28

19.3K 511 34
                                    

Ate Skye

Kamila

Kitang-kita sa mukha ng magtita ang gulat at pagkamangha ng bumaba ang sasakyan sa buhanginan. Dahil medyo may kalawakan naman talaga ang dalampasigan ng Costa Marina lalo kapag low tide, nagawa naming mag-land sa tabi ng bahay ni Ate Skye.

"This is it." bulong ko sa sarili ko. Magiging kompleto na ang kikilalaning magulang ni Kia. For sure everything's going to be fine now.

"Mommy!!?" isang matinis na boses ang biglang umalingawngaw mula sa kabahayan kaya napalingon ako doon.

Nakita kong bumaba sa maliit na hagdan sina Ate Skye at Kia habang ang huli ay mabibilis na nagtatatakbo papunta sa akin.

Lumuhod ako saka ibinuka ang kamay para pumasok siya doon kapag nakalapit na siya sa akin. Dire-diretso ang takbo niya at walang prenong tinunton ang yapos ko. Dahil hindi ganun katatag ang pundasyon ng paa ko at dahil na rin sa lakas ng momentum niya kaya sabay kaming natumba sa buhanginan.

Isang marahang igik ang narinig kong nagmula sa kanya habang tumatawa kaming pareho dahil sa nangyari. Pinupog ko siya ng halik dahilan para magtitili siya ng sa tainga ko at mamilipit dahil sa pangingiliti ko na din.

"Have you been good?" saad ko nang makabawi kami at makatayo.

Ngumisi siya at itinaas ang hintuturo.

"Supeeeeerrr!!" sigaw niya. Nginitian ako ni ate ng makalapit siya sa amin.

"Wow, someone's getting hyper." patutsada ko nang magsimula siyang tumalon-talon habang hawak ang kamay ko.

Nakitawa na din si ate. Niyapos ko siya ng mahigpit as if asking for forgiveness na kukunin ko na ang anak ko sa kanya. Nagkatinginan kami matapos iyon at alam kong alam na ni ate ang sadya ko dito.

"Kumain siya ng cake, kaya parang bulateng hindi mapakali." paliwanag niya sa akin.

Tumango ako.

Ganito talaga si Kia kapag nakakakain ng matamis, nagkakaroon ng ADHD. Kulang na lang ikutin niya ng paulit-ulit ang bahay para lang matanggal ang excess energy sa katawan. Malamang mamaya, dis oras na to ng gabi makakatulog. Di bale na lang, iyon na ang gagawin kong pagkakataon para maipaliwanag ko ang lahat.

"Come baby, let's get inside." saad ko kay Kia.

Bago pa kami nakaalis, may tumawag sa pangalan ko. 

"Miss Kami.."

Sabay kaming napalingon ni ate sa piloto na nagmaneho ng chopper.

"Po?"

"I'll return tomorrow." aniya habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.

"Ah, pwede namang sa monday kasi iyon naman ang uwi ko." paliwanag ko sa kanya.

Bahagyang nangunot ang noo niya pero tumango na din naman bago pa tuluyang bumalik sa loob ng sasakyan.

"Grabe, ganun ba talaga ang itsura ng mga empleyado ng mga Montereal? Kailangan parang model ang mukha at diyos ang katawan?" manghang tanong ni ate. Hindi pa rin mapagkit ang tingin sa lalaki na nakapasok na sa loob ng sasakyan.

"Hay naku ate, sinabi mo pa. Pag nakakarating ako sa mismong office ng mga normal na employees, parang pakiramdam ko nasa set-up ako ng mga artista."

Umirap si ate. "As if naman hindi ka mukhang artista."

"As if naman, hindi pareho ang dugong nanananlaytay sa ating dalawa, babae ka."

Nagtawanan kami saka nagsimulang maglakad pabalik sa loob.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Där berättelser lever. Upptäck nu