mo maalala iyong buong pangyayari pero alam mo pa rin na nakakatakot.

Pumasok ako sa CR pagkatapos ay tiningnan ko kung may mga tao sa loob ng cubicle. Nang mapagtantong ako lang mag-isa doon, sinarado ko agad ang pintuan at sinipat ang sarili sa salamin.

"Damn it, puro na ako pasa." maktol ko sa sarili habang tinitingnan ang mga masasakit na parte.

Meron sa braso, meron sa balikat at may masakit pa sa parteng likod kaya sigurado na din akong pasa iyon.

"Kamila, thank God we contacted you again." biglang saad ng boses sa tainga ko dahilan para mapatalon na naman ako sa gulat.

Napahawak akong muli sa dibdib nang mapagsino ang kumakausap sa akin.

"Ruzzia.." bulong ko habang iniikot ang tingin sa paligid. Baka kasi may nakalusot sa aking inspeksyon kanina.

"Where the hell have you been? Kahit anong gawin namin, hindi ka namin macontact." bulyaw niya sa akin.

Bumuntong hininga ako.

"Walang signal sa pinagdalhan sa akin ng magaling na Patrick na yun. Nasa underground ang kuta ng mga loko at hindi ako pinapayagang makalabas." paliwanag ko sa kanya.

Narinig ko ang marahas na pagbuga niya ng hangin at iniisip ko ngayon na marahil ay nakasabunot siya sa buhok. Masyadong maaalalahanin kasi iyong si Ruzzia. Nakakatuwa lang na ang pinapakita niya sa mundo ay happy-go-lucky siya gayong ang totoo, siya na siguro ang pinakamalalim na tao na nakilala ko.

"Hey listen. Nalaman ko na ang buong plano nina Patrick. On the day of your transaction, they will change the imported raw materials into drugs and then your crates will be filled with human trafficks. Kukuha sila ng police at media para iset-up kayo." saad ko.

"Damn! I've suspected that's what they'll do. Pero hindi na naman pwedeng baguhin ang oras. Mawawala ang deal pagnagkataon at yari pa rin ang kompanya."

"So pag-isipan niyong mabuti Ruzz. I have to go. Say hi to my little girl, susubukan kong makabisita mamaya." saad ko.

"Yeah. And Kami, please take care. Andiyan din yata si Rio, at hindi natin alam kung anong balak ng Patrick na yan sa inyong dalawa."

Pangalan pa lang ni Rio ay bumibilis na ang tibok ng puso ko, sa magandang paraan--- naiisip ko tuloy, paano kaya kung makita ko na siya? Sana mapigilan ko ang sarili ko para hindi mahalata ni Patrick. May sinabi pa man din siya kanina na bago daw matapos ang gabing ito ay mabubuong muli ang tiwala na meron siya sa akin.

Tatlong malakas na katok ang bumasag sa natutulog kong diwa. Agad kong inayos ang buhok ko sa likod dahil nasira na ang pagkakatali niyon saka kinurot ang sariling pisngi para malagyan ng kulay pagkatapos ay lumabas na ako sa banyo.

"What took you so long?" iritadong tanong ni Patrick sabay hagod sa kabuuan ko.

"Nag-ayos pa kasi ako--"

"That's enough," kunot-noong saad niya. "Kanina pa ako hinihintay ng mayor." pagkatapos ay hinila niya na naman ako paalis.

Damn it, makabawi lang ako Patrick Fajardo, sinasabi ko sayong hindi ako titigil hangga't hindi ka sumisigaw ng awa.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now