45

18.7K 375 11
                                    

Tuso

Kamila

"I told you to wake me up at five!" nagkukumahog ako habang isinusuot muli ang gown na suot ko kagabi.

Rio was looking at me pero hindi rin naman nagsasalita. Kanina pa nagising si Kia at kasama na nito ang mga tito sa hapag-kainan. Mula kasi ng dumating ito sa empire, nakagawian na ng mga Montereal na kumain ng umagahan ng sabay-sabay.

"I woke up late too, hindi mo ba naisip yun?" alam ko kung bakit galit siya.

He wanted me to stop. Ayaw niya nang bumalik ako kina Patrick. Ayaw niya nang mahawakan ako ng lalaking yun and most importantly, ayaw niyang mapasama ako sa gitgitan at away mamayang gabi.

Ito na din kasi iyong oras ng pagtutuos. This night marks the Montereal's biggest shipment for this year at kailangan nilang maayos ang problema kung ayaw nilang bumagsak.

Ako naman, as much as possible, I want to be present to help. Kahit konti, makabawi man lang ako sa pamilya ni Rio. I want to prove to them and also to myself that I can rewrite things. Na kaya nating magbago. Na kaya nating itama ang mga mali na nagawa natin dati kahit gaano pa man iyon kalaki. Kahit ang kapalit ay ang buhay natin o kaligayahan.

Bumuntong hininga ako. Patrick has been calling and hindi ko siya pwedeng sagutin kasi baka ma-track niya ang gps ko.

Ang plano ko ay babalik ako sa Paramondium at sasabihin ko na nahuli ako ng mga Montereal and but also that I escaped them. Sinadya kong punitan ang gown para maging kapani-paniwala ang sasabihin ko.

Nang maisuot ko iyon ay lumapit ako kay Rio. Hindi mapagkit ang tingin niya sa akin at halata ang pag-aalala sa kabila ng galit doon.

"I will be fine. Okay? Take care of Kia."

"Iiwanan namin siya kina Giana at sa yaya niya, kailangang nasa shipment kami."

"Yes." tumango ako. Hindi pababayaan ni Giana ang anak ko. "And please take care."

Gumuhit ang sakit doon na hindi ko mawari kung para saan.

"Hindi Kamila. You take care." nilagyan niya ng diin ang pagkakasabi niya ng you kaya napagtanto ko na marahil nahihirapan siya na wala siyang magawa para pigilan ako.

"I love you Rio Gabriel Montereal." saad ko sabay halik sa kanyang labi.

It was supposed to be a chaste kiss. Iyong ginagawa pag aalis ang asawa papunta sa trabaho but he pulled me in and kissed me deeply. Nayanig ang mundo ko sa halik na iyon.

"Hmm.. And I love you most Kamila Chavez soon-to-be Montereal."

Ngumiti ako at hinagkan siyang muli bago tuluyang tumalikod. I have to force myself to take a step kasi kung hindi, malamang mananatili ako sa kwartong iyon hanggang kinabukasan.

"Hindi na ako magpapaalam kay Kia." saad ko bago tuluyang umalis sa suite niya.

Dire-diretso ang lakad ko pababa hanggang sa marating ko ang lobby. Nobody stopped me. Nobody looked twice at my disheveled state of undress.

Agad akong kumaha ng kotse para marating ang Paramondium kaagad. I kept hoping na sana tumawag ulit si Patrick but my phone has been suspiciously silent for an hour now. Nakakapanibago.

Pagdating ko doon ay agad kong tinungo ang lugar na pinagdalhan niya sa akin noong una. Naupo ako sa sofa at hindi naman ako nun binigo dahil agad din naman ako nitong nilamon na parang gutom na gutom na halimaw.

Bumagsak ako sa cushion at muling naglakad patungo sa kwarto na inihanda sa akin ni Patrick nung una.

Pagbukas ko ng pinto, ang unang tumambad sa akin ay ang magulo at walang kaayusang kalagayan ng kwarto na iniwan ko. Agad akong pumasok at ininspeksyon ang paligid. Anong nangyari dito?

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now