24

19.2K 476 12
                                    

The Truth

Kamila

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakapako sa kinatatayuan ko pagkatapos umalis nung kotse. Hindi ko na nabilang ang mga taong pumaroo't parito habang ako naman ay nakatingin pa rin sa malayo. Magulong-maguo ang takbo ng isip ko at kahit anong pilit kong sabihin sa sarili na kaya ko pa, hindi ko pa rin maramdaman.

Para akong isang kandila na bigla na lang naupos nang hindi inaasahan.

Naulinigan ko ang pagtunog ng cellphone ko sa aking bulsa. Hindi ko maalala na inilagay ko iyon doon kaya ang ibig sabihin ay si Rio ang may gawa nito. Kinuha ko yun at sinagot nang hindi tinitingnan ang caller sa screen.

"Hello?" bungad ko sa kausap. Sinubukan kong lagyan ng kaunting saya ang boses pero wala din namang silbi dahil namamalat na ako epekto ng kakasigaw at kakaiyak ko kanina.

"Kamila, where are you?" si Rio. Mula sa background ay maririnig ang mahinang ugong ng mamahalin niyang kotse.

"Uh, nasa building." sagot ko kahit ang totoo, hindi ko alam kung nasaan talaga ako. Isa pa, hindi ako pwedeng bumalik sa empire na ganito ang itsura ko.

Isang nakabibinging katahimikan ang namayani matapos kong sumagot.

"Uhm, Rio, hello? Nandyan--"

"Wag kang magsinungaling sa akin Kamila. Ayoko sa lahat kapag nagsisinungaling ka.." mahina ngunit nagbabanta ang boses niyang iyon. Alam kong kapag ganito siya, mas nakakatakot siyang pakisamahan. And yet, alam ko na kahit anong galit niya, hinding-hindi niya kayang magbuhat ng kamay sa kahit na sinong babae.

And for some reason, I just want to be held by him. Gusto kong maramdaman na ligtas ako kahit sa konting pagkakataon lang. Gusto ko na maramdaman muli yung ilusyon na masaya ako kahit sa ilang minuto lang.

"I'm sorry. Nasa suite ka ba? Papunta na ako diyan."

"No. Tell me where you are, ako na ang susundo sayo."

Naalala ko ang putok kong labi. At kahit hindi ko tingnan sa salamin, alam kong may bakas sa leeg ko ang naiwan ng mabigat na kamay ni Patrick.

"H-hindi na.. Malapit lang naman ako." pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag. Alam kong kukulitin niya na lang naman ako at pagod ako para makipagpalitan ng salita sa kanya.

Wala pang isang segundo ay tumutunog na naman ang cellphone. Sinubukan kong wag pansinin iyon ngunit nanatili ang tunog niya hanggang sa marindi na lang ang tainga ko kakarinig.

"Bakit ba--"

"Didn't I tell you never to hang-up on me, NEVER!?" napangiwi ako sa lakas ng boses niya sa kabilang linya.

Tapos naalala ko na natrauma nga pala siya dun.

"I'm sorry. Sabi ko naman kasi sayo e. Ako na lang ang pupunta diyan." paliwanag ko.

"No need, I got you." humina na nang bahagya ang boses niya pero nanduon parin yung tensiyon.

"What!?"

"I said I can see you now--"

Inilibot ko ang paningin pero hindi ko makita ang sasakyan niya. O baka naman gumamit siya ng iba dahil nakay Kier yung Aston Martin? May nahagip akong isang convenience store sa tabi kaya agad akong pumasok doon.

"--where the hell are you going?" nagtataka niyang tanong sa cellphone. Naisipan kong ibaba kaso baka magwala na naman yung bipolar kaya hinayaan ko na lang.

Pagpasok ko, dahil convenience store yun, wala akong nakitang pwedeng pantakip ng leeg. Bumili ako ng band-aid para matabunan kahit papano ang labi kong medyo namamaga na rin. Ginawan ko na lang ng paraan ang leeg ko sa pamamagitan ng pagtakip dito gamit ang mahaba kong buhok.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon