Chapter 48

454 19 12
                                    


"Alam ko kung gaano mo siya minahal Dar." Sabi pa niya"Sobrang mahal mo siya, and im happy dahil masaya ka sakanya."

Masaya? Bullshit. Sana.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at binigay ang payong sakanya."Umuwi ka na."

"Dar, sa tatlong buwan na pagsasama natin. Lagi naman akong nandiyan para sayo diba? Kapag kailangan mo ako, nandiyan agad ako. Dar pwede bang ako naman ang mangailangan ngayon? Dar alam ko sa oras na maglakad ka papalayo saakin. Mawawala ka na rin, kaya pwede bang humiling ako ng kahit limang minuto? Limang minuto lang. Limang minuto lang para matitigan ka pa. Limang minuto lang para makasama ka."Napatigil naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"Kahit limang minuto lang, hayaan mo akong mahalin ka."

Hindi naman ako nagsalita, siya rin. Hawak lang niya ang kamay ko na para bang ayaw niyang bitawan. Pagkalipas ng mga minuto ay pinilit ko siyang hawakan na ang payong at tumalikod na para bumalik sa sasakyan.

Pero bigla nalang niya akong niyakap sa likod, dahil din doon ay nabitawan niya ang payong. Kaya parehas kaming basang basa ngayon.

"Sandali lang, may 5 seconds pa ako."

Pagkatapos ng gabing yon ay hindi ko na siya nakita.

Tinry namin ni James i work yung relasyon namin, kaya lang kahit anong pilit kung hindi siguro nakatadhana ay hindi uobra.

"Rad!!" Sigaw ng teammates ko, daig pa nila nakanta sa simbahan.

"Teka eto na! Mauna na kayo!" Sigaw ko pabalik at inayos ang sintas ng sapatos ko at tumakbo na papunta sakanila.

Habang tumatakbo naman ako ay biglang nadaanan na mga naka f2 shirt at bigla naman nahulog ang ticket nila, kinuha ko naman ito.

Saktong pagkakuha ko ng ticket ay bigla nalang silang nawala sa paningin ko.

"Asaan na iyon?" Nagpalinga linga naman ako para mahanap ang may ari ng ticket.

Habang naglalakad naman ako ay nakasalubong ko si Jovs.

"Ang tagal mo ah? Akala ko napulupot na sayo yung sintas mo eh." Sabi nito.

"He.he. Tara hanapin muna natin yung may ari ng tickets na ito, sigurado halos mapraning na iyon kakaisip kung saang kamay kukuha ng ticket." Sabi ko sakanya.

Tumungo tungo naman siya. "Sige."

"Hey."

Halos ma istatwa naman ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siya,

Ang tagal narin.

5 years?

"Mika,Huminga ka!"

Kilala mo pa naman ako diba?

"Holy cheese."

Rinig kong sabi niya.

Bakit ganon? Bakit parang hindi mo na ako kilala?

Ah.

Kasi siguro, marunong na akong magsuklay? Bati na kami ng pimplea ko? Napasunod narin ako sa mga uso na damit? Ah kasi siguro kasi ako si Rad.

Hindi si Dar.

"Sainyo itong tickets diba? Nakita kasi namin na lumipad galing sakanya eh." Sabi ko at tinuro yung kasama niya.

"Ah o-o."

"Here."

"Thank...y-o-u."

After 5 years nahawakan ko ulit ang kamay niya.

Pero kailangan ko itong bitawan agad.

Sa pagkakataon na iyon, parang bumalik lahat.

Yung sakit.

Yung panghihinayang.

Siguro kung hindi ko siya iniwan nung gabing yun? Siguro mas masaya kami.

Siguro kung pinagbigyan ko lang yung pagkakataon na iyon, hinding hindi ko na kailangan pang bitawan ang kamay niya.

"Welcome! Sige mauna na rin kami."

Sabi ko nalang at tumalikod.

Pero ang totoo, ayoko.

Gustong gusto ko siyang balikan at sabihing, ako ito. Ako si Dar.

Pero sino ba ang tangang nangiwan? Siya ba? Ako yun. Kaya anong karapatan kong guluhin pa ang buhay niya? Wala.

Nawalan na ako ng karapatan sakanya, simula nung naglakad ako papalayo sakanya. Papalayo sa buhay niya.

Ang bilis lumipas ng araw.

Parang kahapon lang ako yung mahal niya,

Ngayon may iba na.

Nasa kotse naman ako ng bigla niya akong bigyan ng wig.

"Para hindi tayo mahalata agad." Sabi niya.

"Mika, ang swerte sayo ni Cha. Kasi mahal na mahal mo siya."

Kaso ang malas ko, kasi siya na yung mahal mo. Hindi na ako."Kasi tingnan mo kahit magmukha kang ewan sa disguise mo, kinakaya mo parin." Dagdag ko pa.

"Mas maswerte ako sakanya, Rad. Yung sabihin niyang mahal niya ako? Pakiramdam ko sa sobrang tuwa ko non, ready na ako mamatay. Kaya lang hindi pwede, hindi pa pwede mamahalin ko pa siya eh. Magsasama pa kami, tutuparin pa namin yung mga pangarap namin. Tapos kapag natupad na namin yung mga pangarap namin, aayain ko siya magpakasal. Kahit saan niya gusto, kahit sa mars pa. Okay lang saakin, basta siya yung sasabihan ko ng I do, makakasama ko hanggang sa pagtanda, hanggang sa hindi na namin kayang magvolleyball, hanggang sa makapag salita na yung aso ni Ara, hanggang kailan niya gusto. Hanggang habambuhay, kasi ako? Hindi ko na makita yung future ko ng hindi ko siya kasama."

'Kasi ako hindi ko na makita yung future ko ng hindi ko siya kasama.'

Napayuko nalang ako.

Ang sakit pala, pero wala na akong magagawa.

Ganon na talaga.

Si Cha yung future? At ako? Ako yung past. Yung nakalipas.

--

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ