Chapter 64

483 19 10
                                    


"Eto na ba si Shami?" Sabi ni Mommy at kinuha si Shami na karga karga ko lang. Tiningnan lang ni Shami si Mommy, mabuti nalang hindi ito umiyak.

"Kamukhang kamukha mo siya Anak." Masayang sabi nito habang masayang masaya na nakatingin kay Shami.

"Syempre My! Anak ko iyan." Sabi ko nalang at hinalikan si Shami.

"Ay My! Iiwan ko po muna pala sainyo si Shami ng kahit dalawang araw lang, kasi nga sa bulacan pa ang seminar." Sabi ko habang nagsisimula narin ayusin yung gamit ko galing sa maleta, pati narin ang mga gamit ni Shami.

"Bulacan..hmm.." Biglang singit naman ni Cienne, kaya binato ko nalang siya ng towel. "Bakit Ditse? May sinasabi ba ako?" Maang-maangang sabi nito.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang din ako sa ginagawa ko. Pero kamusta na nga kaya siya?

"Sige Anak, dadalhin ko nalang din muna si Shami sa room ko para doon muna magpahinga." Sabi ni Mommy at lumabas na kasama si Shami. Habang ako naman ay tumigil muna sa ginagawa ko ng sandali at nilingon si Cienne.

"Pero kamusta na siya Cienne?"

Bigla naman nagseryoso ang mukha nito. "Kung icocompare naman nung umalis ka, mas okay na siya." Sabi nito at ngumiti.

"Mabuti naman."

"Ikaw parin mahal nun." Sabi nito.

Hindi nalang ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagaayos ng gamit namin ni Shami.




"Grabeng seminar yon noh?  Napakatagal akala ko sa sobrang pagod ko bigla nalang akong hihiga doon sa table eh." Napatawa naman ako sa sinabi ni Janice, ang kasamahan ko sa L.A na kasama ko rin ngayon sa seminar.

Tulad nga ng sinabi ni Janice ay halos ilang oras din tumagal ang seminar, kaya naman napagpasiyahan namin maghanap ng kakainan. 

"Janice wait!"

Agad naman napapreno si Janice sa gulat. "Ohmaygas Cha!"

"Sorry."

Agad ko naman tinanggal ang seatbelt ko at nagmadaling bumaba ng sasakyan.



"Mika?" 


Hindi ako makapaniwala, nasa harap ko siya ngayon. Kaya lang ang sabi ni Cienne, okay na daw siya? Pero bakit ganito? Bakit parang hindi naman? 

"Mika? Iuuwi na kita sainyo ah?"

Tinulungan naman ako ni Janice na alalayan si Mika sa sasakyan. Agad ko din naman tinuro kay Janice yung way papunta kayla Mika, at mabilis naman itong nagmaneho.

"Janice thank you talaga ah." Sabi ko dito habang inaakay namin si Mika papasok ng kwarto nito.

"Sus naman sis! Para namang iba." Bigla naman nagvibrate yung phone niya. "Ay sis! Hinahanap na ako ni Charles sa hotel, sasama ka na ba?"

Napatingin naman ako kay Mika. "Hindi sige, mauna ka na."

Bago pa man makalabas ni Janice ay nakasalubong niya si Tita Bhaby, at nagpasalamat ito sakanya. Habang ako naman ay bumalik na ulit kay Mika. Pinunasan ko naman siya, at hindi ko maiwasang titigan siya.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now