34

19.1K 557 19
                                    

In this Lifetime

Kamila

Nilagutok ko ang daliri ko dahil sa inis. Naiinis ako kasi nanginginig ang mga kamay ko. Nanginginig ang kamay ko kasi kinakabahan ako. At kinakabahan ako kasi makikita ko si Rio at makikita nito ang anak niya.

Bumuntong-hininga ako saka yumuko. Unti-unti ko nang bubuwagin ang magkadikit na landas namin ni Rio. It's time to burn bridges. It's time to move on.

"Kia, wag malikot huh?" saad ko sa anak ko nang pababa na kami sa elevator. Ruzz called me a while ago and told me na andun na daw sila sa conference hall at naghihintay.

Tumingala si Kia. "Mommy, where are we going?" tanong nito.

"May meeting ako baby."

"I can't sit long. I forgot to bring papa Ruzz's gameboy." nasusuya niyang saad.

"I won't be long. Pagkatapos aalis din naman tayo." saad ko.

"Okay mom."

Magkahawak kamay na lumabas kami ng elevator saka tinungo ang conference hall. Nang makarating kami sa may pinto, lalong sumikdo ang puso ko.

"God, Kamila, too much coffee. Sabi ko naman kasing wag mong tunggain yung limang baso ng kape!" pagalit kong kausap sa sarili. Kanina pa ako tinetensiyon kaya kanina pa ako umiinom ng kape. Kung wala si Kia ay baka nasubukan ko na ring manigarilyo.

"Yes, too much is not good." my old souled baby said. Kahit na tensiyonado ay hindi ko napigilang tumawa. Saan kaya nakukuha ni Kia ang kanyang mga hugot? Ang lupet talaga ng batang ito.

Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Mabuti na lang at ang unang mukhang nabungaran ko ay iyong kay Ruzz. Medyo nakakunot ang noo niya pero nung makita si Kia ay agad ding gumuhit ang ngiti.

"Papa!" sigaw nang anak ko sabay takbo patungo dito.

Tumayo si Ruzz saka itinaas sa ere ang ngayon ay tumitili nang si Kia.

"How's my little girl?" bungad nito nung nasa ere na ang anak ko.

Nakangiting tinitigan ko ang dalawa. Kahit na kating-kati ako na makita ang reaksiyon ng lahat, ipinako ko ang tingin sa kanila sa takot na mahagip ko ang mata ng taong iyon. Napatunayan ko ngayon na hindi pa nga yata naghihilom ang sugat sa puso ko. Sadyang nilagyan lang ng pamapamanhid kaya't hindi masyadong halata.

Isang marahang tikhim na mula kay Ichiro ang dahilan kung bakit natigil ang magtito sa kanilang harutan.

"Baby, mag-bless ka sa mga Tito mo."

Umikot si Kia saka humalik sa kamay ni Ichiro, na sinundan naman ni Mexico at sa huli..

Sa huli ay si Rio.

Nang nasa harap na niya si Kia, hindi niya ibinigay ang kamay niya kaya tumunghay ang bata. Nagtama ang mga mata nila. Parehong mga mata, parehong mukha. Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng anak ko. Imbes na halikan niya ang kamay ni Rio, nagulat kaming lahat ng sumampa siya sa upuan nito, hinawakan ang magkabilang pisngi ng ama at humalik sa ilong.

Parang natigil ang oras sa nangyari. Nakita kong nanlaki ang mata ni Rio sa ginawa ng anak niya pero ang lalong ikinagulat ko ay nang magsimulang umagos ang mga luha sa pisngi nito. Mistulang nagsisipag-unahan pa ang bawat butil ng luha sa dami ng kumakawala sa kanyang mga mata.

"Oh, you are crying too. Just like mommy. She always cry." natutop ko ang bibig sa sinabi ng anak ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang malalim na titig ni Rio.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum