7

17.4K 466 12
                                    

Kaya pa

Kamila

Wala na kaming imikan hanggang sa makarating kami sa taas at pumasok sa suite.

Ibinaba ko ang bag sa tabi ng couch saka pinagpag ang mga unan dun. Nakatingin lang siya habang ginagawa ko iyon pero wala na akong pakialam.

"What are you doing?" tanong niya.

"Nagpapagpag ng unan." literal kong sagot.

"Dito ka matutulog?" tanong niya. Busangot na ang mukha niya at halatang pagod na din. Pero wala na akong pakialam.

"Yes."

"Are you sure?" lumapit siya kaya napaatras ako. Ano na naman bang gusto niyang palabasin?

"Bakit na naman ba? May nagmamay-ari na nung kwarto na pinapagamit mo, at ayoko na gumamit nun." mariin kong tanggi. Kahit palayasin niya ako, hindi talaga ako matutulog dun. Pasensiya na pero sadyang matigas din talaga kasi ng ulo ko.

"Walang nagmamay-ari nun Kamila." akmang hahawakan niya na naman yung barrel bag ko pero hinigit ko na yun sa kamay niya bago pa siya makaalis.

Lalong nagdilim ang kanyang mukha.

"Fine! Sa couch mo gustong matulog? Then go on! The hell I care!" pagkasabi ay padabog siyang naglakad patungo sa kwarto niya at isinara iyon.

Napangiwi ako dahil sa lakas ng tunog na nalikha at dumagundong sa buong bahay. Ang hilig niya magbalibag ng pinto ah. E kung ibalibag ko yung barrel bag ko sa mukha niya?

Inalis kong muli yung blouse ko at jeans pero nagpalit naman ako ng big shirt na dati ko nang ginagamit pantulog. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung ninakaw ko sa kanya dati bago ako umalis. Ito yung tumayong ama ni Kia nung nagbubuntis pa lang ako.

Bigla ay nilukob ako ng kakaibang kalungkutan. Namimiss ko yung anak ko pero hindi naman ako makaalis sa lugar na to.

"Good night baby." bulong ko kahit alam kong hindi niya maririnig.

Tipong hihiga na sana ako at matutulog nang biglang bumukas muli ang pinto ng kwarto niya. And then I saw his body in all its effin' glory. Naka boxer shorts lang siya na siyang alam kong attire niya pag natutulog. Totoo nga pala ang sinabi ni Giana, Rio is a definition of a greek god. Sleek powerful muscles cover his thighs and shoulders. Mga muscle na animo'y buhay dahil gumagalaw din sa bawat hakbang na ginagawa niya. He has this super defined abs and biceps na sobrang nakakatuksong hawakan at pisilin. Ibang-iba ang katawan na meron siya ngayon kumpara sa Rio ko noon.

Sobrang naengganyo akong panoorin ang pag flex ng muscles niya na hindi ko na namalayan at nasa harap ko na pala siya, nakatayo.

"I hate stubborn girls." bungad niya saken.

Di ko mapatid ang titig ko sa six pack abs niya kaya bumitaw lang ako ng konti pero ibinalik ko din naman duon ang buong atensiyon ko.

"Huh?" wala sa sariling usal ko.

"I said Kamila, ayoko sa matigas ang ulo."

Yeah, yeah. Matigas ang tiyan mo, for sure yan. Pwede pa-hawak, one more time? Sinadya kong kalimutan muna lahat ng masakit na bagay na ginawa niya saken ngayong araw na ito. Mas matimbang ang abs niya e.

Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya.

"Ahh." saka bumaba muli sa abs niya.

Naloloka na ba ako? May gayuma yata ang abs ng mokong na to at hindi ko na mapigtas ang tingin ko sa kanya.

Lumapit siya ng sobrang lapit dahilan para maduling ako. Inilipat ko ang tingin sa mukha niya pero ganun din naman kasi masyadong malapit din kaya naduduling pa rin ako.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now