Secret 10

736 29 3
                                    


"Ah...Ms. Charleen, sorry talaga ah?"

Sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa tinutuluyan namin. Halos magkatabi lang kasi talaga ang tinutuluyan namin.

"Napaka formal mo naman sa personal, hindi halata kapag nagddm ka ah."

Napatigil naman ako ng nakita ko siyang nakangiti.

Ang ganda ganda niya talaga.

"Hehe."

Sabi ko nalang.

Hindi ko nalang namalayan na nasa harap na pala kami ng pintuan niya.

"Sige na pasok ka na."

"Goodnight."

Sabi ko sakanya at pumasok na rin siya sa loob.

Halos buong araw rin pala kami magkasama.

Kaya masaya ako na lumabas at pabalik na sana sa room ko ng bigla akong may nakita.

"Wooohhh!"

Pagewang gewang naman siyang naglalakad sa daan.

Teka si...

"Ate Rad?"

Agad naman ako napatakbo para alalayan siya.

"Hey are you okay?"

Teka bakit iyon ang tanong ko? Tanga ka talaga.

"I am! Okay na okay ako."

Sabi niya at pumipiglas pa.

"Kaya ko."

"Kaya ko."

Paulit ulit na sabi niya.

"Hindi ka na nga, makatayo ng maayos eh. Tapos kaya mo?"

Sabi ko at napatingin naman siya saakin. Pero nagulat nalang ako ng bigla siyang umupo sa gitna ng kalsada.

I mean gabi na pero parking lot ito hello?

"Ate Rad!!!"

Sigaw ko sakanya at hinawakan ko ang kamay niya at hinihigit siya patayo.

"Ate Rad naman! Halika na please ihahatid na kita sa room mo."

Sabi ko habang pinipilit ko siya tumayo.

"Hey...Bakit sa lahat si Cha ang pinakainaaidolize mo? Bakit mo siya sobrang nagustuhan. I mean she's my friend kaya alam kong mabait and maganda siya but aside from that ano pa ang reason?"

Nagulat naman ako sakanya pero pinipilit ko parin siya na itayo.

"Dali sagutin mo na."

Nagulat nalang ako ng biglang may nag beep na sa likod ko.

"Ate Rad! Tara na!!!" Sigaw ko sakanya.

"Bahala ka hindi ako aalis dito, hanggat hindi ka sumasagot sa tanong ko."

*beeeepppp*

Wala narin akong nagawa kaya binuhat ko nalang din siya. Bridal style.

Buti naman at hindi na siya pumalag.

"Bakit hindi ka nga pala magkakagusto sa tulad niya diba? Si Cha? Sobrang bait niya and ganda. Kumbaga almost perfect na siya. Swerte ang taong mamahalin niya, pero syempre swerte rin siya marami nagmamahal sakanya eh.'

Hindi nalang ako nagsalita. Nang itatanong ko na kung saan ang room niya narinig ko nalang na may mahinang humihilik na sa balikat ko. Kaya hindi ko nalang maiwasan mapangiti.

"Hay nako. Hahaha"

Kaya naman sa kwarto nalang ni Ate Charleen.

"Hi?"

"What happened?!"

"Ah nakita ko lang siya kanina sa baba."

Sabi ko at pumasok na at maingat na binaba si Ate Rad sa bed at kinumutan siya.

Lumabas naman na ako ng room.

"Goodnight."

Sabi ko at aalis na sana ako, kaya lang may pwersa na bumalik saakin pabalik sa sakanya, kaya bago pa man niya masara ang pinto ay hinarang ko na ang katawan ko.

"Sweet dreams."

Napangiti naman siya.

"Sweet dreams."

Isasara na niya sana ulit ang pinto ng iharang ko ang paa ko.

"Sorry ulit."

"Hahaah. Ang kulit mo! Sige na. Pahinga ka na rin. Goodnight. Sweet dreams...and yes forgiven."

Sabi niya at tuluyan ng sinara ang pinto.

"I like you Ms. Charleen."

Bakit ko siya nagustuhan? Bakit hindi?

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Onde histórias criam vida. Descubra agora