Chapter 51

473 16 5
                                    


"May AFC pa naman, Rad. Babawi tayo don? Okay."

Tumungo nalang ako, pagkatapos ay inilagay ang towel sa mukha ko.

Bakit ganon?

Bakit parang kahit anong gawin ko, hindi nagiging sapat?

Bakit parang lagi nalang kulang?

Napatigil naman ako sa pagiisip ng biglang nag ring ang telepono ko.

''Ate Rad?'

'Ara?'

'Ate Rad, alam kong kakatapos lang ng game niyo. Tapos ganon pa, pero ate Rad, favor naman. Pwede bang sunduin mo si Mika? Kasi sayo lang naman nakikinig yun eh.'

'Sige.'

Agad din naman akong nag shower at nagmadali magbihis.

"Oh Rad? Saan ka pupunta? May dinner pa yung team ah?"

Sabi saakin ni Jovs, pero dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na siya nasagot.

Baka ano nanamang gawin nun ni Mika.

"Rad, babawi tayo. Wag ka ng malungkot."

Ah oo nga.

Natalo pala kami.

Malungkot pala dapat ako kasi natalo kami.

Siguro kung nababasa lang ni Jovs ang nasa isip ko ngayon, baka batukan na niya ako.

Dahil sa sobrang alala ko nanaman kay Mika, nakalimutan ko nanaman yung sarili ko.

May problema rin pala ako.

Pero ayaan mo na, ang importante ay si Mika. Kailangan ko pang i-make sure if okay lang ba siya.

Sorry self, pero mamaya ka na. Si Mika muna, yung mahal ko muna.

Ngumiti naman na ako kay Jovs at tinapik ang balikat niya."May importante lang akong pupuntahan, wag kang magalala okay ako."

Sabi ko at nagmadali na lumabas at magmaneho papunta kay Mika.

Pagkapark na pagkapark ko ng sasakyan, ay laking gulat ko ng makita ko na si Mika sa labas ng bar.

Halos tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mukha niya.

Putok ang labi niya.

Ganon din ang pisngi niya.

Panay dugo ang damit niya.

"Mika.. A-nong nangyari sayo?" Nanghihina na sabi ko .

Tumingin naman siya bigla saakin.

Pero hindi siya nagsasalita.

"Mika sino may gawa sayo niyan?"

"Uwi na tayo." Sabi niya lang at dumiretso na siya sa kotse.

Hinawakan ko naman ang kamay niya para pigilan siya.

"Mika."

Pero hindi niya lang ako pinansin at dumiretso sa sasakyan.

Tahimik lang ang naging biyahe namin.


---

"Tangina. Malaman ko lang kung sino yung mga hayop na iyon. Itatali ko sila sa pinakatuktok ng henry sy at susunugin ko sila." Sabi ni Ara.

Nandito kami sa baba ng dorm nila, habang si Mika naman ay nagpapahinga na sa taas.

"Kaya lang ayaw naman magsabi ni Mika kung sino sila."

Napabuntong hininga nalang ako.

Mika ano bang nangyayari sayo?

Kahit lumipas na ang mga araw ay ganon parin siya, naging mailap siya saamin.

"Kahit sa bar na pinagtatambayan niya wala siya, Rad."

Sabi ni Ara na halatang nagaalala na.

Sino ba naman kasing hindi magaalala diba?

Kung kada gagaling ang sugat niya at kinabukasan ay meron nanaman.

Agad naman akong sumakay ng taxi papunta sa isang lugar na tiyak ko na nandoon lang siya.

Sa park pa end ng city.

"Mika."

Lumingon naman siya saakin at muling tiningnan ang mga bituin.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin na, nandito lang kami para sayo? Hindi mo kailangan saralihin yan Mika. Nandito lang kami, lumapit ka lang. Kaibign ko ako Mika, kaya kapag nanghihina ka pwede kang lumapit saakin para ako muna yung maging malakas para sayo."Sabi ko pa sakanya.

Pero hindi parin siya nagsasalita, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ang pagpatak ng ulan.

Ulan, pwede bang tangayin mo na lahat ng sakit na nararamdaman niya? Pwede ba iyon?

"Uwi na tayo." Sabi niya.

Dahil nga wala kaming dala na sasakyan ay nagtaxi nalang kami pauwi. Inihatid ko na siya sa dorm at nagbyahe narin ako agad pauwi.

"Mam gusto niyo po ba dumaan muna tayo ng hospital? Kasi po nanginginig na po kayo eh." Sabi naman bigla ni Manong driver.

"Ah hindi po manong, okay lang po."

"Sigurado kayo?"

"Opo."

At pagkagising ko nga kinabukasan ay nilagnat ako.

"Augh, ang sakit ng katawan ko."

Bigla naman may kumatok sa pinto kaya naman kahit parang sinasapak ako ngayon sa kinahihigaab ko ay wala narin akong nagawa kundi buksan ito.

"Ata Rad-!"

Bigla naman ito napatigil sa pagsasalita.

"Hala! Ate Rad, okay lang po ba kayo?"

Bigla naman na silang pumasok ni Kim at inalalayan ako papasok ulit ng kwarto.

"Brad wrong timing ka."

Rinig kong bulong ni Kim kay Ara.

"Anong wrong timing?"

"Ah wala." Sabay nilang sabi. Kaya naman biglang napakunot nalang ang noo ko.

"Bakit? May nangyari nanaman ba kay Mika?" Tanong ko pa.

"Ate Rad, kasi..ano..diba nga...kakatapoos lang ng season? Tapos finals pa."

Napahinto naman si Ara sa pagsasalita, kaya naman pinagpatuloy ito ni Kim.

"Nalaman namin na hindi pala pumapasok na si Mika--"

"Ano?!"

"Pero ano..kami na muna bahala, kakausapin nalang namin siya. Tapos kapag magaling ka na, tiyaka mo nalang din siya kausapin. Unahin mo muna yung sarili mo Rad."

Napailing nalang ako at tumayo sa kama.


Self, sorry ulit. Pero si Mika muna ulit ah? Babawi nalang ako sayo. Promise na yun.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now